Chapter 30

1313 Words
Chapter 30 : Two down  Pagkatapos maligo ni Sekani ay bumalik na siya sa kubo. Nadatnan niyang natutulog si Red Girl. Tumingin siya kay Anim. Alam nitong umiyak siya dahil mugto ang mata niya. “Ayos lang iyon, Kuya Sekani. Siguro ay baguhan ka lang sa ganitong labanan. Si Ate Red Girl ay matagal na sa ganitong trabaho kaya matapang na talaga siya. Gayunpaman ay hindi dapat sa lahat ng oras ay puro sige ka lang. Dapat may plano. Delikado rin kasi ang ginagawa niya,” sabi sa kaniya ni Anim kaya napangiti siya. Mabuti pa ang batang iyon ay parang matanda na mag-isip. Naupo siya sa tabi nito. Niyakap niya ang bata. “Dito ka lang, ha? Bantayan mo muna si Ate Red Girl mo,” paalam niya. “Bakit po? Saan po ang tungo niyo?” tanong ni Anim. “Basta. Babalik rin naman ako. May gagawin lang ako saglit,” sabi na lang niya. Bumaklas na siya ng yakap kay Anim. Nang umalis siya roon ay hindi na niya nilingon si Anim para hindi ito makahalata. Noong araw din iyong ay hinarap ni Sekani ang kinakatakutan niyang limang unggoy sa hilaga. Pumunta siya roon mag-isa. Gusto niyang ipakita kay Red Girl na hindi lang siya basta-basta.  Buo na ang loob niyang kalabanin ang mga unggoy kahit hindi pa man lumalabas ang kapangyarihan niya. Pagpasok niya sa hilaga ay agad siyang hinarang ni Puti. “Oh, ano’t bumalik ka rito? Huwag mong sabihin na lalaban kang mag-isa rito?” “Kailangan kong tapusin na ito. Ayokong magsayang ng oras. Tama si Red Girl. Ginto ang oras kaya dapat ay hindi kami nag-aaksaya ng oras. Bahala na kung ano ang mangyayari sa akin.” “Huwag, Sekani! Mapanganib. Mamamatay ka lang dito,” pigil pa rin nito sa kaniya pero hindi siya nagpapigil. Tuloy lakad pa rin siya sa loob habang hawak-hawak ang kahoy na may patulis ang dulo. Iyon din ang ginamit niyang pampatay sa higating pugita kahapon. Pagdating niya roon ay isang unggoy agad ang humarap sa kaniya. Napahinto tuloy siya sa paglalakad. Nawala na rin si Puti. Nagsawa na ata iyon sa pagpigil sa kaniya. Naghanda naman agad si Sekani. Agad niyang tinabanan nang mabuti ang hawak niyang kahot na may matulis sa dulo. “Lumapit ka sa akin at patay kang unggoy ka,” matapang niyang sabi kaya nakita niyang ngumisi ang unggoy. Sa isang iglap lang ay nanlaki ang mata niya dahil nag-teleport sa harap niya ang unggoy na iyon. Bago siya sinapak nito ay nginisian pa siya nito na parang gusto nitong sabihin na hindi bubuwit na gaya lang niya ang tatalo sa kaniya. Tumilapon sa sagingan si Sekani. Unang atake pa lang sa kaniya ng unggoy na iyon ay tila sumakit agad ang katawan niya. Gayunpaman ay hindi niya ininda ang sakit sa katawan. Kapagdaka’y tumayo at siya naman ang unang sumugod dito. May naisip siyang gawin. Naalala kasi niya ang ginawa ni Anim kanina. Nang sumalpok siya kanin sa sagingan ay kumuha siya ng ilang pirasong saging. Pagtakbo niya ngayon sa unggoy na iyon ay bigla niyang nilabas ang saging sa harap nito. Ang galit nitong mukha ay biglang napalitan ng saya. Napangiti si Sekani. Ngayon, alam na niya ang gagawin para malinlang ito. Tinanggap ng unggoy ang saging na inaabot niya. Sa pagkakataong iyon malakas niyang tinusok ang hawak niyng kahoy sa dibdib ng unggoy. Sumurumpit ang dugo ng unggoy sa mukha niya kasabay ang malakas nitong pagsigaw. Dahil doon ay sunud-sunod na sumigaw ang mga unggoy doon. Tila, nalaman agad ng mga ito na napatay na ni Sekani ang bunso nilang kapatid na unggoy. Nakita niyang parang naging abo agad ang unggoy na una niyang napatay. Sa ilang saglit lang ay isang unggoy ulit ang nagpakita sa kaniya. Malaki na ito kaysa sa unang unggoy na napatay niya. Mabilis itong lumipad papunta sa harap niya. Pasuntok pa lang