bc

Taming His Cold Heart ( Short Story )

book_age16+
47
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
playboy
drama
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Anisia Agnes Santelices is a young and beautiful positive girl. Namulat man sa kahirapan hindi iyong naging hadlang sa kanyang upang hindi mag patuloy sa buhay. 

At her young age his mother died in an accident. Namuhay siya kasama ang kuya niya at ang kanyang Ama. Ngunit sa pagkawala ng kanyang Ina. Unti-unting na sira ang pundasyon ng kanilang pamilya. 

Nalulong sa droga ang kanyang kuya at kanyang Ama naman ay nalulong sa alak at sugal. 

Sa murang edad. Nangarap si Anisia na makatakas sa mundong magulo na mayroon siya ngayon. 

Ngunit mapaglaro ang tadhana. Pinakinggan nito ang kanyang kahilingan.

Kaiden Charles Vicentious. He's the cold-hearted man. His life rounds only for his company and no time for anything. Nang mawala ang kanyang pinakamamahal na babae dahil sa isang aksidente. Naging malamig ang kanyang puso.

Isinarado niya ang kanyang puso na sumubok pang umibig muli. Ngunit sa hindi inaasahan panahon. Dumating sa buhay niya ang isang Anisia Agnes Santelices. 

Ngunit paano niya mamahalin ang dalaga. Kung ang nakikita niya sa bawat galaw nito ay ang kababata at labis niyang minahal na si Lissandra Amalia Castro na matagal nang patay?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Pinag masdan ko ang malakas na patak ng ulan. Habang nakaupo sa waiting shed. Bahagya kong itinaas ang aking kanang kamay upang maramdaman ko ang maliliit na butil ng ulan. Rinig ko ang bawat sasakyan at bawat taong nag lakakad sa maulan na panahon. Isang malakas na tunog ng ambulansya ang nakapag pabalik sa aking mapait na alaala. Malinaw pa sa aking alaala. Ang malakas na pag salpok ng sinasakyan naming sasakyan at ang kotse na biglang sumulpot sa aming dinadaanan. Amoy ng sariwang dugo ng aking Ina ang gumising sa akin. I saw her on the side of the road… she's dead. Tinakbo ko ang distansya namin ni Inay. Kita ko ang maputla nitong itsura at ang dibdib na hindi nag tataas baba. I tried to save her. But it was too late… tingin ko ay ilang minuto na siyang patay. Nang ibaling ko ang aking paningin. Nakita ko ang isang batang lalaki. May malagay ito. Ngunit malakas ang pag sigaw niya.. buong lakas na binabangit ang pangalan ng isang babae.. Kita ko ang pag usok ng makina ng kotse kung nasaan ang ang batang lalaki na iyon. Kahit pa nanghihina at nanlalabo ang aking mata sa matinding lungkot at pagdadalamhati sa namatay kong Ina.. hindi ako nag dalawang isip at mabilis kong tinakbo ang kotse. Nang makarating ako sa loob. Kita ko ang wala malay na batang babae sa kanyang tabi. Naliligo ito sa sariling dugo at bagsak ang mga kamay. Tingin ko ay patay na. Hindi ako nag sayang ng oras. Gamit ang maliit kong siko. Pilit ko binasag ng todo ang medyo basag na salamin ng kotse gilid. The boy was crying loudly… continued shouting the name of the unconscious girl next to him. Hinila ko siya palabas ng bintana. Nahirapan pa ako dahil mag kasiklop ang kamay nilang dalawa. Pinilit ko siyang mahila. Nang mag bitaw ang kamay nila nailabas ko siyang tuluyan. Pinagsiklop ko ang kamay naming dalawa. Hinila mo siya upang makatakbo sa malaking puno. Nang makalayo kami ay iniwan ko siya sa parteng iyon. At bumalik sa kotse muli. Upang makuha ang batang nasa loob. Ngunit ng makalapit ako sa kotse. Malakas na pag sabog ang sumalubong sa akin. The loud blast explosion of the car made me deaf. Tila nanuot ang malakas na ingay sa aking tenga. Para itong tunog ng isang malakas na nag lilisawan na mga ibon. Kasabay ng malakas na pag sabog ang pagkawala na aking malay. Then the next day I woke up in the Hospital. And I lost my hearing… The doctor said that I suffered from ear injuries and capgras trauma. Manunumbalik naman daw ang nawala kong alaala at pandinig ngunit katulad ng hindi ko inaasahan. Sampong taon na. Ngunit hindi na ito na numbalik pang muli. Pinilig ko ang aking ulo. Nang maramdaman ko ang unti-unting pag sakit ng aking tenga. Kaagad kong tinanggal ang hearing aids sa aking tenga. Upang nakaramdam ng katahimikan. Nang huminto ang jeep sa aking harapan. Dun ko iyong kinabit muli. "Oh huling biyahe na ito! Huling biyahe na!" Sigaw ng tsuper sa labas. Sumakay ako sa jeep, ilang minuto rin ang naging biyahe bago ako nakarating sa aming bahay. Pero katulad ng lagi kong inaasahan. Nakita ko si Itay, kasama niya ang mga kaibigan niya na kapwa manginginom na katulad niya. Nag patuloy ako sa paglalakad. Ngunit bago pa ako makalagpas sa hamba ng pinto. Boses niya ang nakapag patigil sa akin. "Anisia!" Lasing na sigaw niya. Humarap ako sa aking itay na pasuray suray ang lakad patungo sa aking direksyon. Hindi pa man niya ibuka ang bibig niya ay alam ko na ang kanyang pakay sa akin. "A-asan ang pera?!" Bumuntong hininga ako ay tumitig sa lasing na mga mata ni Itay. Simula ng mawala ang Inay. Tila ba pati ang buhay niya ay nawalan na ng saysay. Naiintidihan ko ang sakit na pinag dadaanan niya. Ngunit tila ba hindi niya naiisip na may natitira pa siyang pamilya. Para sayangin at ilulong ang buhay sa alak. "Nag a-apply pa lang po ako. Nuong isang araw ko oh sinabi na umalis ako kina Tita Nerba. Kaya't wala akong maibibigay na pera ngayon sainyo." Sagot ko. "Wala ka talagang kwenta Anisia, buweset! Bakit pa umuwi ka rito?! Dapat ay nag tiis kana lang kina Nerba para naman may silbe ka!" Sigaw niya. Amoy na amoy ko ang baho ng alak sa kanyang hininga. Kaya't hindi pa man ito tapos mag salita ay tumalikod na ako. Ngunit bago pa man ako makatalikod. Mabilis nitong nahila ang nasa balikat na tote bag sa akin. Kinuha iyon ni Itay at ibinaligtad pababa. Sumabog ruon ang mga gamit ko. At ang one hundred pesos na sana'y pamasahe ko bukas patungo ng Vicentious Corporate Headquarters. "Napaka makasarili mo talaga. Halagang isang daang piso pinagdadamot mo pa!" Sigaw niya at tumalikod. Pumikit ako ng mariin. Upang mapigilan ang mga salitang maaaring mag pagulo lalo ng sitwasyon. Lumuhod ako at isa isang kinuha ang mga gamit na kumalat sa lupa. Nang makapasok ako sa loob. Bumungad sa akin ang wala sa wisyo na si Kuya Morgan. Tulog na tulog itong nakahiga sa sofa. Habang ang bote ng alak sa maliit na lamesa ay tapon tapon. Nagkalat rin ang mga pinag gamitang poil na lagi kong nakikita sa tuwing iinom ito. Bago ako natulog ay nilinis ko muna ang mga kalat sa buong bahay. Matapos 'yon ay naligo at nag tungo sa aking higaan. Nag muni-muni ako at tumitig sa kisame namin na puno ng sapot ng gagamba. Lagi kong hinihiling na sana'y isang araw pagising ko ay magbago ang kapalaran ko. Dahil minsan ay talagang nakakapagod ang ganitong sitwasyon. Hindi ko naman sinasabi na maglaho na lang sila sa buhay ko. Ang gusto ko ay magbago sila. Hinaplos ko ang aking tenga… pakiramdam ko ay narinig ko bigla ang malakas na iyak ng batang lagi kong naaaalala. Naiisip ko, nasaan na kaya siya ngayon? Laging umuugong sa aking tenga ang isang pangalan. Ngunit hindi iyon malinaw. Ano na kaya ang itsura niya… ang tingin ko lang naalala ay ang magandang kulay amber na mga mata niya. Ngunit puno ng lungkot iyon ng titigan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook