Akala ko ay bonggang celebration ang magaganap. I anticipated na maraming bisita ang dadalo sa kanyang selebrasyon. May catering, at kung anu-ano pa. Knowing Achilles, prominent person, at mayaman, ngunit lahat ng iyon ay puro imahinasyon ko lamang. Lahat lang ng kaibigan niya ang nandito. Of course, si Shane nandito na rin at sinabi din kami kanina ng medyo masungit tignan niyang cousin. Itinuro na rin ni Achilles sa'min ang aming room ni Mama may isang mini hotel dito sa resort. Napansin ko lang din na kami lang ang tao dito. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung exclusive lang ba sa amin ang resort ngayon. Who knows, hindi naman sinabi ni Achilles sa'kin 'yon. "Kinikilig ako kanina. Pero secret, hindi ko sasabihin sa'yo baka ipagkalat mo pa," panimula ni Shane nang nandito kami

