"Let us talk," Iyon ang narinig kong nasambit ni Achilles. "Ano na naman ba iyan?" Napatanong na ako sa kanya, ngunit hindi na siya sumagot. Tumalikod siya at bahagyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming pumasok sa kanyang kwarto para lang makapag-usap. Sumunod akong pumasok sa kanyang kwarto. Gabi na. Sana lang din at hindi ito scam ang pag-uusap namin dito sa loob ng kanyang kwarto. Napaupo siya sa gilid ng kanyang kama habang nananatili lang akong nakatayo dito sa may pintuan. "I'm sorry if I am yelling at you lately," panimula niya. Mayroong seryosong mukhang nakatitig sa akin. "Alam ko naman na nagawa mong uminom dahil sa akin pero mali pa rin ang ginawa mo. Ang uminom mag-isa. Mabuti sana kung kasama mo si Shane o si Arisa man lang." dugton

