Nagluto na ako para sa aming agahan, hinanda ko na rin ang gamot ni Mama. Pumasok ako sa kanyang kwarto kanina at tulog mantika pa rin siya. Mabuti na lang at ngayon ay nagising na ito. Tinanong ko siya kung okay lang ba na iwanan ko muna siya dito dahil maglilinis ako sa unit ni Achilles. Hindi lang siya napatango o napailing kung hindi, napatitig lang siya sa akin. "Tutulungan na kitang maglinis sa unit ng boss mo Amira. Sa tingin ko naman ay kaya ko pa at para na rin makatulong din ako sa'yo kahit papano," sabi ni Mama. "Ayaw ko din namang uupo lang dito." A-akma na sana siyang tumayo ngunit pinigilan ko siya. Bumalik siya sa kanyang kinauupuan at ibinalik lang sa akin ang atensyon. Ayaw ko namang tumulong siya dahil hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko sa loob. Maaaring mak

