Isang malaking himala na siya'y nananatiling walang kibo. Nakakapagod din pakinggan ang mga sinasabi niya. Kung pwede lang na sabihin kung, 'tama na' baka siya ay magalit sa akin. Better zip my mouth. "Saan ba talaga ang punta natin ngayon?" I asked. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili. Hinihintay kong ibuka niya ang kanyang labi ngunit wala pa rin hanggang sa narinig ko na lang na tumunog na ang elevator, kasunod n'on ang pagbukas ng elevator. Nagsimula na naman siyang naglakad habang nananatili pa rin akong nakatayo dito. Napakurap lang ako ng ilang beses at sumunod na sa kanyang pumasok sa kanyang kotse. Wala na rin siyang binitawan na kung anong salita at pinaandar na niya ang kanyang kotse. 'Saan nga ba talaga kami pupunta? Will he used me again kahit na hindi naman midni

