HER POV Lumabas ako ng restaurant at iniwan si Dylan doon. Hindi ko na rin ata kakayanin na makasama siya doon lalo na sa mga nangyayari ngayon. Wala pa akong lakas para kausapin siya tungkol sa nakaraan naming dalawa. Kung iisipin, parang hindi pa nga talaga ako totally naka-move on. Kasi bakit pa rin ako naaapektuhan sa nangyayari ngayon? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung mga oras na kinakausap na niya ako. Ang alam ko lang ayaw kong balikan yung nangyari sa amin dati kasi wala naman ng dapat pang balikan. “Rhianne?” nakarinig ako ng tawag mula sa likuran ko. Napalunok ako at napapunas ng luha ko sa mata. Pagharap ko ay nakita ko na nandoon si Dexter. “Umiiyak ka ba?” tanong niya sa akin. Napangiti lang ako sa kaniya at napailing-iling. “Rhianne.” Napatigil naman kami ng

