Chapter 04

1446 Words
HER POV Nagising ako na may sakit na nararamdaman sa buong katawan ko. Napatingin ako sa bintana at mukhang maliwanag na sa labas. Dahan-dahan kong inangat ang katawan ko dahilan upang makita ko ang sarili ko rekta sa salamin na nakatayo sa gilid ng kama. Kita ko ang pulang mga marka na nagkalat sa aking leeg at sa aking dibdib, doon sa akin nanumbalik ang nangyari sa amin ni Dylan na ngayon ay wala na sa tabi ko. Napahinga na lang ako nang malalim at pinilit ang sarili ko na tumayo sa kama kahit na kumikirot pa ang gitnang parte ko. Kinuha ko ang bathrobe na nakasabi sa likod ng pinto at plano na lumabas ng kuwarto. Pagbukas ko ng pintuan ay napatigil ako nang makita ko si Dylan na nakatayo doon at akmang hahawakan ang doorknob ngunit huli na dahil nabuksan ko na ito. Nakasuot siya ngayon ng puting t-shirt na fitted sa kaniya kaya kitang-kita ang magandang hugis ng katawan niya at maong pants. Napako rin ang tingin ko sa leeg niya na nilagyan niya ng skin toned tape upang takpan ang mga marka na nilagay ko kagabi. “Buti naman gising ka na,” seryoso niyang sabi. Napalunok na lang ako at napatingin ng diretso sa mata niya. Mukhang bumalik na siya sa dati niyang pagkatao ang seryoso, malamig, at may galit na Dylan. “Don’t give any meaning sa nangyari sa atin kagabi. Mag-asawa na tayo, natural na magagawa natin yung bagay na iyon,” diretso niyang sabi. Hindi naman ako umiik sa sinabi niya at napayuko na lang. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya sa mga oras na iyon dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. “Here, bumili ako ng painkillers and pills.” Abot niya ng paper bag sa akin. “Tumawag ako sa tita kong OB to know what’s best pills na pwede mong inumin. Ayaw kong magkaanak and expect that we will do this kind of activity, we’re adult and we have our needs. Mag-asawa naman tayo, kaya bakit hindi ko na kukunin sa ‘yo yung benefit na iyon hindi ba?” seryoso niyang sabi sa akin. Inabot ko naman ang paper bag sa kamay niya. “Thank you,” mahinahon kong sabi. “Mag-ayos ka, I’ll wait you here outside, kailangan natin pag-usapan yung set up natin,” seryoso lang niyang sabi sabay naglakad paalis sa harapan ko. Napapikit na lang ako at napahinga nang malalim dahil sa bigat ng atmosphere sa gitna naming dalawa. Ano pa nga bang ine-expect ko sa kaniya? It’s all his alcoholic state at dala ng tawag ng laman niya. Kaya bakit ko ba ine-expect na merong meaning yung nangyari sa amin kagabi? Inayos ko ang sarili ko at nagbihis ng presintable. I used a concealer to cover up those hickeys bago ako lumabas ng kuwarto. Doon ay nakita ko siyang nakaupo habang nagbabasa ng libro. Tahimik lang siyang iniintindi ang libro niya, something na hinangaan ko sa kaniya. Kasi ganon na ganon ko rin siya nakikita sa library tuwing pumupunta kami ni Coleen at naabutan namin siya na nag-aaral kapag meron siyang free time. “Ano yung pag-uusapan natin?” tanong ko sa kaniya. Napatigil naman siya ginagawa niya at napatingin sa akin. “About the set up,” sambit niya sa akin. “Once na lumipat na tayo sa bahay, wala na dapat tayong pakialamanan. Sa monday mag-s-start na ako sa office ni dad. Hindi tayo magkakasama which is good for the both of us,” wika niya sa akin. “So ano’ng gusto mong gawin ko?” tanong ko sa kaniya. “Just do whatever you want,” wika niya. “Dapat malaman nila na ayos tayo sa isa’t isa. Dapat alam nila na walang ilangan sa pagitan natin. In short we will act nice in front of them. Hanggang doon lang, don’t treat those things na totoo dahil walang pag-asa na mahalin kita.” Doon ko naramdaman ang sakit sa sinabi niya. Alam ko na walang pag-asa, pero kapag mismong nanggaling sa kaniya para akong sinampal ng katotohanan that this marriage is all about business and convenience, not for us, but for our family. Kaya nung nakalipat na kami sa bahay, doon kami nagsimulang hindi na ganon magpansinan. Lagi siyang nasa office, while ako naman ay nasa bahay lang. Lagi siyang late umuwi at kapag umuuwi siya hindi na siya kumakain at dumidiretso na sa pagtulog. Kapag weekends, kailangan lagi kaming magkasama dahil bumibisita ang parents namin sa bahay namin para kumustahin kami. Pero ang hindi ko makakalimutan ay ng marinig ko si Dylan at tito Armando na nag-uusap sa pool area. Masyado silang seryoso at mukhang pinapagilat niya si Dylan. “Ano itong naririnig ko na hindi ka umuuwi dito sa bahay ninyo ng asawa mo?” tanong ni tito sa kaniya. Seryoso lang naman na si Dylan na nakatingin sa kaniya, pero kita mo sa kanilang dalawa na merong galit na namamagitan sa kanilang dalawa. “Dad, alam mo na marami akong ginagawa sa office hindi ba?” wika ni Dylan. “Ng alas tres ng gabi?” tanong nito sa kaniya. “Alam mo na hindi ko naman sinasabi na mag-stay ka doon at lagi kitang pinapauwi ng maaga para magkaroon kayo ng time ni Rhianne sa isa’t isa.” Hindi naman nakapagsalita si Dylan doon, dahil iyon ang totoo. Lagi naman siyang late umuuwi at minsan tulog na rin ako kapag umuuwi siya. Naririnig ko na lang na merong kumakalampag sa sala ng alas kuwatro ng madaling araw. Kapag pinagmamasdan ko siya, ang aggawin lang niya ay uuwi at maliligo pagkatapos ay magbibihis ng panibagong damit at aalis na ulit. Tumatagal lang si Dylan sa bahay na ito, kapag minsang uuwi siyang lasing na lasing at iyon ang magiging dahilan kung bakit merong nangyayari sa aming dalawa. “At ano itong naririnig ko na lagi kang umuuwi sa condo mo?” tanong nito sa kaniya. “Dad hindi–” Nagulat na lang ako nang bigla siyang binigyan ng malakas na suntok ni tito. “Ganito ba talaga ang ginagawa mo?!” sigaw nito sa kaniya. “Ang sabi ni Rhianne ayos kayong dalawa at lagi kang andito, pero bakit iba yung sinasabi ng mga tauhan ko?” Napahawak na lang si Dylan sa kaniyang mukha at masamang tinignan si tito. “Pinapasundan mo ako?” seryosong sabi nito. “Kilala kita, alam ko na yung mga kwento ni Rhianne ay hindi totoo dahil hindi ka naman ganon. You’re so performative yet you can’t give a graceful and a true act. Umaalingasaw pa rin ang kasinungalingan mo,” diin na sabi ni tito sa kaniya. Hinawakan naman ni tito ang kwelyo niya ng mahigpit. “Ayusin mo ang buhay mo Dylan, ito na lang ang pinapagawa ko sa ‘yo,” diin na sabi niya sabay malakas na tulak kay Dylan dahilan upang mapaupo siya. Agad namang naglakad paalis si tito doon, dahilan upang magmadali akong makapagtago para hindi niya ako makita. Nang makaalis na si tito, doon ko siya agad na pinuntahan na siyang kasalukuyang naakupo sa couch doon sa pool area. “Dylan, are you alright?” kita ko sa mukha niya ang pasa at ang nagdudugong gilid na labi niya. Gamit ang first aid kit na dala ko agad akong kumuha ng bulak at povidone iodine para linisin ang sugat niya. Kung kanina’y nakatulala siya, ngayon ay seryoso na siyang nakatingin sa akin. “What did you say to him?” seryoso niyang tanong sa akin. NNapatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa kaniya. “Ano’ng sinabi–” bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay ko dahilan upang mabitawan ko ang bulak na hawak-hawak ko. “Bakit ganon ang naging reaction ni dad? Bakit alam niya na hindi ako dito natutulog?” “W-wala akong sinabi sa kaniya. Ang sinabi ko lang na wala kang oras minsan, dahil sa trabaho mo at maayos tayo kapag magkasama tayong dalawa,” paliwanag ko sa kaniya. Napahinga na lang siya nang malalim sabay binitawan ang kamay ko. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at tumingin sa akin ng diretso. “Pwede ba, don’t act like you care, alam ko naman na kasinungalingan lang lahat ng iyan,” diin na sabi niya sabay naglakad papasok sa loob ng bahay. Napatayo na lang ako galing sa pagkakaluhod at tinignan siyang umalis. Ilang buwan na kaming magkasamang dalawa pero never ko pang nakakausap siya nang maayos. Lagi na lang cold treatment ang nakukuha ko sa kaniya. “Kailan ka ba lalambot, Dylan?” tanong ko sa sarili ko. “Kailan mo ba makikita na hindi mo ako kaaway?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD