HER POV Hindi pa rin matanggal sa isipan ko ang nakita ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ako nababagabag sa nakita ko, pero hindi ako pwedeng magkamali dahil si Krystal nga iyon. “Alam mo, sa kakaganyan mo iisipin ko talaga na meron kang problema. Kanina ka pa nakatulala? Ano bang nangyayari sa ‘yo?” tanong sa akin ni Coleen. Napatingin ako sa kaniya at napangiti. “Wala naman, malalim lang talaga ang iniisip ko. Don’t worry about it,” pagputol ko sa pag-aalala niya. “Pero ikaw, sure ka na ba na sa condo na lang tayo magkikita?” tanong ko sa kaniya. “Yeah, puntahan mo na yung date mo, baka mamaya mag-antay ng matagal si Tristan,” nakangiti niyang sabi. Napailing-iling na lang ako dahil pinipilit niyang si Tristan ang kikitain ko, well in fact hindi ko rin naman alam kung sino talag

