Nang idilat ko ang aking mata. Bumungad sa akin ang walang pinag bagong kisame ng aming bahay. Kaagad kong kinapa ang hearing aids ko sa maliit mong lamesa sa tabi ng aking ulohan.
Nang maisuot ko iyon. Malakas na kabog ng pinto ang nakapag pabalikwas sa akin. Halos masira ang pinto dahil sa malakas na kabog nun. Hindi na ito bago sa akin. Hindi na bago na halos araw araw ay malakas na kalabog ng pinto ang gumigising sa aking diwa.
"Anisia! Punyeta!" Sigaw ni Kuya Morgan.
Tumayo ako upang buksan ang kawawang pinto. Pagbukas ko nun ay bumungad sa akin ang namumulang mata ni kuya. Habang ang gulo gulo nitong buhok ang lalong nakapag patakot sa akin.
"Asan ang pera? Sinisingil na ako ng bangkong na nautangan ko!" Bungad niya.
Pumikit ako ng mariin. Gusto kong segundahan sila na mukha ba akong bangko? Para laging tanungin sa aking kung nasaan ang pera.
"Sinabi ko na sa inyo na umalis ako kina Tita Nerba… w-wala akong perang maibibigay sa inyo ngayon." Sagot ko.
"Putang—. Bakit ka umalis roon, ha?!"
"Oh paano ngayon to!? Pinapangako ko na ngayong araw ako magbabayad! Wala kabang utak? Di kaba nag iisip?" Gigil na sumbat niya.
"Edi sana'y kayo ang nag trabaho.. sana'y kayo na lang ang nag bayad ng sarili niyo utang!" Sagot. Kita ko ang pag tagis ng bagang nito na nag tapon ng tingin sa akin.
Kaagad niyang hinila ang kuwelyo ng aking suot na t-shirt.
"Yan na nga lang silbe mong bingi ka, hindi mo pa magawa ng tama! Wala ka talagang kwenta!"
"Alam mo bang dahil sayo kaya nag kanda leche leche ang buhay namin!? Isaksak mo iyan sa utak mo!" Sigaw nito at padarag na binitawan ang aking damit.
Nangingilid ang luha kong inayos ang nagulo kong t-shirt. Sa tuwing wala akong maibigay sa kanila. Walang katapusang pag sumabat ang aking nakukuha mula sa kanila. Walang taong gugustuhin na mawala ang mahal nila. Lalo kung ang taong iyon ay malapit sa iyo. O magulang mo. Ngunit para kay Kuya at sa aking Ama. Tila ba ginusto ko ang lahat ng iyon. Tila ba ginusto kong maagang mawala sa amin si Inay. Walang araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko walang gabing hindi ako nagsisisi sa lahat. Sampung taon na iyon ngunit para sa akin. Tila ba parang kahapon lang 'yon nangyari.
Sa tuwing pumapatak ang ulan. Lalong sumasariwa sa akin ang lahat. Dahil maulan iyon nangyari at madulas ang daan. Kaya't sa tuwing sumasabay ang malungkot at madilim na kalangitan. Pakiramdam ko ay konektado kami ng nararamdaman.
Nang mag tungo ako sa malaking HQ ng Vicentious Corporate Headquarters. Ang akala ko ay mamalasin pa ako sa interview matapos ang naging malas kong umaga.
Ngunit nag kamali ako. Sa awa ng diyos makakapag simula ako bukas.
"VCH has 56 floors.. dun kita inilagay sa 56 floor, dahil kakaresign lang ng dating janitress roon. Ikaw ang natasan ko na mag linis sa opisina ni Mr. Vicentious." Si Mrs. Madrigal ang Facilities manager ng kompanya.
"May mga bagay kang dapat malaman sa paglilinis sa loob ng opisina niya."
"Una ay hindi mo dapat pakialaman ang mga gamit niya sa desk. Oo't tungkulin mo iyon, pero hindi niya pinahihintulutan na may makialam sa gamit niya." Nakatingin na paliwanag niya sa akin. Tila ba may bababala pa ang tono niya.
"Bakit naman po?" Tanong ko.
"May magamit na mahahalaga roon na ayaw niyang ipahawak kanino man." Aniya at nagkibit balikat.
Tumango tango ako. Tila ba naunawaan ko na ang mga bagay na bawal at dapat gawin. Kinagat ko ang aking labi bago ko segundahan ng tanong si Mrs. Madrigal.
"Itatanong ko po sana kung kailan ang sweldo…" nahihiyang tanong ko.
"Kinsenas katapusan ang sweldo ng kumpanyang ito. Kaya kung naiisip mong bumali ngayon. Pasensya kana Hija. Ngunit malabo ang nais mong mangyari." Umiiling na sabi niya sa akin.
Ngumuso ako at nag patuloy sa paglalakad sa malaking company na ito. Napupuno ng fiberglass ang buong lugar. Tanaw na tanaw mo lalo pag nasa itaas ang nag liliitan na mga building na katabi lang ng Vicentious Corporate Headquarters.
"Mga alas nuwebe lang nag o-out si Mr. Vicentious sa trabaho. Kaya't kahit 9 : 15 ay pwede ka nang mag tungo sa itaas ng 56th floor." Aniya.
"Sa umaga naman alas syete siyang nag tutungo sa kompanya. Puwede kang malinis sa loob habang nasa loob siya. Ngunit huwag na huwag kang gagawa ng anumang ingay na ikakairita niya." Anito.
"Paano po ako makakapag linis kung ganun?" Tanong ko. Naisip ko lang na medyo maingay ang wiper pag nililinis ang bintana. Kaya't paanong hindi ako mag iingay?
Ngumisi ito sa akin. Kita ko ang wrinkles niya sa gilid ng mata.
"Kaya nga ang dapat na 20,000 pesos na sweldo ng isang janitress na katulad mo ay naging 25, 000. Dahil kailangan mong mag ingat sa bawat galaw mo sa tuwing malilinis ka sa loob." Anito. Habang nakangiti sa akin.
Nang makataas kami ng elevator. Pinindot nito ang 56th floor na opisina ni Mr. Vicentious. Pag pasok namin sa loob at tumambad sa amin ang magandang dark matte na kulay ng dingding ng opisina niya. Habang sa likod ng kanyang swivel chair at ang napakalaking glass window.
"Madalas ay ayaw ni Mr. Vicentious na nagtatagal sa paglilinis ang mga janitress habang nasa loob siya. Kaya't kung maari bilisan mo ang galaw mo at huwag mong gambalain ang katahimikan niya." Aniya.
Tumango ako. At inayos ang aking hearing aids. Narinig ko ang warning sa aking tenga na malapit na iyong malowbat.
"T-teka bingi ka ba Hija?" Nag alaangan na tanong sa akin ni Mrs. Madrigal.
"O-po… ngunit hindi po iyon sagabal sa aking trabaho.. mag iingat po ako at pananatilihing hindi ko ma istorbo o magugulo si Mr. Vicentious… may hearing aids rin po kaya't nakakarinig po ako." Nalilitong paliwanag ko kaagad.
Eto na ang maayos na trabaho nakuha ko. Sapat na ang perang sasahurin ko rito upang makabayad sa utang ng pamilya ko. Kaya't kung dapat lumuhod upang makuha ako ay gagawin ko. Tanggapin lang nila ang katulad ko.