si Sekani, pero nasipa agad siya ng unggoy na iyon. Muling lumipad sa sagingan si Sekani. Limang puno ng saging ang natumba dahil sa pagtama niya sa mga iyon. Nang tumayo siya ay sugatan na ang ilag bahagi ng katawan niya. Pumulot ulit siya ng ilang pirasong saging. Nang akmang pa-atake na muli sa kaniya ang unggoy na iyon ay hinarap niya sa saging sa hayop na iyon. Sa ikalawang pagkakataon ay muling nawala ang galit ng unggoy. Tinanggap nito ang saging na binibigay niya. Napangisi si Sekani. Dahil doon ay muling tinusok ni Sekani sa dibdib ng unggoy na iyon ang kahoy na hawak-hawak niya. Napasigaw ang unggoy at muling dumanak ang dugo nito sa buong paligid. “two down,” masayang sabi ni Sekani at saka siya nagtatakbo paalis doon dahil alam niyang isang unggoy na naman ang lilitaw. Kailangan niyang magpahinga. Masyado na kasing masakit ang buo niyang katawan. Nagpunta muna siya sa isang gilid na kung saan ay mayroong malaking puno ng saging. Habang nagtatago siya ay nagpakitang muli sa kaniya si Puti. “Napahanga mo ako sa ginawa mo, Sekani,” puri nito sa kaniya kaya kahit masakit ang katawan niya ay napangiti siya. “Sa tingin mo ay makakaya ko na bang talunin pa ang susunod na tatlong unggoy na papatayin ko?” tanong niya pero biglang umiling si Puti. “Kailangan mo na ng kapangyarihan. Hindi na kasi uubra ang ginawa mo kanina sa dalawang unggoy na nauna.” “Paano kung hindi pa man lumalabas ang kapangyarihan ko?” “Si Anim. Kailangan mo siya. Kailangan mo ang batang iyon.” “Bakit? May kapangyarihan ba siya?” “Tignan mo na lang para malaman mo.”   **   Nang magbalik si Sekani sa kubo nila ay nadatnan niyang gising na si Red Girl. Nagulat ang dalawa nang makita nilang puro dugo ang katawan ni Sekani. Napatayo sila at agad na sinalubong siya. “Anong nangyari?” tanong ni Red Girl. “Galing ako sa hilaga. Dalawang unggoy na ang napapaslang ko,” sabi niya kaya nakita niyang nanlaki ang mata ni Red Girl. “Bakit hindi mo ako sinama? Bakit nagsarili ka?” inis na tanong ni Red Girl. Hindi sumagot si Sekani. Tumuloy siya sa paanan ng water falls at saka naligo. Sinundan naman siya ng dalawa at tinulungan na linisin ang katawan niya. “Pasensya na. Gusto ko rin kasing subukan ang sarili ko. Hindi ko naman inaasahan na dalawang unggoy ang makakaya kong paslangin. Pero masyado ngang malalakas ang mga unggoy na iyon. Ang sabi ng white lady na kumakausap sa akin ay maaring hindi ko na kayanin ang tatlong unggoy na natitira. Kailangan daw ng taong may kapangyarihan na lalaban sa mga iyon dahil malalakas ang mga ito.” “Sasama na kami. Kailangan mo na kami,” singit ni Anim kaya nagulat pareho sina Sekani at Red Girl. “T-teka, may kapangyarihan ka ba, Anim?” tanong tuloy ni Sekani. “Parang. Sa tuwing magagalit kasi ako noon ay parang lumilipad ang mga kasangkapan sa bahay namin.” “Galamay mo na ba ang kapangyarihan mo?” tanong naman ni Red Girl. “Hindi nga lang. May minsan na nagagamit ko siya ng aksidente, pero kapag susubukan ko nang gamitin ay hindi ko naman magawa.” “Hindi bale. Magagamit ka pa rin namin. Sana lang ay kapag inatake na tayo ng unggoy ay magamit mo ang kapangyarihan mo,” sabi ni Sekani kaya ngumiti ng matipid si Anim. Pagkatapos maglinis ng katawan ni Sekani ay napagpasiyahan nilang kumain na muna para magnumbalik ang lakas ni Sekani.Humiling si Sekani sa mga perlas na asul ni Red Girl ng mga pagkain na alam niyang makakabalik sa lakas niya. “Pagabi na. Siguro ay bukas na tayo sumugod sa hilaga. Para kataon na rin na may lakas ka na ulit,” sabi ni Red Girl kay Sekani habang kumakain na sila ng hapunan. “Mabuti pa nga,” sang-ayon ni Sekani sa kaniya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD