bc

Kiss Me, Mr. Billionaire

book_age18+
4.3K
FOLLOW
14.1K
READ
possessive
sex
opposites attract
dominant
CEO
sweet
bxg
city
office/work place
first love
like
intro-logo
Blurb

Hinding-hindi makakalimutan ni Prima ang araw na iyon. Ang araw ng kasal ng bestfriend niya at ang araw rin kung kailan siya unang nabastos sa buong buhay niya.

Akalain mong paglabas niya ng cr sa hotel kung saan ginanap ang kasal ng kaibigan ay may isang gwapo at matangkad na lalake ang humarang sa kaniya at nag-offer ng blank cheque para lamang maikama siya!

Ang ginawa niya ay pinunit niya ang cheke nito at itinapon sa mukha mismo ng lalake.

“He’s insane! Oh, my, I can’t believe those kind of men exist! Kahit guwapo siya ay wala akong pakialam! Ang bastos! Pangit naman ang ugali niya!”

Humiling siya na sana ay hindi na niya muling makatagpo ang lalake ngunit pinaglalaruan talaga siya ng tadhana! Biruin mong sa bagong trabaho na in-applyan niya sa manila ay kaibigan pa ito ng boss niya!

Hindi lang iyon, mukhang trip talaga siya ng lalake dahil hindi siya nito tinatantanan!

He’s still trying to get her using his freaking blank cheque!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
AUTHOR'S NOTE: DON’T READ. Hindi po ito for update. Thank you! Primalina Zein Contresa “Sure ka ba na hindi mo na kailangan ng kasama? Puwede mo naman isama ang Kuya Clauze mo. Malayo ang Tagaytay, Prima, mag-aalala rin ang mama mo kapag mag-isa ka lang.” She is Primalina Zein Contresa. Dalawampung walong taong gulang na ngunit hirap na hirap pa ring magpaalam sa kaniyang mga magulang kapag may pupuntahan siya. “Dad, that was 3 days and two nights only. Nakakahiya kay Ariza, kilala mo naman siya ‘di ba? Since high school until now we are super friends. Isa ang kasal niya sa hindi ko dapat mapalampas sa buhay ko,” sabi niya. “I am not saying that you should not go, Primalina Zein. Ang sinasabi ko ay malayo, mas maganda kung isama mo ang isa sa mga kapatid mo. Clauze is available, he has a week vacation. Sinabi niya sa akin kagabi na mananatili muna siya rito sa Cabanatuan ng isang linggo.” Napakamot siya sa kaniyang batok nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama. Nagpapaalam siya ngayon dahil a-attend siya sa kasal ng bestfriend niyang si Ariza. Sa tagaytay kasi ang venue, may tutuluyan namana siyang hotel kaagad kaya’t walang dapat na problemahin pa. Ngunit dahil nag-iisa siyang babae sa kanilang limang magkakapatid at siya pa ang bunso ay talaga naman na napaka-protective ng mga lalake sa kaniya sa kanilang pamilya. “Dad, Kuya Clauze is taking his vacation to relax. Napaka-busy non sa trabaho sa manila at iyong isang linggo lang ang magiging pahinga niya. Ayoko na maabala pa siya dahil lang kailangan niya akong bantayan at samahan sa Tagaytay.” Ang hirap talagang magpaalam pag aalis ako. Pakiramdam ko teenager pa rin ako. Bumuntong hininga siya. She could win this argument, she’s confident. “Saka isa pa, I am 28 years old dad. Matanda na po ako, kaya ko na ang sarili ko. Paano ako makakapag-asawa kung itong pagpapaalam lang sa kasal ng bestfriend ko ay hindi mo ako mapayagan na mag-isa,” sambit niya. “Aba’t—“ huminga ng malalim ang kaniyang ama. “At bakit napasok sa pag-aasawa ang usapang ito, Primalina Zein? May nobyo ka na ba? Huwag mong sabihin na kaya ka ganito kaagresibo na pumunta mag-isa ay dahil naroon ang nobyo mo?” Ang totoo ay wala pa siyang nobyo. Ang huling kasintahan niya ay noong 4th year high school pa siya. Ilang taon na ang nakalipas. “Ang sinasabi ko lang dad ay nasa hustong edad na ako upang magdesisyon ng mga bagay sa buhay ko. Kaya ko naman po na mag-isa, tatawag ako palagi sa inyo pag naroon na ako, saka wala ka pong dapat na ikabahala kasi kasama po namin ang mga high school friends namin noon. May makakasama pa rin ako, dad,” sabi niya. “Let her be, Ignacio, malaki na si Prima. Hanggang ngayon ay bine-baby mo pa rin siya. Bahala ka, baka mamaya pinaglilihiman na tayo niyan sa sobrang higpit mo sa mga lakad niya,” sabi ng kaniyang ina na kadarating lang dala ang meryenda nila. “Ano? Magagawa mo na maglihim sa akin, Prima?” may pagtatampo na kaagad sa boses ng kaniyang ama. Napakamot siyang muli sa batok. Tumayo siya at tumabi sa kaniyang ama sa sofa. Humilig siya sa balikat nito at kumapit sa braso nito. “Dad, I can’t do that. I will always tell you my plans. Alam mo na simula noon pa man ay wala akong kahit anong lihim sa ‘yo. Binibiro ka lang ni mommy,” sabi niya. Pumipikit-pikit ang kaniyang ama habang nanghahaba ang nguso nito. “Dapat lang. You are still my baby girl, you can’t lie or keep secrets from me. Magagalit talaga ako, Prima.” Nagkatinginan sila ng kaniyang ina. “So... I can go now alone?” tanong niya. Nang malalim na bumuntong hininga ang kaniyang ama ay tumingin siya dito. “Hmmp, okay,” pagsang-ayon nito. “Yes! Thank you, dad!” sabi niya at humalik sa pisngi nito. “I will go to my room now. Kausapin ko lang ang mga kaibigan ko. Maraming salamat, dad! I will use my car, ha? May lisensiya namana ako,” sabi niya at humalik naman sa mommy niya. Habang paakyat siya sa hagdan ay narinig niya pa ang di pagsang-ayon ng daddy niya sa paggamit ng sasakyan niya. “Iyan ang hindi ko mapapayagan, Primalina Zein! You will not use your car!” Nang makarating siya sa kaniyang silid ay ngiting-ngiti siyang nagbukas ng laptop niya. Kaagad siyang tumawag sa group chat nilang magkakaibigan. Ang unang sumagot ay si Ariza. Hinihintay talaga nito ang update niya dahil kilalang-kilala na nito ang kaniyang daddy. “Ano? Pinayagan ka?” Ang pangalawang pumasok sa group video chat ay si Vera. “Hello, pipol! Oy, si buntis! Hello, buntis! Isang linggo na lang matatali ka na kay halimaw. Baka magbago pa ang isip mo?” Natawa siya sa sinabi ng kaibigan niyang si Vera. Ito ang pinakamadaldal sa kanilang magkakaibigan. “Tumahimik ka nga riyan, Vera Gracia, palibhasa lonely ang lovelife mo kasi hindi ka pa rin pinapansin ni Frederico Elias!” ganti ni Ariza. Sumimangot si Vera. Long-time crush kasi ni Vera ang pinsan nitong si Frederico Elias. Well, cousins not by blood. Hindi rin naman legal na ampon si Frederico kaya maaaring magkatuluyan ang mga ito, ngunit ang mahirap lang ay pamilya ang makakalaban ni Vera, lalo pa at napakastrikto ng lolo nito. Lalo ng tumayong papa ni Frederico Elias. “Buti pa si Eriz mabuhay ang lovelife, teka, nasaan na ba ang pinsan mong iyon, Vera? I-invite mo rin siya sa kasal ko!” sabi ni Ariza. “Naku, wala ang impakta, naroon sa hawaii. Pagkatapos nilang ikasal ng asawa niya ay naghoneymoon kaagad. Nagpapakasaya ang gaga. Ni hindi na nga ako in-updatan, hinihintay ko pa naman. Saka busy iyon sa hotdog ni Triston,” sabi ni Vera. Humagalpak sila sa tawa ni Ariza dahil sa sinabi ni Vera. Sanay na sanay na sila sa bibig ng babaeng ito. Hindi naman nila ka-close noon si Vera, naging kaibigan lamang nila ito nang maging ka-trabaho na. Pero sa kanilang limang magkakaibigan apat sa kanila ay magkaklase noong high school hanggang college. “Sino ba naman ang ayaw sa hotdog ng asawa, Vera? Syempre lahat tayo gusto natin makatikim ng hotdog! so, balik tayo kay Prima,” sabi ni Ariza at tumingin ito sa kaniya. “Pinayagan ka? Hahanapan kita ng boyfriend doon! Maraming kaibigan ang honey ko. Puro gwapo at may sinasabi sa buhay!” Buti natapos na sa usapang hotdog. Hindi naman iyon ang magiging pakay niya. Nais niya lang talagang maka-attend para makita kung gaano kasaya ang bestfriend niya sa kasal nito. “Oo, pinayagan ako, pero, huy! Hindi naman lalake ang hanap ko doon!” sabi niya. “Aruuu, ikaw nga dapat ang mag-boyfriend na, Prima. Mawawala ka na sa kalendaryo, tapos baka tuluyan nang magsara iyang kipay mo dahil wala manlang pumapasok. Bahala ka! Masarap iyon, langit talaga,” sabi ni Vera. Malakas na tumawa si Ariza sa sinabi ni Vera at siya naman ay biglang napaisip. Oo nga, twenty eight years old na siya pero kahit first kiss ay wala pa siya. Mawawala na siya sa kalendaryo pero ni hindi pa siya nakakaranas ng ligayang sarap dulot ng s*x na madalas bukambibig ni Vera!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

The Sex Web

read
132.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.7K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook