Sumama ako kay Achilles bumaba sa may park. Gusto niya raw maglakad-lakad kasama ko. Matapos niya akong tanungin ng ganon, wala na sana akong balak na magpakita sa kanya ngayon. Ang awkward kaya no'n. "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sa iyo Amira," panimula ni Achilles. "So, do still want more time, hmm?" May mga tuyong dahon ang bumabagsak sa aming dinadaan sa ngayon dahil bigla na lang humangin. Hanggang ngayon wala pa rin akong balak na sagutin siya. Maaari ko naman siyang sagutin ng 'oo' baka nagbibiro lang siya sa ngayon. Still 'no', baka paglaruan lang niya ako. "Pwede bang hindi ko na lang iyan sagutin Achilles?" I glanced at him. "Pwede mo naman akong tanungin kung kahit anu-ano diyan basta lang h'wag lang 'yang stupid question mo." Nagpatuloy lang kami sa aming

