Chapter 32

1412 Words
Chapter 32 : Ang ikatlong pulang diamond  “Mamaya ka na magpakitang gilas. Gusto kong makapatay muna ng isang unggoy,” sabi ni Red Girl kay Sekani kaya tumabi muna siya sa isang tabi kasama ni Anim. Hinayaan niyang si Red Girl na ang tumapos sa isang unggoy na may kapangyarihang yelo. Lumapit ito sa unggoy. Nang aatakihin siya ng suntok nito ay agad siyang umiwas, pero ginupit niya ng ang bundot nito kaya napasigaw ang unggoy. Napangiti siya dahil mukhang aral na niya ang galawan ng unggoy na iyon. Pero ang hindi alam ni Red Girl ay may iba pang kakayahan ang unggoy na iyon. Sa harap niya ay nakita niyang naging lima ang kalaban niyang unggoy. Nalaglag ang panga niya. Sa gulat niya ay hindi siya agad nakakilos. Nang atakihin siya ng limang unggoy ay wala siyang nagawa. Inulan ng suntok si Red Girl. “OMG! Kawawa naman siya,” nag-aalalang sabi ni Anim. “Manuod ka. Alam kong hindi sa ganiyang paraan matatalo si Red Girl. Malakas siya at magaling. Bihasa na sa pakikipaglaban iyan kaya hintayin na lang natin ang mga susunod na mangyayari.” Tumumba si Red Girl kaya akala nila ay natalo na ito. Ngunit mayamaya ay biglang humaba ang buhok nito na kulay pula. Ang buhok niya ay pumulupot sa limang unggoy. Inipit ng mahaba niyang buhok ang mga leeg nito. Hinigpitan niya nang hinigpitan ang sakal sa mga leeg nito hanggang sa isa-isa nang naglaho ang mga clone ng unggoy na kalaban niya. Nang bumalik na ang nag-iisang unggoy na kalaban niya ay doon na niya tinapos ang laban. Gamit ang buhok niyang mahaba na nakapalupot sa leeg nito ay dinala niya ito sa ere. Mula sa itaas ay hinati ni Red Girl ang katawan ng unggoy na iyon. Naligo siya sa dugo ng unggoy na iyon na nahati sa dalawa. “See. Sabi ko sa iyo, hindi magpapatalo ‘yang si Red Girl,” sabi ni Sekani kay Anim na pumapalakpak na ngayon. Naghanda na si Sekani dahil alam niyang siya na ang huling lalaban sa huling unggoy na pinaka malaki sa lahat. “Sige na, oras mo na para magpakitang gilas, Sekani,” sabi sa kaniya ni Red Girl. “Good luck! Kaya mo ‘yan, Kuya Sekani,” sabi naman ni Anim sa kaniya. Lumakad na palapit sa malaking unggoy si Sekani. Naghanda na siya dahil kitang-kita na kung paano tumingin ng galit sa kaniya ang unggoy na iyon. Lahat ng kasama nito ay patay na kaya alam niyang galit na galit na ito ngayon sa kanila. “Arghhhhh!” Sumigaw ang malaking unggoy at saka lumipad papunta sa kaniya. Umilag si Sekani dahil balak ng unggoy na iyon na durugin siya. Paggulong niya sa kaliwa ay bigla naman siyang binugahan nito ng apoy. Napangisi siya. Parang dragon ang unggoy na iyon dahil sa apoy na lumabas sa bibig nito. Patayo pa lang si Sekani pero nag-teleport na sa likod niya ang unggoy na iyon. Nanlaki ang mata niya dahil nahuli siya nito. Binitbit siya nito at saka hinagis sa mga puno ng saging. Dumausdos siya sa mga puno roon. Halos sampong pirasong puno ang tinamaan niya. Duguan agad siya nang huminto sa isa ring puno ng saging. “Aray,” sabi na lang niya nang tumayo siya. Wala pang ilang segundo nang tumayo siya ay lumitaw ka agad sa harap niya ang unggoy na iyon. Gigil ito kaya muli siya nitong binitbit. “Oh, no!” sabi niya at muli na naman siya nitong hinagis sa malayo. Ilang puno na naman ng saging ang nabuwal dahil sa pagtama niya sa mga iyon. Duguan na ang katawan niya. Nang akmang bubuhatin na ulit siya nito ay tinulungan na siya ni Anim. Gamit ang kapangyarihan nito ay pinalipad ni Anim ang unggoy na iyon palayo kay Sekani. “Ayos ka lang, Kuya Sekani?” tanong nito sa kaniya at saka siya tinulungan na tumayo. Lumapit na rin si Red Girl sa kaniya. Napangiwi ito nang makita ang katawan at mukha niya na punong-puno ng sugat at dugo. “Gamitin mo na ang kapangyarihan mo, Sekani. Bakit ba babagal-bagal ka?” Iritado na sa kaniya si Red Girl. “Kumalma ka. Kumukuha pa kasi ako ng tiyempo. Saka, masyado rin kasing mabilis kumilos ang unggoy na iyan. Nakakasura!” sagot niya. Nang makita nilang tumayo na ulit ang unggoy ay lumayo na ulit sina Red Girl at Anim kay Sekani. Nag-teleport sa harap ni Sekani ang unggoy. Inapakan siya nito nang inapakan kaya nagsusuka na ng dugo si Sekani. “Ang tanga lang! Ayaw niyang lumaban. Nagpabugbog na lang siya nang nagpabugbog,” dinig niyang sabi ni Red Girl na gigil na rin sa kaniya. “Lumaban ka, Kuya Sekani. Kaya mo ‘yan,” sabi naman ni Anim. Nang akmang aapakan ulit siya ng unggoy na iyon ay doon na nag-init si Sekani. Sa galit niya ay nagawa niyang saluhin ang paa nito. Seryoso na si Sekani kaya nabuhat niya ang unggoy na iyon gamit lang ang isang kamay. Oras na nang pagganti ni Sekani. Hinawakan niya ang paa nito at saka niya hinampas nang hinampas sa lupa ang unggoy na iyon. “Wow! Ang lakas pala ni Kuya Sekani,” puri ni Anim. “Oo nga. Nagulat din ako sa kaniya ngayon,” sabi naman ni Red Girl. Duguan na ang mukha ng unggoy dahil sa kakatama ng mukha niya sa lupaan. Mayamaya ay umihip si Sekani. Biglang lumabas sa bibig niya ang isang ipo-ipo. Maliit iyon sa una pero nang lumaon ay lumaki na. Pinalamon ni Sekani sa ipo-ipo niya ang unggoy na iyon. “Ang astig!” sabi ni Anim habang pinapanuod na umiikot-ikot sa loob ng ipo-ipo ang dambuhalang unggoy. Naubos ang mga puno roon dahil umikot nang umikot ang malaking ipo-ipo sa bahaging iyon ng island 666. Pagkaraan ng ilang minuto ay kasabay ng ipo-ipo na naglaho ang malaking unggoy. Bumagsak na lang bigla sa harap ni Sekani ang pulang diamond. Kahit sugatan at nanghihina na ay nagawa niyang mangiti dahil sa wakas ay nakuha na nila ang ikatlong pulang diamond.   **   Nabuwal na lang bigla si Sekani kaya agad siyang sinalo nila Red Girl at Anim. Dinala nila ito sa kubo nila para roon na hayaang magpahinga si Sekani. “Kukuha ako ng tubig sa paanan ng water falls. Lilinisin ko ang katawan niya,” sabi ni Anim kay Red Girl. “Ikaw ang bahala,” sagot nito sa kaniya. Nang sila na lang ni Sekani ang natira sa loob ng kubo ay napatitig siya bigla sa mukha nito. Napangiti si Red Girl dahil alam niyang sinilang na ang nilalang na papatay kay Reyna Avilako. Kaya naman gagawin niya ang lahat para matulungan ito. Alam niyang siya ang susi para magising pa lalo ang mga natutulog nitong kapangyarihan. Sa ngayon, manunuod na lang muna siya. Marami pa kasi dapat na matutunan si Sekani. Marami pa siyang ituturo rito kaya mainam nang naroon muna sila ng ilang araw. Pagbalik ni Anim sa loob ng kubo ay hinayaan na lang muna niya itong linisin ang mga sugat at dugo ni Sekani sa katawan. Nang lumabas siya sa kubo ay napatanaw siya sa water falls. Nagulat siya dahil nakita niyang nakaupo sa may batuhan ang diwatang si Talon. Kahit nasa malayo siya ay nabigay galang siya rito. Yumuko siya at saka lumapit doon. “Kinagagalak ko po kayong makita ngayong araw. Hindi ako makapaniwala na buhay na nga po ulit kayo,” magalang niyang sabi rito. “Salamat kay Prinsipe Sekani. Siya ang dahilan kung bakit narito na akong muli,” sagot nito sa kaniya kaya napangiti siya. “Ako na pong bahala sa kaniya. Sisiguraduhin ko na matutumba na si Reyna Avilako. Pinanganak na ang papatay sa kaniya kaya humanda siya.” “Gawin mo ang lahat nang kailangan mong gawin. Palakasing mabuti si Sekani para masigurado natin na mabubura na sa mundong ito ang Avilako na iyan.” “Masusunod po, Diwatang Talon.” “Red Girl?” nadinig niyang tinawag na siya ni Sekani kaya nagpaalam na siya kay Talon. Pagbalik niya sa loob ng kubo ay nakaupo na ito habang patuloy na nililinis ni Anim. “Pagkain. Nagugutom na ako,” sabi nito sa kaniya kaya inabutan niya agad ito ng ilang piraso ng perlas na asul. Dapat lang na kumain na siya para makabawi-bawi siya ng lakas. Masaya si Red Girl dahil nakikita niyang unti-unti nang nagiging matapang, magaling at matalino si Prinsipe Sekani. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD