"Hindi mo na kailangan pang ihatid ako pauwi Achilles," I said. "Nasa katinuan pa ako. Hindi ako lasing. Besides, may pera din ako pamasahe." Nagpapasalamat na lang ako na gabi ngayon at may foundation akong inilagay sa aking mukha. Siguro naman akong hindi niya mapapansin na namumula ang aking pisngi. Bakit naman kasi namumula itong aking pisngi? Wala naman siguro siyang sinabi na nagpapakilig sa akin. Kailan ma'y hindi ako mahuhulog sa playboy na katulad niya. Wala siyang nakuha kahit na isa sa mga qualifications ko sa mga lalaki. I am only doing this because I am bound with a midnight contract. Kung wala pa, madali ko lang siyang paalisin. "Hindi naman ako pumunta dito dahil napag-alaman kong nandito ka." Muli kong paliwanag sa kanya. "Binisita ko lang si Shane dito at pwede ba,

