Chapter 29

1158 Words
Chapter 29 : Oras na para mag seryoso  Nang makapasok na sila sa hilaga ay tama ang sinabi ni Anim. Puro puno nga roon ng saging na punong-puno rin ng bunga. Ayon pa kay Anim ay sobrang matamis ang mga saging doon. Mahiwaga pa ang mga punong iyon dahil hindi raw nabubulok ang mga bunga nito kahit umabot pa iyon ng ilang taon. Kumuha ng saging si Sekani. Inabutan niya sina Red Girl at Anim. Habang binabalatan niya ang saging ay patingin-tingin pa siya sa mga puno ng saging. Napansin kasi niya na pantay-pantay ang laki ng mga puno. Isa pa, ang mga pinitas nilang saging ay agad nang nagkakaroon ng kapalit. “Ang tamis at ang sarap nga,” sabi ni Sekani nang matikman na niya ang saging. “Hindi ko gusto ang saging. Hindi ako kakainin nito,” sabi ni Red Girl na binalatan lang ang saging. Sa huli ay binigay na lang niya iyon kay Anim. Habang patuloy na kumakain ang dalawa ng saging ay naglakad pa sila papasok roon. Wala silang ibang nakita kung di puno lang ng saging. “Naiisip niyo ba ang naiisip ko?” tanong ni Sekani. “Oo. Maari tayong maligaw dito. Maari tayong hindi na makalabas dito kapag hindi nating natandaan ang daanan palabas dito,” sagot ni Red Girl. “Huwag niyo ng problemahin ‘yan. Ako nang bahala riyan,” sabi ni Anim kaya napangiti si Sekani. “Sige nga, paano ang gagawin mo?” tanong niya. “Basta, mamaya na lang. Sa akin niyo na ipaubaya ang paglabas dito,” sagot na lang niya kaya ngumisi na lang si Sekani. “Teka, amoy kaluluwa rito. Parang may matang nakamasid sa atin,” sabi ni Red Girl. Mayamaya ay isang white lady ang lumitaw sa harap nila. Kahit katirikan ng araw ay nagpakita ito sa kanila. “Aaahhh!!!” Napasigaw si Anim. Agad siyang nagtago sa likuran ni Sekani. “Ikaw?” Natatandaan siya ni Sekani. Hindi siya puwedeng magkamali. Ang white lady na iyon ay si Puti. “Hello, Sekani,” bati ni Puti sa kaniya kaya nagulat pa siya. “A-anong ginagawa mo rito? Paano ka nakarating dito?” tanong niya. “Pagala-gala lang ako. Hindi ko naman inaasahan na makikita kita rito. Nasabi kasi ni Wasuna sa akin na kapag nakita kita ay tulungan kita,” sagot nito. “So, ano naman ang maitutulong sa akin ng isang kaluluwa na gaya mo?” tanong pa niya. “Mag-ingat kayo rito. Isang mabangis na unggoy ang nakatira rito,” sagot nito kaya napangisi siya. Tama ang kaniyang hinala kanina. “Unggoy lang pala. Sa akin mo na ulit ipaubaya ito,” sabi ni Red Girl. “Huwag kang mayabang. Hindi lang basta unggoy lamang iyon,” iritadong sabi ni Puti kay Red Girl. “Puwede ba! Huwag mo akong maliitin. Malakas ako at kilala ko ang sarili ko. Umalis ka na lang at hindi ka na namin kailangan dito!” sigaw ni Red kaya umirap na lang si Puti at saka na ito umalis doon. Sa pag-alis ni Puti ay nagpakita na rin bigla ang malaking unggoy. Nagulat silang lahat nang bigla itong lumipad sa harap ni Red Girl. Isang malakas na suntok ang binigay nito sa mukha niya kaya tumilapon sa malayo si Red Girl. Sunod na nilapitan ng unggoy si Anim. Nanginginig ito sa takot. Hindi siya gumagalaw. “Takbo, Anim. Tumakbo ka na,” sabi ni Sekani pero hindi niya ito sinunod. Ang ginawa niya ni Anim ay inabutan niya ng saging ang malaking unggoy. Nagulat si Sekani dahil tinanggap iyon ng unggoy at saka nilayasan si Anim. Nagtatakbo palayo sa kanila ang malaking unggoy matapos itong makatanggap ng saging kay Anim. Muling nagpakita si Puti. Napangisi ito nang tignan si Red Girl na walang malay na nakahandusay sa damuhan. “Maraming malalaking unggoy dito. Hindi lang isa, dalawa o tatlo, kundi lima. Ang kaninang nagpakita sa inyo ay ang pinaka maliit,” sabi ni puti kaya napanganga si Sekani. Para kasi sa kaniya ay malaki na ang unggoy na sumugod sa kaniya. “Salamat sa mga tulong mo, puti. Hindi ko inaasahan na ganiyan ka pala kabait. Pagpasensyahan mo na lang si Red Girl,” sabi ni Sekani. Tumango ito sa kaniya at naglaho na rin bigla. Nilapitan na nila si Red Girl. Kumuha ng isang dahon ng saging si Sekani at saka niya pinaypayan ito hanggang sa bumalik ang kaniyang malay. “Kumusta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?” Pinipigilang tumawa ni Sekani. May black eye kasi na natamo si Red Girl matapos masapak ng malaking unggoy kanina. “Ayos na ako. Masakit lang ang kanang mata ko. Ito ata iyong nasuntok kanina ng buwisit na unggoy na iyon!” “Halata nga. May black eye ka kasi, Ate Red Girl,” sabi ni Anim na pinipigilan din ang tawa. “Anong black eye?” tanong nito kay Sekani. “Ang ibig niyang sabihin ay may pasang itim ang mata mo.” Napagpasiyahan nilang lumabas na lang muna ulit sa hilaga. Nang malaman ni Sekani na limang unggoy ang makakalaban nila roon ay umatras na lang muna sila. Sa tulong ni Anim ay nakalabas sila roon. Pag-alis nila roon ay nagbalik sila sa kubo na ginawa nila. Namahinga na muna roon si Red Girl na nahihilo pa rin hanggang ngayon. “Saka na tayo pumunta sa hilaga kapag handang-handa na tayo. Mag timog na lang muna tayo mamayang hapon. Sa ngayon ay mamahinga muna tayo,” sabi ni Sekani. “Hindi. Hilaga muna ulit tayo. Gaganti ako sa unggoy na iyon. Sisiguraduhin kong mapapatay ko siya kapag nagharap ulit kami,” matigas na sabi ni Red Girl habang nakakunot ang noo. “Huwag na munang matigas ang ulo, Red Girl. Limang unggoy ang makakalaban natin doon. Sa tingin ko ay hindi pa natin kaya ang labanan ang mga ganoong unggoy na malalakas at malalaki pa. Baka maaga tayong pumanaw niyan,” sabi ni Sekani. Umirap lang si Red Girl. “Bahala ka. Basta ako, babalik mag-isa roon. Tatapusin ko na agad ang laban. Hindi kasi maganda na umuurong tayo sa laban. Hindi porket napatumba agad ako ay matatakot na kayo. Dapat tuloy lang ang laban. Sayang kasi ang oras at ang araw. Magtatagal tayo lalo rito kapag ganitong umaatras tayo,” seryosong sabi ni Red Girl kaya natahimik si Sekani. Lumabas ng kubo si Sekani. Nagpunta siya sa water falls at saka naligong mag-isa roon. Nalungkot bigla si Sekani dahil iniisip niya na mahina lang siya at mukhang minamaliit siya ni Red Girl. Sa tingin niya ay tama ito. Dapat hindi nga siya umaatras. Dapat seryosohin ang lahat ng bagay dahil time is gold. Nahiya siya bigla dahil mukhang mas may utak pa si Red Girl at Anim kaysa sa kaniya. Siya itong lalaki pero parang siya itong hanggang ngayon ay nangangapa pa rin sa mga nangyayari. Oras na para ilabas ang totoong Sekani. Oras na para mag seryoso.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD