"May lakad ba si Achilles ngayon para ikaw ang utusan niya para dito?"
Iyon ang aking tanong kay Steiner, nakatayo sa aking harapan. Well, ang alam ko matalik silang kaibigan ni Achilles. Isa din siyang mayamang lalaki. Kung gaano ka-yaman at playboy si Achilles, then ganoon na din ata siya.
Bumaba na siya sa kanyang.
Nandito kami sa aming bahay para dalhin na ang aming gamit ni Mama sa condo. Ayaw na ni Mama na bumalik siya dito dahil sinabi lang niya na nawawala ang lungkot niya kapag doon na kami titira. Pinagbigyan ko siya ulit. Maganda naman talaga doon.
From its structures and minimalist design, wala akong masabi kumpara sa luma naming bahay.
"Wala ba siyang sinabi sa'yo no'ng pumasok ka sa kanyang condo?" tanong niya as if he is referring noong ginawa na namin ni Achilles.
Pagod na pagod pa ako ngayon, pero saka na lang ako magpapahinga kapag nakabalik na kami sa condo at once na matapos na namin ito. Binuksan ko na ang naka-lock naming pintuan. Ako na ang naunang pumasok. Sumunod lang si Steiner sa akin.
"Up until now Amira, wala ka pa bang nararamdaman para kay Achilles? I mean, baka may may special feelings ka na para sa kanya." Napahinto lang ako malapit sa pintuan ng aking kwarto.
"Special feelings?" tanong ko at napatango lang siya. "Wala naman akong special feelings na nararamdaman para sa kanya. Trabaho ang tanging nasa isip ko kapag may ginagawa na kaming—alam mo na kung ano 'yon."
"That's better," he said and smiled at me.
"Why?" Naguguluhan ko lang na tanong sa kanya.
"Wala. Kukunin mo na lang ang mga gamit na gusto mong dalhin sa condo niyo at ilagay sa malaking bag. Ako na ang bahalang magdala niyan sa kotse," sagot niya.
Napatango na ako sa kanya. Tuluyan na akong pumasok sa aking kwarto.
Una kong ipinasok sa bag ang aking mga damit, pictures at inilagay ko lang sa envelope ang mga importanteng papeles tulad na lang ng title sa bahay at lupa, birth certificate at marriage contract ng aking Mama at Papa. Pagkatapos kong gawin 'yon ay ibinigay ko na ito kay Steiner pala ilagay sa kotse.
Kinuha ko na rin ang isang bag saka 'yon ang ginamit para mapasok ko na rin sa bag ang mga gamit ni Mama. Pagkatapos sa mga gamit ni Mama ay ang mga pagkain, kubyertos namin sa kusina at mga gamit namin sa bahay. Tanging maiiwan lang siguro ang aming upuan, ref, at mga kama. Hindi naman kasi 'yon magka-kasya siya kotse at isa pa, may bago na naman kaming kama doon. No need na itong mga lumang kama namin dito.
Sinarado ko na muli ang bahay at dinoble ko ang padlock para wala talagang makapasok. Bumuntong-hininga pa ako habang napatitig lang sa bahay. Wala akong balak na ibenta ito dahil may mga ala-alang naiwan ang aking pamilya dito.
"Tara na Amira!" tawag ni Steiner sa akin.
Dali na akong naglakad papasok sa kanyang kotse. Nang makapasok na ako ay agad na rin niya itong pinaandar.
"Alam mo ba kung hanggang kailan ang midnight contract mo kay Achilles?" he asked me habang ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pagmamaneho.
"I don't know. I mean, wala namang exact month na nakasulat doon. Kung hindi lang ako nagkakamali, ang nakasulat lang doon ay hangga't kailan gusto niya matapos ang contract. Any minute, days and months," paliwanag. Hinding-hindi ako nagkakamali at ang nagawa kong mali ay hindi tanungin si Achilles para sa clarifications tungkol doon. "Iyan ang dapat kong alamin sa kanya."
"Alright," he replied. "Ako na lang sana ang pinakuha mo sa lahat ng gamit mo. You look so tired."
"Sino ba namang hindi mapapagod," nasabi ko na lang din.
"Don't worry, sasabihin ko na lang kay Achilles na huwag na lang sa hating gabi—"
"Hindi na kailangang gawin mo 'yon Steiner. Thank you na lang sa pagiging concern mo sa'kin at sa pagtulong mo sa'kin ngayon," I said.
"Wala 'yon, ano ka ba." Napangiti siya.
Ihininto pa niya ang kanyang kotse dahil kulay green ang traffic light. "If you have time, pwede tayong lumabas o di kaya ay kumain ng lunch together."
Naalala ko na naman ang bilin ni Achilles sa 'kin. Huwag na huwag akong maki-pagdate o sumama ng ibang lalaki kasi may contract na ako sa kanya. And I need his permission If I still insist to hang-out with him.
"Kailangan ko pa ang permission mula kay Achilles," sabi ko at bigla na lang na nawala ang ngiti sa kanyang labi.
Bumuntonghininga siya at iniwas ang tingin sa akin. Ipinagpatuloy na niya muli ang kanyang pagmamaneho. May nasabi ba akong mali sa kanya? Sa tingin ko naman wala. Sinabi ko lang naman sa kanya ang dapat kong masabi.
