HIS POV For seven years na paghahantay ko, everything paid off. Pero wala pa rin akong kasiguraduhan kung talagang mababalik ko yung dating siya. Matagal na simula nung huli kaming nagkita. Walang pinagkaiba, mahal ko pa rin nga siya. “I found her,” wika ko kay Dexter. Napatigil siya, parang gulat siya dahil sa sinabi ko. “Sigurado ka ba? Ilang beses mo ng sinabi na nahanap mo siya.” Napahinga ako nang malalim at napatingin sa kisame. “This time it’s true. Nahanap ko na siya, nahanap ko siya dahil kay Tita Olivia.” “Then ano’ng gagawin mo?” tanong niya sa akin. “Hindi mo naman siya pwedeng puntahan doon.” “I know, hindi ko rin naman alam ang gagawin ko ngayon.” I totally lost it. Hindi ko alam ang tamang gagawin ko sa mga oras na iyon. Pumunta ako sa monthly meetup ng mga ga

