Dali na akong lumabas mula sa kwarto ni Achilles. Gusto ko siyang bigyan ng privacy para magbihis. Ayaw ko namang mananatili lang sa kanyang kwarto na nakapikit. Para hintayin lang siyang matapos magbihis. May balak na sana pa akong lumabas dito para tignan si Mama sa aming unit. Kung ano na ang ginagawa niya doon. Sa tingin ko naman ay nananatili lang siya doon, kaya napaupo na lang ako dito sa may sofa. Hintayin siya na lumabas mula sa kanyang kwarto. Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas na ang pintuan sa kanyang kwarto. Ibinaling ko ang tingin sa kanyang wari. Suot niya lang ay isang white trouser at isang sky blue na long sleeve. Hindi nakasarado ang dalawang butones malapit sa kanyang leeg hudyat 'yon para makita ang kanyang matigas na chest. Bahagya siyang pumunta sa kitchen

