Chapter 31

1383 Words
Chapter 31 : Hangin  Madaling araw pa lang ay nagising na si Sekani. Paglabas niya sa kubo ay napatingin siya sa langit. Napakaliwanag ng dalawang buwan. Kung titignan ang buong paligid ay parang umaga na rin. Naupo siya sa batuhan at saka inisip ang kaniya mga magulang at si Nitina. Ayos lang kaya sila? Nakarinig siya nang kaluskos sa paligid. Napalingon siya sa likuran niya. Isang sirena ang nakita niyang nakaupo sa batuhan sa paanan ng water falls. Tumayo siya para lapitan ito. Umiilaw ang buong katawan nito. “Salamat, Sekani,” sabi nito sa kaniya. Ang boses nito ay sobrang lamig na para bang ang umi-echo sa buong paligid. “Mawalang galang na po, pero maari ko bang malaman kung sino ka?” tanong niya. Tumayo ang sirenang kulay puti. Sa pagtayo nito ay bigla itong nagkaroong ng paa at saya na abot sa lupaan. Lumapit ito sa kaniya at saka hinawakan ang pisngi. “Ako si Talon. Ang diwata ng water falls na ito. Pinakawalan mo ako sa higating pugita na pinaslang mo. Tinanggal mo ang sumpa sa akin ni Reyna Avilako. Bilang ganti sa ginawa mo ay bibigyan kita ng isang kapangyarihan para magamit mo ito sa magiging laban niyo sa hilaga,” sabi nito sa kaniya kaya natuwa siya. Hinawakan nito ang dibdib niya na kung saan naroon ang puso niya. Umilaw ang mata nito at naramdam niya na may kung anong liwanag ang pumasok sa katawan niya. “Sekani!” sigaw ni Red Girl ang gumising sa kaniya. Pagdilat ng mata niya ay doon lang niya napagtanto na panaginip lang ang lahat. “Bumangon ka na riyan at kumain na tayo ng almusal,” dagdag pa nito kaya tumayo na siya. Paglabas niya sa kubo ay napatingin tuloy siya sa water falls. Lumapit siya roon at saka naghilamos. “Totoo ka ba, Talon?” mahina niyang tanong. “Talon? Kilala mo ang diwata ng lugar na ito?” tanong tuloy sa kaniya ni Red Girl. “Teka, totoo ba siya?” “Oo, siya ang diwata dito sa water falls na sinasabi mo,” sagot ni Red Girl kay nanlaki ang mata ni Sekani. Natuwa tuloy siya dahil kahit sa panaginip ay nagpakita ito sa kaniya at nagpasalamat. Hiling lang niya ay sana totoo ang binigay nitong kapangyarihan sa kaniya. “Ang ganda niya, Red Girl. Puting-puti ang itsura niya. Buhok, mata at ang damit niya.” “Nagpakita siya sa iyo? Teka, imposible ‘yan. Matagal ko nang nababalitaan na hindi na ito nagpapakita sa kung sino matapos siyang matalo ni Reyna Avilako.” “Nagbalik na siya. Nakawala na siya sa higating pugita na napatay ko. Nakakulong siya roon kaya nang mamatay iyon ay nakawala na siya. Hindi ko alam kung totoo ang nasa panaginip ko, pero hinawakan niya ang dibdib. May kapangyarihan daw siyang binigay sa akin. Nang gisingin mo ako ay doon na naputol ang panaginip ko.” Nanlalaki ang mata ni Red Girl. “Sekani, suwerte ka. Matagal nang panahon na wala si Talon. Ang sabi ng ibang kataw na nakakausap ko ay wala na talaga si Talon. Mahigit isang daang taon na itong wala. Alam mo, maaring magandang kapangyarihan ang binigay nito sa iyo. Kung ano iyan ay malalaman natin mamaya kapag nakipaglaban na tayo sa mga halimaw na unggoy. Pagkatapos nilang mag-almusal ay tumungo na agad sila sa hilaga. Sumigaw si Red Girl nang makarating sila sa gitna ng sagingan. Ang plano kasi nila ay sabay-sabay na nilang lalabanan ang tatlong unggoy. Sa pagsigaw ni Red Girl ay sabay-sabay na lumitaw sa harap nila ang tatlong unggoy na iba’t iba ang size. Mula maliit hanggang papalaki. Napanganga sila dahil halos kasing laki ng bahay ang pinaka malaki sa kanila. “Sh*t!” Napamura tuloy bigla si Anim. “Ngayon, gusto kong makita ang kapangyarihan mo, Anim,” sabi ni Red Girl. “Sandali, siya ang unang aatake? Iyon ba ang gusto mong mangyari?” nanlalaking matang tanong ni Sekani. “Ganoon na nga.” “Sandali, hindi naman ata tama iyon, Red Girl,” pigil ni Sekani kay Red Girl. “Manuod ka na lang, Sekani. Alam kong kaya ito ni Anim.” Lumapit si Red Girl kay Anim. Kapagdaka’y hinagis niya ito sa tatlong unggoy na naroon. Sa gulat ni Anim ay napasigaw ito. Sa kaniyang pagsigaw ay sabay-sabay na tumilampon sa malayo ang tatlong unggoy. Ngumiti si Red Girl kay Sekani. “Tignan mo. Malakas nga ang batang ‘yan,” sabi pa nito. Pagkatapos mag sisigaw ni Anim ay galit itong tumingin kay Red Girl. Lumuluha ito habang masama ang tingin sa kaniya. Nakita ni Sekani na biglang lumutang sa hangin si Red Girl. “Anim, kumalma ka,” saway ni Sekani pero hindi nagpapigil si Anim. Gaya ng mga unggoy ay lumipad din sa malayo si Red Girl. Sumapol ito sa maraming puno ng saging. Matapos gawin iyon ni Anim ay nahimasmasan na siya. Tumakbo siya kay Sekani at saka niya ito niyakap. “H-hindi ko sinasadya ang nangyari. Nawala ako sa sarili ko, Kuya Sekani,” paghingi nito ng tawad sa kaniya. “Ayos lang ‘yan. Naiintindihan ko. Saka, hindi naman masasaktan nang ganoon lang si Red Girl.” “Magaling, Anim,” sabi ni Red Girl na lumapit na ulit sa kanila. Nagtaka si Anim dahil hindi ito nagalit sa kaniya. “Patawarin mo ako sa nagawa ko.” “Hindi, ako ang dapat na magsabi niyan. Pero, tignan mo naman. Nakita na rin namin kung ano ang kapangyarihan mo. Ngayon, maari na nating sabay-sabay na mapatumba ang mga unggoy. Maghanda na kayo at gising na ulit sila,” sabi ni Red Girl kaya naghanda na sila. Isa-isa nang lumipad ang mga unggoy palapit sa kanila. May mga hawak-hawak silang mga putol na puno ng saging. Isa-isa nila itong binalibag sa kanila kaya umaksyon ka agad si Sekani. Mabilis niyang binuhat si Anim para makaiwas sila sa mga puno na iyon. Hindi naman umubra kay Red Girl ang mga punong iyon. Sinasalo lang kasi niya iyon at saka hinihiwa gamit ang kamay niya na nagiging parang gunting. “Ibaba mo na po ako, Kuya Sekani,” sabi ni Anim. Nagulat sila nang makita nilang tumakbo ito paharap sa isang unggoy na pinakamaliit sa tatlo. Seryosong tumitig si Anim sa unggoy na iyon. Mayamaya ay nakita nilang lumutang ito sa ere. Pumipiglas ang unggoy. Wala itong nagawa kay Anim. Napapanganga na lang si Sekani dahil kapangyarihang iyon ni Anim. Habang pinapalutang ni Anim sa ere ang unggoy na iyon ay tinusok niya ang kahoy sa lupaan. Pagkatapos ay saka niya hinayaang bumagsak ang unggoy sa patulis na kahoy na iyon. Kitang-kita nila Sekani kung paano napatay ni Anim ang unggoy na iyon. “Game over!” maangas na sabi ni Anim at saka tumingin kay Sekani at Red Girl. “Magaling, Anim,” puri ni Red Girl. “Ako naman ngayon,” dagdag pa niya at siya naman ang sumugod sa isang unggoy. Hindi sinuwerte si Red Girl dahil sa unang pag-atake niya sa kalabang unggoy ay nagbuga ito ng yelo sa katawan niya. Napako tuloy ang katawan niya sa kinakatayuan niya. Nang akmang susuntukin na ito ng unggoy ay umaksyon ka agad si Anim. Gamit ang kapangyarihan niya ay nilayo niya ang unggoy na iyon kay Red Girl. Kung hahayaan lang kasi nilang atakihin ng unggoy si Red Girl ay maaring iyon ang ikamatay niya. “Iba ang unggoy na iyon. May ice magic siya,” sabi ni Sekani at saka isa-isang binarag ang yelo sa katawan ni Red Girl. Habang nililinis ni Sekani ang yelo sa katawan ni Red Girl ay si Anim muna ang lumalaban sa dalawang unggoy na gustong lumapit sa kanila. “Bilisan niyo, napapagod  na ako,” sabi ni Anim. Sinubukang hipan ni Sekani ang katawan ni Red Girl para sana makatulong ang hangin sa pagtunaw ng yelo, pero hindi niya inaasahan na sa paghipan niya sa katawan nito ay titilapon sa malayo si Red Girl. Nagulat pa si Sekani dahil hindi niya inaasahan na may ganoon siyang kakayahan. “Iyan na ata ang binigay sa iyong kapangyarihan ni Talon,” sabi ni Red Girl na nakatayo na at wala ng yelo ang katawan. Natuwa si Sekani. Sa wakas ay may panlaban na siya sa unggoy na makakalaban niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD