HER POV “Ilang araw ka ng hindi pumapasok sa VERA Apparel, meron bang nangyari?” tanong sa akin ni Coleen. Napahinga lang ako nang malalim at pinagpapatuloy ang ginagawa kong designs. Ang totoo ayaw ko lang naman talaga makita si Dylan doon. Hindi ko alam, hindi ko kaya. Mabuti nga at wala siyang pinapagawa sa akin o balak man lang na papuntahin ako doon dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko siya sisiputin. “Hindi mo ba talaga ako kakausapin? Kasi ang unusual na meron kayong usapan ni Dylan, pero ilang araw ka ng nandito sa OLIE Atelier.” Napatigil na lang ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. “Gusto ko ng makita ang mga anak ko,” wika ko sa kaniya. Napahinga naman siya nang malalim sabay lumapit sa akin. “Ano ka ba naman, dalawang araw na lang din naman babalik na dito ang mg

