Hindi na ako nag taka, nakapasok ako nang tingin ko ay dahil lang sa pagmamakawa ko. Inilibot ko ang buong mata ko sa loob ng HQ. Hindi ito ang pinaka company ng mga Vicentious. Eto lang ang pinaka headquarters ng main company nila. Ang Vicentious Motor Car Company nila ay hindi kalayuan sa HQ ngunit magkahiwalay ang dalawang building.
Itinulak ko ang cart na may lamang mop. Tatlo ang elevator sa ibaba. Ang isa ay normal na kulay na makikita mo sa pang karaniwang mga building, ang nasa pinaka gitna naman ang tanging naiiba ang kulay. Itim iyon.
Dun ako sa gitna na tungo. Dahil puno na ang magkabilang gilid. Nakakapagtaka lang na walang sumasakay roon. Gayong napaka siksikan ng mga evelevator dahil rush hour ngayon.
Itinulak ko ang cart at pumasok sa loob. Sakto ay walang tao kaagad kong pinindot ang floor 56. Matapos iyon ay inayos ko ang aking buhok. Iniyuko ko ang aking ulo upang mailagay ang bun hair net ko.
Habang inaayos iyon at bumukas muli ang elevator. Hindi ko nakita ang dalawang pumasok. Dahil na nakayuko ako. Ngunit ramdam ko ang kakaibang prisensya sa kanilang dalawa.
"With floor sir?" Tanong ko. Hindi ko sila makitang dalawa dahil nasa likod ko sila. Hindi rin naman ako nag abalang lingunin pa sila.
Ako ang malapit sa keypad ng elevator. Kaya't ako na rin ang nag tanong kung saang floor sila mag tutungo.
Habang papasara ang pinto ng elevator ko. Kita ko ang nanglalaking mata ni Mrs. Madrigal sa akin. Habang kasama niya ang isa sa mga crew na nag nag lilinis sa strategic department.
Hahabol sana ito. Ngunit nag sara na ng tuluyan ang evelevator.
"56 floor." Sabi niya gamit ang baritonong boses.
Pinidot ko iyon at nag patuloy ayusin ang medyo gulo ko pang buhok.
"Why did you reject the collaboration of Vicentious Petroleum company? Sinabi ko nang pag bigyan mo si Aero sa desisyon niyang iyon." Ani. Ng isa pang boses ng lalaki.
"Why would I do that? He also rejected my first proposal." Maikling sagot ng unang nag salita.
"You're being a crying baby Kaiden Charles Vicentious! Ako ang nag reject ng proposal na iyon. Na Kulang ako nung una…Pero tingin ko ay ayos na iyon ngayon." Ang lalaki muli.
"I'll think about it, kuya." Maikling sagot nito. Kasabay ang pag tunog ng evelevator.
Nang marinig ko ang pangalang iyon. Halos malaglag ang panga ko sa gulat. Kasabay ko ang CEO sa elevator? Ngayon ko lang napagtanto iyon!
Naiwan ako sa elevator. Ngunit kaagad kong itinulak ang cart ng maramdaman ko ang pag sara ng pinto. Nasalubong kong muli ang lalaking kausap niya. Ngunit mabilis itong lumagpas sa akin.
Pakiramdam ko ay naglalakad ako sa hangin sa sobrang kaba. Ayaw kong mag kamali sa unang araw ng trabaho ko. Kaya't kung kailangan ko pang mag dasal upang mangyari iyon ay gagawin ko.
Isinuot ko ang face mask at itinulak ko muli ang cart na may lang wiper cleaner at mop. Nang makapasok ako sa loob ng opisina ay tumambad sa akin ang malaking bulto ng lalaki.
Nakahilig ito sa kanyang swivel chair. Habang nag dalawang kamay ay mag kasiklop. Tila ba may hinihintay siyang pumasok sa loob.
He's wearing a black suit. Hulmang hulma roon ang kalakihan ng kanyang katawan. His hair is a messy jet black. And his jaw defined his cheek bones high. He is the most beautiful male that I've ever seen. When I saw the look in his eyes. It was dark and ruthless. It was terrifying.
He looks like a greek god. Pero ang aura nito ay nag susumigaw ang malamig at kakaibang ugali.
"Hind ba masabi sa'yo ni Madrigal ang paggamit ng mga elevator?" Pag basag nito ng katahimikan.
"H-hindi po, p-puno po kase sa mag kabila.. kaya't ginamit ko ang pinaka gitna.." nauutal na paliwanag ko.
"I don't allow anyone to use that elevator." Malamig niyang sabi kaya napatingin ako sa mga mata niya.
Nakahalukipkip siya ngayon siya at nakahilig parin sa kanyang swivel chair. Dun ko lang napagtanto ang magandang kulay ng kanyang mga mata. Isang pamilyar na kulay iyon. Ngunit iwinaksi ako ang malalim na pag iisip sa batang iyon.
"P-pasensya na Sir… hindi ko po talaga alam. Sana'y huwag niyo po muna ako sisantehin sa trabaho unang araw ko pa lang ito. Sana'y bigyan niyo pa po ako ng pangalawang pag kakataon." Nakikiusap ang tono na sabi ko.
Sabay kaming napatingin sa kakapasok lang na si Mrs. Madrigal, kaagad itong lumapit sa amin at siya mismo ang ng hingi ng paumanhin kay Mr. Vicentious tungkol sa nangyari.
"Take off your mask. Gusto kong makita ang itsura mo." Aniya. Nang kami na lang ang natira sa loob ng opisina niya.
Unti-unti kong tinanggal ang aking suot na facemask. Kasabay nun ang pag kalag ng hair net bun na nakalagay sa aking buhok.
I immediately found his amber eyes staring at me. Nanatiling nakatikom ang bibig niya. Ngunit kita ko sa magandang mata niya ang pagkabigla.
Siya mismo ang bumitaw sa titig naming dalawa. Pakiramdam ko ay hindi niya matagalan ang pag titig sa akin. Huminga ako ng malalim.
"You can start your work." Malamig niyang sabi at ituon ang pansin sa makapal na papel na nasa kanyang harapan.
I started mopping the floor. Tahimik ko iyong ginawa. Hanggang sa sumunod naman ay ang paglilinis ng malaking fiberglass window sa kanyang likuran.
"Don't wear your mask kapag mag tutungo rito para maglinis." Aniya. Ngunit nanatili ang mata nito sa laptop.
"Pero yun po ang utos ng facilities head.. mag suot ng facemask bago mag tungo sa opisina niyo." Ako. Nang matapos akong malinis at itinulak ko ang cart.
Kita ko ang pagtaas ng isang kilay nito. Habang ang tingin niya ay itinuon sa akin.
"I have changed my policy.. just do want I want. Bago ka mag tungo rito. Tanggalin mo ang mask na suot mo." Aniya. Tila pinal na iyon at hindi ko na mababago pa.
-