"KUYA, ANDITO AKO KINA TRISTAN," basa ni Sky sa text ng kapatid. Nasa meeting siya at nakikinig sa mga report ng kaniyang mga empleyado. Itinaas niya ang kamay upang pahintuin ang nagsasalita at nagbigay siya ng 10 minute break. Bumalik siya sa kaniyang opisina upang tawagan si Storm. "Storm, paano ka nakalabas sa ospital,hmm?" "Kuya, dumalaw dito si Tristan at Tita Helga. Tapos eksakto namang nag rounds ang doktor. Puwede na raw ako umuwi. Kaya pinaluwalan muna ni Tita Helga. Dito mo na lang ako sunduin mamya ah?" "Storm, nakakahiya kina Tristan. Bakit mo naman ginawa 'yan? Sana hinintay mo na lang ako." "Si Tita Helga naman ang nag-insist. Saka ayaw ko na sa hospital. Baka mas lalo akong magkasakit doon dahil ako lang mag-isa. Buti pa rito, may kasama ako." "O sige, tapusin ko na

