Chapter 28

1314 Words
Chapter 28 : Ang ikalawang pulang diamond  Sikat ng araw ang gumising kay Sekani. Nakatapat kasi ang mukha niya sa bintana na kung saan ay tumatagos ang sikat ng araw sa mukha niya. Pagdilat ng mga mata niya ay siya na lang pala ang natitira sa loob ng kubo. Paglabas niya roon ay nakita niyang nagtatampisaw sina Red Girl at Anim sa tubig ng paanan ng water falls. “Oh, gising na pala si Kuya Sekani,” sabi ni Anim nang makita siyang lumabas sa kubo. Naghikat pa ng mg buto si Sekani bago tuluyang lumabas doon. “Inaasahan kong tanghali talaga ang gising niya. Napagod kasi siya kahapon nang talunin ang higating pugita,” sabi ni Red Girl. “Nga pala, nag-iwan na ako diyan sa pintuan ng kubo ng limang asul na perlas. Hinihintay ka naming magising dahil gusto namin ay ikaw ang humiling sa mga perlas ng kakainin natin ngayong umaga,” sabi pa nito kaya napangiti si Sekani. Halata niyang gustong-gusto na ni Red Girl sa mga pagkain ng tao. Mukhang marami itong ipapatikom sa mga kasamahan niya kapag nakauwi na siya sa lugar nila. Pinulot ni Sekani ang limang asul na perlas at saka na siya humiling ng pagkain nila para sa umagang iyon. Paglapit ng dalawa sa kubo ay handa na agad ang almusal. “Ano naman ang mga pagkain na iyan?” tanong ni Red Girl na kumikinang agad ang mga mata. Inaakit kasi ang ilong niya ng mga mababangong pagkain na iyon. “Ako na ang magpapakilala sa iyo,” sabi ni Anim. “Ang mga ito ay sopas, pancit, fried rice, tocino at mainit na chocolate milk.” Pumutol si Sekani ng mga maliit na kahoy sa isang puno. Pagkatapos ay saka niya iyon inugasan sa paanan ng water falls. “Oh, ito ang gamitin natin. Ang hirap kasing kainin ng mga iyan habang nakakamay,” sabi niya Sekani at saka sila inabutan niyon. “Parang chopstick,” sabi ni Anim na natatawa. Naunang kumain si Sekani dahil tinuruan pa ni Anim si Red Girl kung paano gagamitin ang mga kahoy na iyon. Natatawa naman si Sekani dahil sa simpleng bagay lang na iyon ay tuwang-tuwa na ang dalawa. Madaling natutunan ni Red Girl iyon kaya nakakain na rin sila nang maayos. “Saan tayo patungo ngayon, Sekani?” tanong ni Red Girl habang patuloy silang kumakain. “Kanluran na muna tayo ngayon,” sagot niya at saka tumayo. Nag-ugas siya ng kamay dahil tapos na siyang kumain. Sumunod sa kaniya si Anim na tapos na ring kumain. “Kuya Sekani, protektahan mo po ako, ha? Natatakot po kasi ako rito,” sabi nito sa kaniya kaya tumango naman siya. “Pangako ko iyan.” “Salamat, kuya!” Pagbalik nila sa kubo ay tapos na ring kumain si Red Girl. “Anim, kung gusto mo ay maiwan ka na lang muna rito sa kubo. Mapanganib kasi ang mga pupuntahan namin,” sabi ni Red Girl. “Hindi. Mainam na iyong kasama natin siya. Baka kasi siya naman ang puntahan ng mga halimaw. Mas delikado iyon,” sabi ni Sekani kaya hinawakan agad ni Anim ang kamay niya. “Mainam na iyong sumama na lang ako. Baka kasi may maitulong din ako,” sagot ni Anim. “Kung ganoon ay tara na. Magtungo na tayo sa kanluran,” aya ni Red Girl kaya nagsimula na ulit silang malakad. Habang naglalakad sila ay ramdam ni Sekani na mahigpit ang hawak ni Anim sa kamay niya. Nang tignan pa niya ito ay patingin-tingin ito sa paligid na para bang takot na takot siya. “Ayos ka lang ba, Anim?” tanong tuloy niya. “Nakarating na kasi ako rito sa pupuntahan natin. Kung hindi ako nagkakamali ay isang mabangis na leon na pula ang mata ang nakita ko rito. Takot na takot ako sa kaniya nang tugisin niya ako. Mabuti na lang at nakaakyat agad ako sa mataas na puno.” Natatandaan niya ang leon na sinasabi ni Anim. Malakas ang kutob niya na ito rin iyon sumugod sa kanila ni Wasuna nang nakaraan araw. “Huwag niyo nang problemahin ang leon na iyon. Magaling ata ako sa pagtugis sa mga leon. Iyan ang madalas kong tugisin noon sa isang gubat na napupuntahan ko,” pagmamalaki ni Red Girl kaya nabawasan ang takot ni Sekani. Sa kanilang paglalakad ay unti-unti na silang nakakakita ng mga bungo ng tao. Tila, marami nang tinumba ang leon na iyon. Alisto tuloy silang tatlo. Hindi kasi nila alam kung saan at anong oras magpapakita ang leon sa kanila. Mayamaya ay isang dumadagundong na yapak ang narinig nila. “Ayan na siya,” sabi ni Anim. “Mabuti pa’y umakyat ka na ulit sa mataas na puno,” sabi ni Sekani kay Anim kaya tumango na lang ito. Naghanap agad ng mataas na puno si Sekani. Nang makakita ito ay doon na niya pinaakyat si Anim. “Babalikan na lang ulit kita mamaya.” “Good luck po, Kuya Sekani,” sabi nito at saka na siya iniwan doon. Pagbalik niya kay Red Girl ay chill na chill lang ito. “Kumalma ka, Sekani. Kayang-kaya ko na ang isang iyan. Sisiw na lang sa akin ang leon na kinakatakutan niyo,” pagmamayabang nito pero hindi siya pinansin ni Sekani dahil alam niyang hindi lang basta leon iyon. Kakaiba ito at malakas kaya dapat silang maghanda. “Kung ako sa iyo ay maghanda ka na dahil hindi lang basta leon ang kakalabanin natin mamaya. Malakas siya at makapangyarihan kaya matakot ka,” sabi ni Sekani pero hindi pa rin ito nagpatinag. “Tumabi ka na lang sa isang tabi at ipaubaya mo na sa akin ang labang ito,” pagmamatigas pa rin ni Red Girl kaya wala siyang nagawa kundi ang hayaan na lang ito. Tumabi na lang siya sa isang tabi. Saktong pagpunta niya sa gilid ng isang puno ay dumating na ang galit na galit na leon. Mainit agad ang tingin nito kay Red Girl. “Kung ako sa iyo, tumakbo ka na. Malakas sabi ‘yan, Red Girl,” sabi ni Sekani pero patuloy pa rin itong nagbibingi-bingihan. Nang sumugod na ang leon sa kaniya ay napapikit na lang si Sekani. Mayamaya ay malakas na hiyaw ng leon ang narinig niya. Pagdilat ng mata niya ay nakita niyang putol na ang ulo ng leon. “Wow! Ang galing mo, Ate Red Girl!” puri ni Anim na nasa itaas ng puno. “Ang galing. Nakita ko kung paano mag-iba ang kamay mo. Naging parang isang malaking gunting iyon kaya madali mong naputol ang ulo ng leon,” dagdag pa nito kaya walang masabi si Sekani. Tumango na lang siya at saka pumalakpak ng tatlong beses. “Okay. Ang galing mo. Sorry kung minaliit ko kanina ang kakahayaan mo.” Hawak-hawak na ngayon ni Red Girl ng pangalawang pulang diamond na nakuha nila. Muling nagpakita sa kanila ng matandang lalaki. Kinuha lang ulit sa kanila nito ang pulang diamond at pagkatapos ay saka na ulit naglaho. “Walang kapagod-pagod ang nangyari kaya tumuloy na tayo agad sa hilaga,” aya ni Red Girl. Bago sila umalis doon ay tinulungan muna ni Sekani na makababa sa puno si Anim. Pagkatapos ay saka na ulit sila naglakad. “Oh, Anim. Pamilyar ka ba sa hilaga? Nakarating ka na ba roon?” tanong ni Sekani. “Yes, doon ako madalas magpunta kapag gusto kong kumuha ng saging. Marami kasing puno ng saging doon,” sagot ni Anim. “Anong halimaw naman ang matatagpuan doon?” tanong ni Red Girl. “Hindi ko alam. Tuwing pupunta kasi ako roon ay wala naman akong nakikitang halimaw. Tahimik nga ata roon. Pero hindi ko sigurado dahil saglit lang naman ako kung pumunta roon.” Biglang sumagi sa isip ni Sekani ang malaking unggoy na nakalaban din nila ni Wasuna. Hindi kaya iyon naman ang makakalaban nila roon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD