Chapter 34

1366 Words
Chapter 34 : Ang ika-apat ng pulang diamond  Habang naglalakad sina Sekani, Red Girl at Anim ay nakarinig sila sa himpapawid ng pagaspas ng tila isang malaking nilalang na lumilipad. Nagtinginan silang tatlo dahil doon. “Mukhang parating na ang magiging kalaban natin,” sabi ni Sekani. “Halimaw na lumilipad naman ang kalaban,” saad ni Anim na patingin-tingin sa himpapawid. “Ano kaya iyon?” tanong ni Sekani. “Maaring malaking ibon o dragon,” sagot ni Anim. Mayamaya pa ay nagpakita na sa kanila ang nilalang na iyon. Sabay-sabay na nalaglag ang mga panga nila nang makita nila ang isang cactus na dragon na lumilipad. “Kakaibang halimaw ata iyan,” sabi ni Sekani. Agad itong umatake sa kanila. Ang buong akala nila ay apoy ang ibubuga ng bunganga nito kaya umiwas agad sila, pero mga tinik ang tumama sa mga lupa na kinatatayuan nila kanina kaya lalo silang nagulat. “OMG! Mabuti at nakaiwas agad tayo. Hindi ata tayo mabubuhay kung tatama sa atin iyang mga malalaking tinik na binubuga ng bibig niya,” nakangiwing sabi ni Anim. Mahigpit tuloy ang kapit niya kay Sekani. Tumakbong muli ang mga ito dahil napasunod-sunod na ang pagpapatama sa kanila nito ng mga malalaking tinik. “Hindi maganda ito. Isang tama lang ng tinik sa atin ay maari natin itong ikamatay. Umiwas kayo hangga’t maari,” sabi ni Red. “Natatakot ako. Ayokong mamatay,” nagpa-panic na sabi ni Anim. “Oras na siguro para gamitin ang mga bulaklak ng cactus,” sabi ni Sekani. “Tama. Maganda iyang naisip mo. Pero paano tayo makakaamoy ng bulaklak kung ganito kabilis ang cactus na dragon na ito. Kung hihinto tayo ay tiyak na patay agad tayo,” wika ni Red Girl. Habang panay ang takbo nila ay nag-iisip na ng paraan si Sekani. Hingal na siya dahil buhat-buhat niya si Anim. “Alam kong pagod kana, Kuya Sekani. Akong bahala. Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para makakuha ako ng bulaklak. Kaya lang, kung ano na lang ang makuha ko ay iyon na ang aamuyin mo para magkaroon ka ng kapangyarihan,” sabi ni Anim. “Sige, gawin mo na at napapagod na rin ako,” sagot niya kaya ginamit na ni Anim ang telekinesis power niya. Pumitas siya ng isang bulaklak at saka niya iyon pinalutang sa harap ni Sekani. “Puting bulaklak? Ano kaya ang magagawa nito?” tanong ni Sekani pero inamoy na agad niya iyon dahil pagod na siya. Mayamaya ay naramdaman niyang may mga pakpak na tumubo sa likod niya. “May pakpak ka na, Sekani,” sigaw ni Red Girl. “Wow! Para kang angel, Kuya Sekani,” sabi naman ni Anim. Saktong-sakto, hindi na kayang tumakbo ni Sekani kaya lumipad na siya. Mabilis ang kaniyang paglipad sa himpapawid habang buhat-buhat niya si Anim. Dahil doon ay siya pa rin ang hinabol ng cactus na dragon na panay pa rin ang atake ng malalaking tinik sa kaniya.   ** Habang hinahabol ng dragon sina Sekani ay nagkaroon na ng pagkakataon si Red Girl para makaamoy ng isang bulaklak. Ang napili niya ay asul na bulaklak. Nang amoyin niya iyon ay ramdam niya agad ang malamig na pakiramdam sa loob ng katawan niya. Alam na niya agad ang nakuha niyang kapangyarihan kaya umaksyon ito para matulungan sina Sekani. Pinatamaan niya ng yelo ang dalawang pakpak ng dragon na cactus. Dahil doon ay bumagsak ito sa lupa. “Nice one, Ate Red Girl,” puri sa kaniya ni Anim nang ibaba na siya ni Sekani sa lupa. “Sige, Anim. Ikaw naman ang kumuha ng kapangyarihan para makatulong ka na sa amin,” utos ni Sekani. Pulang bulaklak ulit ang napili nito. Nang maging parang goma na naman ang katawan ni Anim kay naghanda na agad ito. “Bakit iyan ulit?” tanong ni Red Girl. “Dahil pakiramdam ko ay hindi eepekto ang mga tinik niya kahit matamaan ako niyon sa katawan ko,” sagot niya. “Sabagay, tama ka nga.” Lumapit si Red Girl sa dragon na cactus. Sinamantala niya ang pagkakataon na nakahandusay pa rin ito sa