HER POV
Napainom na lang ako nang beer habang nakatingin sa labas ng veranda. Kasama ko ngayon si Coleen dahil wala din naman akong magagawa sa bahay. Wala naman akong trabaho, wala rin akong magawa sa bahay.
Gusto ko man na maglakad lakad doon sa village pero malapit lang din doon yung lugar nila tito Armando kaya hindi ko magawa yung bagay na iyon. Kaya hanggang maaari ay kailan makalayo ako sa bahay namin para naman hindi ako ma-stress sa kung ano’ng ipapalusot ko kay tito.
After nung nangyari sa kanilang dalawa ni Dylan, mas lalong naging mailap si Dylan sa akin. Galit siya dahil sa nangyari. Pero hindi ko rin naman siya masisisi, dahil pinilit din siya na malagay sa ganitong sitwasyon. Kung meron lang akong kakayahan na tumanggi at i-persuade ang mga magulang ko ay gagawin ko para lang hindi matuloy ang kasal namin noon. Pero wala, wala rin akong laban.
“Uy tulala ka jan!” tawag sa akin ni Coleen sabay snap ng kamay niya. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napainom sa beer. “Ang lalim ng iniisip mo sister ko, ano na ang issue?” tanong niya sa akin.
Napahinga ako nang malalim sabay napainom muli. “Ano pa nga ba, edi same issue lang din naman. Ang ilap-ilap ni Dylan at galit siya sa akin,” sambit ko. Napataas naman ang kilay niya sabay inom ng alak.
“Galit? Paano’ng galit, yung to the point na magkakachikinini ka na sa leeg?” pang-aasar niya sabay turo niya doon. Nanlaki naman ang mata ko at napatakip doon. Hindi ko ine-expect na meron pa lang bakas ng ginawa niya. As usual, naglasing na naman siya kahapon at ang una niyang ginawa ay imbis na pumasok sa kuwarto niya ay hinahanap ako at akala mo sobrang mahal namin ang isa’t isa dahil sa mga halik namin na akala mo gutom sa isa’t isa.
“Oh hindi ba, hindi makasagot. Ano ‘yan galit galitan. Tapos bigla na lang maglalambingan?” tanong niya sa akin. Napahinga naman ako nang malalim sabay napailing-iling.
“Hindi naman ganon, set up lang din naman. Mag-asawa naman daw kami so better na kami na rin daw yung mag-fulfil ng fantasy namin.” napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.
“Seryoso ka ba? Talagang pumayag ka sa ganon?” gulat niyang tanong sa akin. “Ano ba kayo, f*ck buddies?” hindi na lang ako sumagot sa tanong niya at sa halip ay pinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ko.
“Rhianne, ayusin mo lang alam naman na aalis na ako dito sa Pilipinas hindi ba?” seryoso niyang sambit. “Ayaw ko lang na wala kang matatakbuhan kapag hindi mo na kaya. Pwede mo naman ng bitawan yung kasal na iyan, para saan pa’t ikinasal kayo sa bansa na merong divorce kung hindi ninyo magagamit hindi ba?”
Napangiti naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya sa akin. Alam ko na nagwo-worry siya sa akin, pero ano’ng magagawa ko. Nakasalalay dito yung business namin.
“Alam mo naman na hindi ko basta-basta maiiwan yung responsibility ko sa pamilya ko hindi ba?” wika ko sa kaniya.
“Paano naman kasi ang alam lang nila tito at tita business. Hindi nga nila alam kung ano ang set up ninyo ni Dylan pero ito ka pumapayag lang na ganiyanin,” sambit niya. “Kailan mo ba balak tumigil? Kapag nabuntis ka na niya?” Bigla ko namang nabuga ang iniinom ko dahil sa tanong niya.
“Ano ba namang klaseng tanong iyan,” wika ko sa kaniya.
“Oh bakit hindi ba? Sa ginagawa ninyo pa lang dalawa, malabong hindi talaga kayo makabuo niyan,” wika niya sa akin. Napahinga na lang ako nang malalim at napasandal sa kinauupan ko.
“Ayaw naman niya magkaanak,” sambit ko. “So alam ko na hindi ako mabubuntis.” Narinig ko na lang ang malalim niyang hininga.
“Alam mo, sana magising ka isang araw na yung mga ginagawa ni Dylan sa ‘yo is not okay. Na isang araw magising ka na kaya mo ng lumaban kay Dylan sa mga magulang mo at unahin mo naman ang sarili mo.”
Iyon ang tumatak sa akin na sinabi ni Coleen bago siya umalis para magtrabaho sa ibang bansa. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung kakalabanin ko ba si Dylan o sila dad. Gusto kong magalit kay Dylan minsan, pero hindi ko magawa. I end up following his wants.
Kila dad, umiiwas na ako. Ayaw ko ng magpakita sa kanila dahil ayaw ko na ma-corner nila ako ng tanong na hindi ko naman alam kung paano ko sasagutin. Ayaw ko na magsinungaling, pero hindi ko rin naman kayang lumaban. Kaya ang pag-iwas na lang ang ginagawa ko. Salamat na rin sa tulong ni Aly, my sister, naiiwasan ko ang mga magulang ko.
Days passed, patuloy pa rin ang set up namin. Sobrang hirap makisama kay Dylan. Sobrang intindihin kung saan siya nanggagaling. Ayaw niya na kumain sa bahay, kaya madaming nasasayang na pagkain. So I end up giving it sa mga nakikita kong pamilya sa lansangan.
Gusto ko na maging maayos kaming dalawa. Kahit hindi namin mahal ang isa’t isa. Gusto ko na walang malaking harang sa pagitan naming dalawa dahil mararamdaman mo ang bigat ng ambiance.
Katulad ngayon na nandito na lang ako nakatambay sa coffee shop, wala na si Coleen, wala rin naman akong ibang mapupuntahan dito. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Pakiramdam ko nakakulong na lang ako sa iisang kuwarto na hindi alam kung saan ang palabas. Na kahit nakakapunta ako sa mall, sa mga lugar na gusto ko, pero pakiramdam ko pa rin ay nakakulong ako.
Nagising naman ako sa ulirat ng marinig ko na may kumatok ng lamesa ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Dexter, nakasuot ng black tank top at maong pants. “Rhianne, you’re here. Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong niya sa akin.
Napaayos naman ako ng upo at napatingin sa kaniya. “Ahh wala naman, wala kasi akong magawa sa bahay. Wala rin naman akong trabaho pa so inisip ko na libangin na lang yung sarili ko. Ikaw malapit ka lang ba sa lugar na ito?” tanong ko sa kaniya,
“No, dumaan lang ako sa company. Pinatawag ako ni dad, sabi kailangan daw nila ng tulong.” Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.
“Company? Malapit lang dito ang company?” gulat na tanong ko sa kaniya. Napatawa naman siya.
“Bakit naman gulat na gulat ka, eh alam mo naman na nandito yung company sa lugar na ito. Kaya nga nagulat ako na nandito ka. Akala ko pinuntahan mo ang mister mo,” wika niya sa akin. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Medjo kinabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
“F*ck nawala sa isip ko na nandito pala ang company,” wika ko sa sarili ko. Agad kong kinuha ang bag ko para umalis. Pero hinawakan naman niya ang kamay ko dahilan upang mapatigil ako.
“Asaan ka pupunta?” nagtataka niyang tanong sa akin. Napakamot na lang ako sa aking ulo at hindi alam kung ano ang idadahilan.
Dahil paano ko sasabihin na ayaw ni Dylan na makita ako malapit sa company? I tried to do it before, nagdala ako ng pagkain sa kaniya pero tinapon lang niya at nagalit pa siya. Now na malapit ako sa company at kung makita niya ako alam kong magagalit na naman siya.
“Need ko ng umuwi, meron pa pala akong gagawin,” sambit ko.
“Ganon ba, pwede naman kitang isabay na lang, tutal madadaanan ko naman yung bahay ninyo.” Offer niya sa akin. Pumayag na ako at sumabay sa kaniya pauwi.
Nakahinga ako nang maluwag ng makarating kami sa bahay. “Thank you, Dexter.” Napangiti naman siya sa akin.
“No worries, next time na lang tayo mag-catch up meron din kasi akong important errands na pupuntahan.” Napangiti na lang ako at napatango-tango bilang pagsang-ayon.
Napahinga ako nang malalim bago pumasok sa bahay, na siyang ikinagulat ko dahil pagpasok ko sa gate ay nakita ko na nandoon na ang sasakyan ni Dylan. Medjo kinabahan ako dahil bakit ganito kaaga siya umuwi. It’s three in the afternoon. It’s unusual na ganitong oras siya umuuwi dahil madalas siyang late umuwi.
Naglakad loob akong pumasok sa loob ng bahay namin. Napatigil na lang ako nang makita ko siyang seryosong nakaupo sa couch at nakatingin nang matalim sa akin, dahilan upang matakot ako. “A-andito ka na pala, may pinuntahan kasi ako,” sambit ko lang sa kaniya at naglakad diridiretso papasok ng kuwarto ko. Pero napatigil ako nang bigla siyang nagsalita.
“Sa company, hindi ba? Pumunta ka around the area ng company?” napalunok naman ako dahil sa sinabi niya. Matagal din ako nakatambay doon at hindi ko rin napansin na nandoon pala ako sa area na iyon.
“Sorry, hindi ko alam na around the area pala yung company ninyo, nawala sa isip ko–”
“Ano bang sinabi ko sa’yo, hindi ba na huwag pumunta doon? Bakit ba lahat na lang ng bagay ginagawa mo para mapansin ko. Nung una dinalhan mo ako ng pagkain kahit hindi ko gusto and now doon ka magkakape? Bakit, may kulang ka pa bang hindi nakukuha, Rhianne?!” sigaw niya dahilan upang mapapikit ako.
“S*x, pera, yung company shares? Ano! Pagmamahal?!” diin na sabi niya. “Ano pa bang gusto mong kunin na hindi mo pa nakukuha?!” Nakatingin ako ng diretso sa kaniya. Alam ko na meron siyang gustong marinig at meron akong gustong mangyari.
“Wala akong gusto. Hindi ko pinipilit hingiin ang pagmamahal sa ‘yo. Yung maging okay lang tayo, yun yung gusto ko. Mabibigay mo ba?”