HER POV Ngayon ang araw na aalis kami ni Coleen papuntang Isla de Lujuria. Matapos ng pag-uusap namin ni Dexter kagabi ang dami kong naisip. Kahit papaano ay nailabas ko sa kaniya yung gusto kong sabihin. Knowing na kapatid siya ni Dylan, dahil din sa pakikinig niya ay nabigyan ako ng onting validation sa nararamdaman ko. Ngayon na tatlong araw rin kaming hindi magkikita ni Dylan, siguro maganda na rin ito para simulan ang mga hakbang na dapat kong gawin sa oras na nagkikita kaming dalawa. Ang kailangan ko ay huminga muna at palipasin ang lahat ng nararamdaman ko. “Ayos ka na ba?” tanong ni Coleen sa akin. Napangiti naman ako sabay napatango-tango. “Yeah, ayos na ako. Kulang lang talaga ako sa tulog.” Napangiti naman sa akin si Coleen at nagpatuloy kami sa paglalakad. Ngayon ay pa

