8

1560 Words
"Ano'ng nangyari kahapon?" Hinilot ni Craig ang kaniyang noo. Mahal na mahal niya ang kaniyang ina ngunit masyado itong makulit. Hindi naman siya na-p-pressure ngunit medyo nakakarindi na kapag paulit-ulit na lang siyang kinukulit na mag-asawa na. "Alam mo, Anak. Naisip ko lang..." Tinuon niya ang atensyon sa kaniyang ina. "Maghanap ka na lang ng katulad ni Rose. Iyong kahit hindi mayaman, pero mamahalin ka ng buo at totoo. Magiging mabuting asawa din sa'yo." Nang mga sandaling iyon, sumagi sa isipan ni Craig si Anne. Pero ang tanong, magkakasundo kaya sila? Naagaw ng babae ang pansin niya ngunit hindi pa din niya masasabi na magiging compatible sila. What if pagkatapos niya itong maikama, magbago na ang pagtingin nito sa babae. Paano kung pangkama lang pala ito. Habang sinasabi ng kaniyang ina ang bagay na iyon, ang nasa isip naman niya ay si Anne. Simple pero hindi nga lang niya sigurado kung magugustuhan ito ng kaniyang anak. Maganda ito at balingkinitan. Ngunit malayong-malayo ito sa mga nabalitaan niyang na-involve sa anak. Hindi na lang niya binanggit iyong tungkol sa hula pati iyong nasa horoscope niya dahil naiinis dito ang anak. What if gumawa siya ng paraan? Baka mag-click ang dalawa. Uunahan na niya ang kaniyang kaibigan. Gusto din kasi nito si Anne para kay Marko. May freckles sa mukha ang babae at balita niya ay iyon ang isa sa katangihan na hinahanap ni Marko sa isang babae. Kung desperada na ang kaibigan, puwes, desperada na din siya. Minsan pinapadasalan na nga niya ang anak para mapabilis ang pagdating ng babae na para sa kaniya. "What do you think about Anne?" Pinaningkitan ni Craig ang kaniyang ina. "Did you meet her already?" Craig just shrugged. Hindi niya puwedeng sabihin sa ina na interesado siya sa babae dahil baka kung ano pa ang gawin nito. Ayaw niyang mangialam ito. Dahil sa oras na magbago ang pagtingin niya sa babae, hindi na siya makakawala pa dahil tiyak niyang papagitna ang kaniyang ina. "Too skinny... Gusto ko iyong may mahihimas at malalamas man lang ako." Tawang-tawa siya sa reaksyon ng kaniyang ina. "Craig!" Hinampas nito ang pamaypay sa kaniya. Tumatawa pa din siya. "Nasa harapan tayo ng pagkain! Salbahe ka talagang bata ka!" "Bata pa pala ako, Mommy. Ba't pinag-aasawa mo na ako?" "Heh! Manahimik ka. Kumain ka na diyan!" Pagkatapos kumain, dumaan siya sa condo nina Ethan at Rose. Hinanap ng kaniyang mga mata si Anne ngunit hindi niya ito makita. Nagtanong siya kay manang. Hindi siya nagtanong kay Rose dahil bukod sa tutuksuhin siya nito, tiyak na pipigilan din siya sa kung ano mang plano niyang gawin. "Ang alam ko, next week pa ang balik niya, e. Bakit?" Mapanuksong tumingin sa kaniya ang matanda. Umiling siya. "Masakit po kasi ang likod ko, e. Papahilot sana ako," mabilis namang sagot niya. Sumakit din talaga bigla ang kaniyang likod. Kung nandito lang ang babae, papahilot sana siya. Sabi ng mommy niya kanina ay magaling daw ang kamay nito. "Nahanap niyo na po ba ang brief ko?" tanong niya nang maalala niya iyong brief. "Hindi, e. Naku, Craig, huh. Baka pinag-iisipan mo pa ako na tinago ko iyong brief mo." Natawa siya sa matanda. Hindi ito nagkamali. Sumagi na nga din sa isip niya ang bagay na iyon. "Ngayon lang ako naglinis doon. Si Anne ang huling gumamit ng guestroom." Napataas ang kilay ni Craig. Hindi kaya ito ang kumuha ng brief niya? Pero bakit? Naiinis nga ito sa kaniya dahil ginawa niyang praktisan ng pick up lines. Sayang nga at wala ito ngayon. Madami pa man din siyang baon na pick up lines. "Baka si Anne ang kumuha?" Napangiwi ang kasambahay habang nag-iisip. Naalala naman ni Craig iyong nangyari kahapon. Iyong nakita niyang panty ni Anne. Malinis naman iyon pero iyon nga lang sobrang nipis na sa kalumaan. Tapos wala na ding garter. Hindi kaya kinuha iyon ni Anne para masuot niya? Natawa siya sa inisiip. Hindi naman big deal sa kaniya ang nawawalang brief niya. Brief lang iyon. Magkano lang naman iyon, e. Pero sa oras na mapatunayan niya na si Anne ang kumuha ng brief niya, may kalalagyan ito sa kaniya. SAMANTALA... Iyong kinita ni Anne ay pinamuhunan niya. Bumili siya ng ilang balot ng candy at yosi na inaalok at iniikot niya sa mga pwesto sa Quiapo. Pinaubaya na lang niya sa Inay at Amang niya ang pagbebenta ng mga panghaplas at kung ano-ano pa. Limang araw na. Ilang gabi na din niyang dinadasalan iyong bulbol at brief ni Craig. Kasama na din ang business card nito para siguradong sa kaniya mapunta ang gayuma sa address ng lalake. Hindi na maliligaw pa ang orasyon. "Anne, may nag-text sa'yo!" Alam niya agad na si Rose ang