lupaan. Pinataam niya ito nang pinatamaan ng yelo para hindi na ito makalipad pa. Natuwa sila dahil inakala nilang madali nilang matatalo ang dragon na iyon pero nagkamali sila. Nang punong-puno ng yelo ang katawan nito ay biglang lumabas ang mga patusok ng tinik sa katawan nito. Nabasag ang yelo kaya nagawa ulit nitong makatayo. Sa muling paglipad nito sa hangin ay agad silang tinugis gamit ang matitinik na pagpak ng dragon. Lahat sila ay natamaan kaya sabay-sabay silang napasigaw. Buong katawan ni Red Girl ay natusok kaya puro dugo agad ang katawan niya. Ganoon din si Sekani na tila nanghina ka agad. “Walang epekto sa akin ang tinik. Hindi ako nasaktan,” sabi ni Anim. “Mabuti kung ganoon. Ikaw na muna ang bahalang luban dahil napuruhan kami ni Red Girl,” sabi sa kaniya ni Sekani. “Okay! Ako nang bahala rito,” maangas na sagot nito. Binuhat ni Sekani si Red Girl para itabi muna sa isang tabi. Habang pinapanuod nilang lumalaban si Anim ay kumain na sila ng candy ni Red Girl para gumaling na ang mga sugat nilang dalawa. “Ang galing ni Anim,” puri ni Red Girl habang nanunuod. Humaba ang dalawang kamay ni Anim. Panay ang suntok niya sa mukha ng dragon na iyon kaya galit na galit ito sa kaniya. Panay ang patama nito ng tinik sa batang babae pero wala itong epekto sa katawan niya dahil goma ang kaniyang balat. “May oras ang kapangyarihan niyang iyan. Hindi dapat tayo tumunganga. Kailangan natin siyang tulungan,” sabi ni Sekani. “Magaling na ako. Aamoy na ako ng pulang bulaklak para magaya ko ang kapangyarihan ni Anim,” sabi ni Red Girl. Nang maging goma na rin ang katawan ni Red Girl ay saktong nawala na ang kay Anim. Humaba ang kamay niya para hilahin si Anim at dalhin kay Sekani na nagpapagaling pa rin. “Ako naman ang lalaban,” sabi ni Red Girl. Humaba ang kamay niya at saka niya nilingkis ang leeg ng cactus na dragon. Natuwa siya dahil tama ang sinabi ni Anim na hindi siya nakakaramdam ng sakit kahit matusok pa ng maraming tinik ang katawan niya. “Argghhh!” Nahihirapang huminga ang cactus na dragon dahil sa higpit nang pagkakasakal ni Red Girl. Bumagsak tuloy sila sa lupa dahil nanghina ang dragon ng kaunti na ang hangin na pumapasok sa katawan niya. Kaunti na lang ay mapapatay na niya iyon. Habang hinihintay niyang malagutan ng hininga ang kalaban ay napatingin si Red Girl kay Sekani. Nakita niya na may hawak itong berde na bulaklak ng cactus. “Gamitin mo ito sa kaniya. Ipaamoy mo sa kaniya ito para malason siya,” utos sa kaniya ni Sekani kaya pinahaba niya ang kamay niya para maabot iyon. Nang itapat niya sa ilong ng dragon na cactus ang berdeng bulaklak ay bigla-bigla na lang nangisay ang dragon. Dahil doon ay humiwalay na siya rito. Tumabi na siya kay Sekani at Anim para panuorin kung paano mamatay ang halimaw na iyon. Naging berde lalo ang dragon na cactus. Mayamaya pa ay sumabog na ang katawan nito. Napuno ang buong paligid ng likidong berde na galing sa katawan ng dragon na cactus. Pati silang tatlo ay napuno ng katas niyon. “Victory!” sigaw ni Anim na tuwang-tuwa. Abot langit ang ngiti nito habang nagpapagpag ng katas ng dragon sa katawan niya. Dahil si Red Girl ang nakapatay sa dragon na cactus ay sa kaniya lumitaw ang pulang diamond na galing sa halimaw na iyon. “Ang galing mo, Sekani. Sa totoo lang ay parang ikaw ang nakapatay sa kaniya dahil ikaw ang nakaisip kung paano siyatuluyang mapapatay. Kaya naman ay sa iyo ko I-aabot ang pulang diamond na ito,” sabi niya at saka inabot ang ika-apat ng pulang diamond kay Sekani. “Dalawa na lang at maari na tayong makaalis sa island na ito,” sabi ni Anim na pumapalakpak pa. “Malapit na. Makakaalis na tayo rito. Mas galingan pa natin ang pakikipaglaban sa dalawang halimaw na natitira,” sabi ni Sekani habang pabalik na sila sa kubo nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD