HER POV Napaupo na lang ako sa swivel chair at napahilot sa aking noo. Ang daming stress na nangyayari ngayon. Kailangan ba sunod-sunod na ganito ang mangyari sa buhay ko? Kinuha ko ang cellphone ko, sakto na tumatawag ang kambal sa akin kaya ang inis na nararamdaman ko ay napalitan ng kasiyahan. Napahinga ako nang malalim at sinagot ang kanilang tawag. “Mommy, kumusta po?” rinig ko agad na tanong ni Ethan sa kabilang linya. Napangiti naman ako at napatingin sa kisame. “Ayos lang ako baby, kayo ni Eli, kumusta? Baka naman inaaway mo na naman siya.” “No po mommy, bati kami ngayon ni Tan kasi ayaw niya raw na away kami para raw maaga ka po umuwi at makapag-mall tayo.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Elijah. “Don’t worry tatapusin lang ni mommy ang mga ginagawa niya dito, o