nag-text sa kaniya. At tama nga ang iniisip niya. Nagbakasyon daw ang katulong nito at kailangan niya ng pansamantalang papalit dito. Tinatanong kung puwede daw ba siya. "May pantawag ka, Ate?" "Sampu," mabilis na sagot ng may-ari ng tindahan. Napailing na lang siya. Nag-abot siya agad ng sampu dito para matawagan na agad si Rose. Sinagot naman agad ni Rose ang tawag. "Ate, si Anne 'to. Sigurado ka ba na gusto mo akong kunin?" tanong niya dito. "Oo naman. Hindi ka ba puwede?" "Puwede, Ate. Gusto ko nga, e. Kaso ang problema, hindi po ako maalam magluto. Alam mo naman na mahirap lang kami. Mga alam ko lang na ulam ay sinabawang isda o gulay." Tumawa si Rose. "Oh, e di masarap ang ulam lagi." Laking hirap lang din si Rose ngunit alam niyang hindi kasing hirap ng buhay niya. Kumakain din naman ito ng simpleng ulam, pero paano ang asawa nito? Si Ethan? "Huwag mo ng problemahin iyan. Kaya mo ba ngayon o kaya mamayang gabi?" Napangiti siya ng matamis. "Sige po, Ate. Magpapaalam lang po ako kina Amang at Inay." Naisip niya na makikita na naman niya si Marko kaya halos mapunit na ang kaniyang labi sa laki ng kaniyang ngiti. Umikot muna siya ng dalawang beses para mapaubos ang kaniyang paninda bago pinuntahan ang kanilang Amang at Inang. "Ikaw, Anak. Maganda din kung doon ka kina Rose magtrabaho. Sana nga permanente na para makapag-ipon ka ng pang-aral mo." "Mamimis ko kayo." Tinapik ng dalawang matanda ang kaniyang balikat. "Mamimis ka din namin, Anak." Umuwi na siya sa tinutuluyan nila para mag-empake. May binigay sa kaniya si Rose na duffel bag; doon niya nilagay ang mga gamit niya. Sinama niya ang brief, kandila at ibang mga anik-anik niya. Hindi puwedeng tumigil siya sa pagdadasal. Umaasa siya na bago siya umalis doon ay gumana na din ang orasyon. Iyong tipong hindi na siya pakakawalan pa ni Craig. Padilim na ng dumating siya kina Rose. Mag-isa lang ang babae sa penthouse. Hindi pa umuuwi ang asawa galing trabaho. "Sa guestroom ka na lang magkuwarto," sabi nito sa kaniya. Natuwa naman siya dahil bukod sa napakaganda ng kuwarto at malamig pa dahil sa aircon, komportable din ang higaan niya. Buong buhay niya hindi pa siya nakaranas na mahiga sa kutson. Nilagay lang niya sa loob ng cabinet ang kaniyang mga gamit. Gabi na. Kailangan na niyang magluto. "Ano'ng lulutuin kong ulam, Ate?" "Hindi tayo magluluto ngayon, mag-t-take out daw si Ethan. Pahinga ka lang diyan. Doon muna ako sa kuwarto. May tatapusin lang akong video." Naiwan siya sa malawak na sala. Napatingin si Anne sa salamin. Sa mga nagtatayugang gusali sa labas. Nakakamangha. Pakiramdam niya ang sarap tumira doon. Napabuntong hininga siya nang makita niya ang sarili niyang repleksyon sa salamin. Sino kaya ang magulang niya? Nasaan kaya siya? Napulot lang siya ng kaniyang Inang at Amang nang siya ay sanggol pa. Hinaplos niya ang kaniyang magandang mukha. Batid niyang ibang lahi ang kaniyang mga magulang. Baka Pinay ang kaniyang ina at foreigner ang kaniyang ama. Minsan naiisip niya na baka tinapon siya ng kaniyang ina. Hindi siya nito gusto o kaya naman ay iniwan ito ng kaniyang ama kaya inabandona din siya. "Hi, Anne!" Napangiwi siya nang marinig niya ang boses ng lalake na kinakainisan niya. Hindi ito ang gusto niyang makita, e. "Malungkot ka ba?" Tiningnan niya lang ito. Kinalma niya ang sarili. Baka sesantehin siya ni Ethan kapag nalaman nito na sinusungitan niya ang kaibigan nito. "Kapag ako ang kasama mo, wala kang malungkot na magdamag sa piling ko." Nanlaki ang mga mata ni Anne. "Kuto ka ba?" tanong niya sa lalake. Natawa naman si Craig. Kinilig pa ng kaunti. May baon din na pick up lines para sa kaniya ang babae. "Hindi, pero bakit?" natatawa niyang tanong. "Kasi ang sarap mong tirisin." Tirisin talaga? "Harsh mo, babe. Pero aso ka ba?" "Tao ako," pairap namang sagot ni Anne. "Alam mong pick up lines iyon, e," hirit naman ni Craig. "Aso ka ba?" ulit na tanong ni Craig. "Bakit?" nayayamot niyang tanong. "Kasi sinaktan mo ang puso ko." Kumunot ang kaniyang noo. Walang kuwentang pick up lines. "Huh? Nasaan ang aso doon?" "Awww Aww Aww.." tahol ni Craig habang hawak ang kaniyang dibdib. Hindi siya dapat tatawa, e. Pero natawa siya. Nagtatawanan silang dalawa nang mapansin niya na nakatayo pala sina Ethan sa may pintuan. Mukhang kanina pa ang mga ito doon. Tumatawa ang mga ito. Tiyak niyang narinig ng mga ito ang usapan nila ng mokong na kaibigan din nila. Na-conscious tuloy siya. Baka mamaya iniisip ng lalake na may gusto siya sa sa kaibigan niya. Eh, wala naman. Siya kaya ang gusto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD