"Invited ka raw din sabi ni Achilles. Narinig mismo ng dalawang taenga ko 'yon at nakakasiguro akong hindi ako nagkakamali," paliwanag ko kay Shane. Kasalukuyan ko siyang tinatawagan para ipaalam sa kanya 'to at para rin malaman ko kung sasama ba siya o hindi. Isa pa kailangan niyang a-absent ng ilang araw. Kaya kinakailangan na niya muna ang humingi ng pahintulot mula sa manager ng club. "OMG! Of course, kailangan akong present sa birthday niya. Gusto ko din makikilala pa lalo si Steiner. I'm excited na Amira," sagot niya rin sa kabilang linya. "And I know it would be fun." "Siyempre masaya 'yon. Wala namang party na malungkot," sabi ko. Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo sa gilid ng kama. Ihinarap ko ang aking sarili sa glass window na makikita ang buong siyudad. "Final na b

