Naghahanda na ako ngayon para tuluyan na kaming makaalis ni Mama. Mabuti na lang din at hindi na nagtatanong si Mama kung saan ang lakad namin basta't sinabi lang din niya sa akin na 'go' siya. Nabo-bored na rin siya kaka-stay sa loob ng condo na parang isang detainee. Matapos naming magbihis ni Mama ay may natanggap akong text mula sa kanya. "I'm waiting here in my car." Basa ko sa message mula kay Achilles. Hindi na ako nagreply pa. Nilapitan ko si Mama at sinabi ko lang din sa kanya na kailangan na naming lumabas sa aming unit. Dumiretso na agad kami sa ground floor kung saan makikita ang parking lot. Nahanap din namin kaagad ang sasakyan ni Achilles kaya lumapit na kami dito. "Sa likod na lang ako uupo anak," ani Mama. "Gusto ko lang kayong makita na magkatabi. Mukhang bagay

