Capítulo Tres: The Color Red

1167 Words
Third Person’s POV At the age of 10, Forrest is now known to have Selective Mutism. Nagagawa na niyang kumausap sa mga magulang ngunit sa ibang tao o sa kahit saan pang social gatherings ay bumabalik siya sa pagiging pipi. Ika naman ni Rosalinda, hindi na baleng wala siyang ibang kausapin basta’t ang importante ay magaan na ang loob ng kanilang anak sa kanila. Ngayon ay kasalukuyan silang umaattend ng birthday party sa isa sa mga anak ng kasosyo ni Christon sa negosyo at dinala nila si Forrest. “Anak, ihahatid lang namin saglit itong regalo sa birthday celebrant at babalik kami kaagad. Huwag kang lalayo ah?” bilin ni Rosalinda at ngumiti ng tipid si Forrest bago tumango. Nang makalayo na ang mga magulang, inilibot ni Forrest ang tingin sa kapaligiran habang nakaupo sa kanilang assigned table. Nasa hill top ang venue ng lugar at sa open area ng garden katabi ng pool ginanap ang party. Maraming mga lamesang nakahilera at lahat ng tao ay magagara ang suot na damit kaya napatingin si Forrest sa sariling kasuotan. Nakakulay asul na longsleeves polo siya, itim na pantalon, at sapatos. Kakaobserba niya sa paligid, pagkalingon niya sa kanan ay may batang babaeng nakatayo na halos kaedad niya. “Hi, I’m Kelsie.” Pakilala ng batang babaeng nakaponytail sa magkabilang dulo ang kulay blonde niyang buhok. Saglit siyang tinuunan ni Forrest ng pansin pero agad din itong bumaling ulit sa nagngingitiang mga tao na para bang mas interesado pa siya roon kahit hindi niya naririnig ang kanilang usapan. “Hey kid! I’m talking to you. Are you deaf or what?” pagtataray ng bata dahil hindi ito sanay na binabalewa ngunit wala siyang nakuhang reaksyon mula kay Forrest kaya inis itong umalis nang padabog. Hindi rin nagtagal ay bumalik ang kanyang mga magulang sa kanilang lamesa at hinatdan na sila ng pagkain ng isa mga waiters. Napansin agad ni Christon na tinitigan lang ni Forrest ang kanyang pagkain. “Ayaw mo ba sa pagkain, anak? Gusto mo bang mag request tayo ng ibang dish?” Umiling si Forrest bilang tugon. “Can you please get me that red balloon, Pa?” mahinang sambit niya para siguraduhing ang ama lang ang makarinig. Sinundan ni Christon ang direksyon kung saan nakatingin si Forrest at doon iyon sa balloons na kulay pula sa magkabilang dulo ng maliit na stage.     “Sure, anything for you anak. Kukunin ko iyon basta’t kumain ka muna.”   *** Matapos ngang kumain, nagpaalam si Rosalinda na pupuntahan saglit ang iilang kakilala sa kabilang table habang si Christon naman ay kukunin na ang kulay pulang balloon na pinangako sa anak. Naiwan ulit si Forrest mag-isa at dahil open space nga ang ganap ng event, napahawak siya sa magkabilang braso at bahagyang nanginig nang makaramdam ng lamig dulot ng ihip ng hangin. Sinusunod niya madalas ang lahat ng bilin sa kanya ng mga magulang pero ngayon ay umalis siya sa kanyang kinauupuan upang sundan ang direksyon ng hangin. Sa di kalayuan ay sinundan siya ng tingin ni Kelsie at nang napansin nitong nakabalik na si Christon bitbit ang isang balloon at halatang nagtaka kung saan nagpunta ang anak, agad siyang nilapitan ni Kelsie at tinuro ang direksyon kung saan ito nagtungo. “Salamat, Kelsie.” “Quick question po with all due respect. Bingi po ba ang anak niyo, Tito Chris? Kinausap ko siya kanina pero hindi niya ako pinansin,” may pagtatampo at kuryusidad sa tono ni Kelsie kaya bahagyang napangiti si Christon. “Pasensyahan mo na si Forrest at mailap iyon sa mga taong hindi niya madalas nakikita. Sabihin na nating nag-aadjust pa siya pero kapag komportable na siya sa iyo, tsaka na siya makikipagkuwentuhan.” “Ganoon po ba? He has pretty eyes. Prettier than mine even. I want to be friends with him, tito.” “That sounds nice, Kelsie. Hayaan mo, susubukan ko siyang kumbinsihin na kaibiganin ka pero sa ngayon, kailangan ko na siyang sundan at baka saan pa mapadpad iyon. Dito ka lang ah?” “Okay po, tito.”    Nagmadali nang umalis si Christon at may nararamdaman siyang kaba sa kaloob-looban kahit hindi niya pa alam ang rason. Masyadong pamilyar ang aura ng paligid at batid niyang hindi na sana isasama ang anak sa okasyong ito pero nagpumilit si Rosalinda na walang dapat ikabahala dahil sinusunod naman lahat ni Forrest ang nais nila at nang ma-expose sa ibang lugar ang kanilang anak kesa magkulong palagi sa bahay nila. Napahinga nang maluwag si Christon nang nakita na niya nga sa di kalayuan ang likod ni Forrest habang nakamasid ito sa ibaba kung saan nasasaksihan ang tanawin ng kabundukan, mga kahoy, at iilan pang mga bahay. Malapit nang mag-aalas sais pero hindi pa gaanong madilim. “Andito ka lang pala, anak. Sabi ko naman sa’yo saglit lang ako eh,” pagsasalita ni Christon pero parang hindi siya narinig ni Forrest at nanatili itong nakatalikod sa kanya at akmang kakalabitin na niya ang balikat nito pero bago pa man dumampi ang kanyang palad, mabilis nahawakan ni Forrest ang kanyang pulsuhan at medyo mahigpit pa ito. “Anak? Si Papa mo ito,” mahinanong tugon ni Christon hanggang sa maramdaman na niya ang pagluwag ng kapit ni Forrest tsaka siya nito hinarap. He then smiled. “Ikaw pala, Pa. Nagpahangin lang ako. Masyado nang crowded doon sa party.” “Naiintindihan ko. Eto na pala ang gusto mong balloon kanina,” sabay abot ni Christon ngunit nagtataka siyang tiningnan ni Forrest. “Huh? Balloons are for kids. Hindi ko naman hiningi iyan, Pa.” Sasagot na sana si Christon pero parang may rumehistro sa mukha ni Forrest at ngumiti ito ulit tsaka kinuha ang pisi ng balloon mula sa ama. “On second thought, gusto ko na pala. Pupwede bang dito muna ako saglit? Ipapalipad ko lang itong balloon at susunod ako sa inyo sa party.” “Kung iyan ang gusto mo basta’t huwag ka nang lalayo mula rito ah? If you’re not back in 10 minutes, babalikan kita.” Tumango si Forrest at minasdang makalayo na si Christon tsaka napatitig sa kulay pulang lobo. Hindi niya alam kung gaano niya katagal tinitigan iyon hanggang sa may kinuha siyang bagay mula sa bulsa.   “The color red is such a flattering color, isn’t it?” Itinapat ni Forrest sa mukha niya ang hawak at sumalamin ang kulay asul niyang mata pati ang nakalinyang peklat sa pisngi nito. “But bright red is the most alluring,” sambit nito tsaka binitawan ang hawak na balloon at itinaas ang sleeve ng polo tapos itinapat doon ang bagay na hawak. Isang steak knife na nakuha niya kanina at walang pagdadalawang isip na hiniwa iyon sa braso hanggang sa nakita na niya ang pag-agos ng sariling dugo na kasingpula ng lobo na tinangay na ng hangin.   Forrest marveled at his freshly cut wound. Wala man lang siyang sakit na naramdaman.  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD