Chapter 33

1109 Words
Chapter 33 : Ang makapangyarihan na mga bulaklak ng cactus  Kinabukasan ay maagang tumungo sina Sekani sa timog. Pagdating nila roon ay kakaibang bahagi naman ng island 666 ang nakita nila. Puro cactus ang nakita nilang nakatanim sa buong paligid. “Sa tingin niyo ba ay tungkol naman sa cactus ang makakalaban natin dito?” tanong ni Sekani sa mga kasama niya. “Baka,” maikling sagot ni Red Girl. “Ngayon lang ako napunta rito. Wala rin akong alam sa kung anong halimaw ang makikita rito,” sabi naman ni Anim. Nagpatuloy pa sila sa paglalakad. Nakarating naman sila sa mga cactus na may mga bulaklak. Amoy na amoy nila roon ang mga mababangong bulaklak. “Alam niyo, hindi ako mahilig sa mga bulaklak, pero nang makita ko ang mga bulaklak ng mg cactus na iyan ay nabighani ako bigla sa kanila,” sabi ni Red Girl. Lumapit pa ito sa isang bulaklak ng cactus at saka niya iyon inamoy. “Safe kayang amuyin ang mga bulaklak dito? Ang weird kasi ng island na ito. Parang hindi mapagkakatiwalaan ang mga bagay-bagay dito. Mga puno lang ng saging ang tanging alam kong safe dito,” sabi ni Anim. “Sandali. Anong nangyayari sa akin?” Napakunot ang noo ni Sekani nang makita nilang naging kulay berde ang pulang buhok ni Red Girl. Pati ang kulay ng mata nito ay naiba na rin. “Sabi na e. Hindi niya dapat inamoy ang bulaklak ng cactus,” sabi ni Anim. “Hindi ako makahinga. Parang may sumasakal sa leeg ko,” sabi ni Red Girl. Naging kulay berde na ang buo nitong katawan. “Gamitin mo ang kapangyarihan mo. Gamutin mo ang sarili mo bago ka pa tuluyang malason,” sabi ni Sekani kaya sinunod naman agad siya ni Red Girl. Naglabas ng tatlong candy si Red Girl. Kinain niya iyon at mayamaya ay unti-unti nang bumalik sa dati ang kulay niya. “Yes, nawala na ang pagiging berde ng katawan niya,” sabi ni Anim. “Huwag na huwag niyong aamuyin ang mga bulaklak dito. Hindi na talaga ako natutuwa sa mga bulaklak ngayon!” inis na sabi ni Red Girl. Dahil sa nangyari ay nag-ingat na sila sa mga bulaklak doon ng mga cactus. Habang patuloy silang naglalakad ay parami na ng parami ang mga halamang cactus doon na may iba’t ibang makukulay ng bulaklak. “Sandali. Paano kung may iba’t ibang epekto ang mga kulay ng bulaklak. Kanina, berde ang inamoy mong bulaklak. Ang epekto nito ay nakakalason dahil sabi mo ay para kang sinasakal. Subukan kaya natin ang ibang kulay. Amuyin natin ang mga ito. May gamot naman si Red Girl kaya magagamot naman tayo kapag nagkataon na pangit ang mga epekto nito,” sabi ni Sekani kaya napaisip din si Red Girl. “Sige, payag ako,” sabi ni Red Girl. “Go na rin ako,” sabi naman ni Anim. “Ako ang nakaisip nito kaya ako ang unang susubok,” sabi ni Sekani. Lumapit siya sa cactus na may kulay yellow na bulaklak. Humiga siya nang malalim bago amuyin ang isang iyon. Nang handa na siya ay nilapit na niya ang ilong niya sa bulaklak na iyon. Mayamaya ay nanigas ang katawan ni Sekani. Lumakad ang parang likidong dilaw sa mga ugat ng katawan niya. “Ano ito? Bakit pakiramdam ko ay binabataw ang mga muscle ko,” sabi ni Sekani. “Tignan mo, lumalaki ang mga muscle mo,” sabi ni Red Girl. “Oh, good ang isang ‘yan,” sabi ni Anim na nakangiti. Natuwa si Sekani dahil parang nag-gym na siya ng ilang taon. Lumaki ang katawan niya. Ang ganda na ngayon ng hubog ng bycep at mga binti niya. Sinilip din niya ang tiyan niya at nagulat pa ulit siya nang makitang may eight pack abs pa siya. “Ang yellow na bulaklak ay may strong magic,” sabi ni Anim. “Tama ka,” sagot ni Sekani. “Ako naman ang susubok,” sabi naman ni Anim. “Galingan mo ang pagpili,” masayang sabi ni Red Girl. Sa pulang bulaklak ng cactus tumapat si Anim. Bago niya amuyin iyon ay tumingin muna siya kay Sekani at Red Girl. “Go, Anim,” cheer pa sa kaniya ni Sekani. Nang amuyin na ni Anim ang pulang bulaklak ng cactus ay biglang natunaw ng parang likido ang katawan nito. Natakot sina Sekani dahil akala nila ay napahamak na si Anim. Ngunit mayamaya ay bigla ulit nabuo ang katawan niya. Nang muling bumalik ang katawan ni Anim ay napangiti ito sa kanila. “Ang lambot ko. Amoy kong parang bubble gum ang katawan ko. Para rin akong jelly o goma.” Pinahaba ni Anim ang mga braso niya. “Wow! Ang astig din niyan,” puri ni Sekani. “Nahiya ako bigla. Ako ang unang sumubok pero lason agad ang nakuha ko. Ngayon, hindi ako papayag na hindi rin ako makakuha ng kapangyarihan sa mga bulaklak na iyan,” sabi ni Red Girl. Lumapit naman siya sa isang bulaklak ng cactus na kulay orange. “Sana, hindi na ito lason,” sabi pa niya bago amuyin ang bulaklak na iyon. “Go, Ate Red Girl. Feeling ko maganda ang ibibigay ng bulaklak na iyan sa iyo,” pangchi-cheer ni Anim. Nang amuyin na ni Red Girl ang bulaklak na iyon ay may lumabas na pakpak ng parang paruparo sa likod nito. “Hala! Ang angas naman niyan,” sabi ni Anim habang manghang-mangha sa pakpak ni Red Girl. Lumipad sa hangin si Red Girl. Tuwang-tuwa siya dahil sa wakas ay maganda na ang nakuha niyang kapangyarihan sa mga bulaklak na iyon. “Opps, nawawala na ata ang epekto ng bulaklak sa katawan ko,” sabi ni Sekani. “Tama ka. Lumiliit na ulit ang katawan mo,” sabi ni Anim. “Ibig sabihin ay may oras lang ang kapangyarihan na binibigay ng bawat bulaklak. Saka, tignan niyo ang mga bulaklak na inamoy natin. Nalanta na at namatay,” sabi ni Sekani. “Alam niyo, magagamit natin ang mga bulaklak na ito sa halimaw na makakalaban natin dito. Kahit may oras man ang binibigay na kapangyarihan ng bulaklak ng mga cactus ay ayos na rin,” sabi ni Red Girl na lumipad na pababa sa lupaan. “Tama. Pipiliin ko nang pipiliin ang bulaklak na orange dahil ito ang bagay sa akin,” sagot ni Sekani. Nagpatuloy pa sila sa paglalakad. Habang tumatagal ay lalong dumadami ang mga bulaklak ng cactus na may iba’t ibang kulay. “Marami pa tayong hindi nasusubukan. Maganda ang lugar na ito dahil may tulong ang mga bulaklak sa atin. Dito ata ako mag-e-enjoy sa timog."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD