“Salamat talaga, iha. Napakalaking tulong na nito sa amin. Hayaan mo’t magtatrabaho kami nang maayos ng Nanay Edna mo sa bar para kahit paano ay makabayad kami sa’yo.”Yumukod pa si Mang Tomas para lubos na magpasalamat kay Vela. Nakapagpiyansa na sila para kay Nanay Edna at ngayon nga ay nasa isang maayos na paupahan na sila na mismong si Vela pa ang naghanap. “Huwaw!” “Ang gara!” “Dito na talaga tayo titira?” Yan ang mga katagang paulit-ulit na lumabas sa bibig ng tatlong bata. “Potek! May kama at tv pa!” ika ni Inday. Napangiti si Vela dahil hindi pa rin tumitigil ang mga bata sa kakasuri sa mga bagay na naroroon sa loob ng bahay. “Three thousand lang ba talaga ito kada buwan, iha? Ang alam ko ay mahal ang mga ganitong paupahan lalo na’t may mga gamit pa,”turan ni Mang Tomas. “