"Galit ka ba sa sinabi ko?" tanong ko sa kanya.
Bigla na lang siyang napangiti sa akin. Isang pilit na ngiti. Mararamdaman mo talagang pilit 'yon.
"Ba't naman ako magagalit? Hindi naman ako tanga para magalit na lang ako sayo nang walang dahilan." he said.
"Akala ko kasi..."
"No I am not. Alam ko naman na kay Achilles ka na at alam kong mauwi lang ito sa p*****n 'pag sinubukan pa kitang agawin." Nagulat ako sa sinabi ni Steiner.
So kung hindi pa sana si Achilles ang naka-contract sa'kin, may balak itong agawin ako?
*****
Dumating na kami sa condo. Dala ko ang isang malaking bag habang si Steiner naman sa ibang dalawang bag. Nagulat na lang ako nang nakita ko ang pintuan sa aming unit na nakabukas. Inakala ko lang na nakalimutan itong isara ni Mama kaya tuluyan na akong pumasok sa loob.
"Diyan mo na lang ilagay Steiner. Salamat," sabi ko at agad na naglakad papunta sa kwarto ni Mama. Bigla akong kinabahan noong hindi ko siya nakita dito.
Tinignan ko siya sa banyo ngunit hindi ko siya nakita. Nataranta na ako bigla. Patakbo akong lumabas sa kwarto ni Mama. Nagulat si Steiner nang nakita niya ako nataranta ako.
"Anong nangyari sa'yo?" nagtataka niyang tanong.
"Wala na dito si Mama at natatakot akong nawala na naman siya sa kanyang sarili," paliwanag ko.
Naipaliwanag ko na rin ito sa kanya kanina kaya pati siya nataranta. Sabay na kaming naglakad palabas ng condo unit. Hindi na kami nag elevator pa at gumamit na lang kami nang hagdan para hanapin si Mama sa mga floors paibaba.
Wala kaming nakita, hinihingal na kaming tumatakbo. Napatigil kami sa 15th floor. Parang nararamdaman ko ang pagod. Pumasok kami sa elevator para mabilis kaming makababa.
Nang makababa na kami ay hindi pa rin namin nakita si Mama. Tinanong na namin ang mga taong nakaupo sa sofa, ang personnel sa condo unit ngunit hindi raw nila ito nakita. Gusto ko na lang ang umiyak ngayon, nawala ang pagod na nararamdaman ko at napalitan lang agad ito nang pangamba.
"Think positive Amira, alam kong hindi mawawala si Tita dahil may iniinom na itong mga gamot." Tinapik ni Steiner ang aking likuran. "Calm down. Okay?"
Napatango na lang ako sa kanya at pinigilan ang sarili para hindi maiyak.
"Subukan nating hanapin sa labas," sambit ko at agad lang siyang napatango.
Tuluyan na kaming lumabas sa building. Hinanap namin siya dito at tinanong na rin ang guwardiya. Sinabi ko sa kanya ang suot ni Mama pero sinabi lang din niya na hindi na niya matandaan.
"Amira," tawag ni Steiner sa'kin.
May itinuro lang siya kaya agad ko na ring sinundan 'yon. Nakita ko si Mama kasama si Achilles na tila ba galing sila sa isang fast food chain. May dala pang tila take out si Mama.
Ngumingiti pa si Mama habang nag-uusap sila ni Achilles. Nawala ang kaba ko. Akala ko may nangyaring masama sa kanya.
Nakita din nila kami kaya nilapitan lang nila kami dito sa may entrance.
"Ma, hindi mo naman sinabi sa akin na lalabas ka pala. Iniwan mo pa ang condo na nakabukas akala ko—" hindi ko na naituloy ang nais kong sasabihin kasi bigla na lang sumingit si Mama.
"Naku kung ano na lang ang mga iniisip mo diyan Amira. Baka nga tuluyan na akong gumaling kasi palagi na akong masaya no'ng tumira na tayo dito," ani Mama. "Kalimutan mo na ang nakaraan."
Napatango na lang ako sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang dala niyang take out para hindi raw ako magugutom at nagsimula na kaming pumasok sa loob.
"Bakit kayo magkasama ni Mama?" Mahina kong tanong ni Achilles.
"Wala akong ginawang masama sa kanya. She approached me at bigla siyang nawala at nakalimutan kung nasaan ka na. Kaya niyaya ko na lang siyang kumain sa restaurant," paliwanag ni Achilles sa'kin.
Kaya pala sila magkasama. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa aking isipan ngayon.
"Thank you," sambit ko.
"Okay lang, hindi mo na kailangan pang magpasalamat sa akin. Ginawa ko lang naman dapat kong gawin," he replied. "You should rest now. Gusto kong yayain ka ngayong gabi, hindi na muna sa hating gabi para kumain sa labas."
"Okay," tipid na sagot ko.
Napabaling pa siya ni Steiner sa tabi ni Mama at agad din niyang ibinalik sa akin.
"I just want you and Steiner to be friends. Not a lover. So whatever happen—"
"Oo na Achilles. Huwag mo na uulitin sa akin pa iyang mga katagang iyan. Wala akong balak na maghahanap ng lalaki na mamahalin ko dahil gusto ko ibuhos ang lahat ng oras ko kay Mama. Alam mo 'yon," sabi ko at tinitigan na lang niya ako.