HER POV That was the worst experience na naranasan ko sa Isla de Lujuria. Hindi siya yung ine-expect kong adventure. Hindi ko alam na darating sa point na ganito. “Hindi ka ba talaga lalabas?” Tanong ni Coleen sa akin. Napahinga lang ako nang malalim at nanatili pa ring nakatingin sa pool. “Hindi na muna, ikaw na lang. Gusto ko munang mapag-isa dito.” After what happened kaninang umaga, parang nawalan ako ng lakas. Hindi ko alam ang gagawin ko. Andito pa rin yung sakit, damang-dama ko pa rin yung sakit. Ano bang ie-expect ko? After kong malaman lahat na nagsisisi siya? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na kailangan kong maka-move on? Ang tulong na gusto kong makuha sa kaniya ay ang tulong na makalaya ako sa takot at sakit na nararamdaman ko noon. Pero bakit parang iba ang nakuha k

