"Dito na lang po Manong." Hininto na ni Manong driver ang kanyang taxi sa harapan ng hospital. Ito ang hospital na sinasabi ni Steiner sa akin na dapat kong puntahan. Dito daw dinala si Shane. Sinabi ng driver sa akin ang metro at ang aking babayaran. Nagbayad din agad ako at tuluyang lumabas ng taxi. Inilibot ko ang aking tingin. Isang private na hospital itong pinagdalhan ni Shane. Pwede naman siya sa private na lang sana. Same lang din naman ang ibabakuna sa kanya. Anti-rabies, private man o public na hospital. Mas expensive pa nga dito. Anyway, baka si Steiner ang gumastos since aso niya naman ang kumagat kay Shane. Pumasok na ako sa may 'OPD'. Tatanungin ko na sana ang nurse na nasa front desk kung nasaan na sila pero nakita ko lang sila na nakaupo sa upuan sa gilid. Kumaway p

