Chapter 5

1690 Words
“I hate you, Sandro!” patuloy sa pagluhang bulong ko sa hangin. Hanggang ngayo’y gising na gising pa rin ang diwa ko dahil sa pag-iisip sa nangyari kanina. ‘Di ko alam kung bakit apektado ako masyado sa mga pinaggagagawa ni Sandro gayong kaaway ko siya. Kakaibang damdamin ang aking nadarama sa tuwing maiisip ko ang gwapo niyang mukha. “Angeline...” Muli akong umiyak upang kumuha ng lakas mula sa alaala ng aking kapatid. Kailanman ay ‘di ko hinangad ang magulong buhay dahil tanging pagmamahal lamang ang hinangad ko kasama ng aking mga kapatid. Tinuyo ko ang mga luhang patuloy na namamalibis mula sa’king mga mata. Ipinunas ko ang kubre kamang kanina pa nalukot sa sobrang pagpisil ko dulot ng kalungkutan. Dinampot ko ang masayang larawan naming magkakapatid sa ibabaw ng side table upang titigan iyon. Mga bata pa kami roon at ang saya-saya naming nagpakuha ng larawan dahil wala kaming iniintinding problema. Napangiti ako nang maalala ang masayang paglalaro namin mula sa nakaraan kung saan wala kaming alam gawin kundi tanging maglaro lamang. Kung pwede nga lang sanang hilingin sa Diyos na manatili na lamang kami sa pagkabata, ginawa ko na! Napaigtad ako sa pagkakahiga ng mula sa’king pagmumuni ay malakas na nag-ingay ang ringtone ng telepono. Dinampot ko iyon at tiningnan kung sino ang taong gumagambala sa’king pag-iisip. Gayon na lamang ang pagsinghap ko nang makitang si Sandro ang nasa kabilang linya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hahayaan na lamang mag-ingay ang telepono. Ilan segundong hinayaan ko ang pag-iingay ng telepono hanggang sa tuluyan iyong manahimik. Maya-maya’y nakatanggap ako ng text message mula sa kaniya. Hi! Sorry to bother you. I just want to say goodnight and sweet dreams! =) Kung hindi ko lamang siya itinuturing na kaaway at isa siya sa mga manliligaw ko, malamang kinikilig na ako ngayon o baka nga boyfriend ko na siya. Wala akong makapang kilig sa puso ko dahil napupuno iyon ng galit para sa kaniya. Galit na kailangan kong pakawalan anumang sandali upang makabawi sa ginawa niyang atraso sa’king kapatid. Marahas na napabuntonghininga ako saka binitiwan ang telepono sa ibabaw ng side table. Muli akong bumalik sa paghiga at saka ipinikit ang aking mga mata upang pilit makatulog. Kinakailangan ko nang panibagong lakas upang harapin si Sandro sa panibagong araw ng aming pagkikita’t pagsasama. Saka ko na lamang iisipin ang panibagong hakbang na gagawin oras na handa na ang lahat sa takdang panahon. ******** Kanina pa nasa loob ng conference room si Sandro kasama ang mga board members ng kumpanya. Late akong dumating sa opisina dahil dinaanan ko pa ang problema sa restaurant na hindi maharap-harap ni Alex dahil sa dami na rin ng kaniyang ginagawa. “Maraming salamat, Rose.” Pasasalamat ko sa dalaga na siyang gumanap ng aking trabaho. Nagpadala naman ako kaninang umaga ng mensahe kay Sandro na late na ako makakapasok dahil masama kuno ang aking pakiramdam. “Walang anuman, Ms. Angela. Mabuti nga po at late kayo,” nakangiting tugon ni Rose. Gusto ko sanang mainis sa sagot niyang iyon dahil sa kakaiba ang ngiting nakikita kong sumisilay sa kaniyang labi. Hindi ko naman matukoy at mabigyan ng anumang kahulugan ang sagot niyang iyon dahil parang masaya lang talaga siya sa nangyari. Nang pagmasdan kong maigi si Rose ay nakikita ko sa kaniyang anyo ang kinikilig na awra. “Ba’t parang kinikilig ka yata?” naiiling kong tanong sa dalaga. May pakiramdam akong kinikilig siya dahil sa pansamantalang naging sekretarya siya ni Sandro. Marahil may gusto siya sa binata. “Ms. Angela ang gaganda po talaga ng lahi nila, Boss Sandro,” kinikilig na wika ni Rose. Pinapungay pa niya ang kaniyang mga mata saka tila nangangarap ng gising na tumingin sa kawalan. “I’m sorry?” salubong ang mga kilay kong tanong sa kaniya. “Dumating po ang mga kapatid ni Boss Sandro kanina at kasama po sila riyan sa loob ng conference room. Ang gwapo ni Sir Seb lalo na po si Sir Sanjo!!!” natitilihang wika ni Rose. Napakamot ako sa noo hindi dahil sa kaalamang nariyan ang pamilya ni Sandro, kundi dahil sa itsura ng kausap ko. Daig pa niya ang kinurot sa singit kung makatili habang nagsasalaysay. Matapos kong kuhanin mula sa kaniya ang mga gawain ko, itinaboy ko na si Rose pabalik sa kaniyang trabaho. Ako na lamang ang magpapatuloy sa trabahong ako naman talaga ang dapat na gumagawa. Tumunog ang intercom hudyat na nagtatawag si Sandro mula sa loob ng conference room. Pinindot ko iyon para sagutin. “Yes, Boss?” malambing kong tanong upang ‘di mahalata nitong wala talaga akong sakit. “Are you okay now? Hindi ka na sana pumasok pa, Angela.” May pag-aalala akong nahimigan mula sa kaniyang tinig at parang may malamig na kamay ang humaplos sa’king puso. “Y-yes, I'm okay!” kandautal kong tugon. “Good! Can you come here?” malambing niyang sabi. “Okay, Boss!” Nag-ayos muna ako ng sarili sa harap ng salamin saka nagpulbos at naglagay ng kaunting lipstick sa’king labi bago tuluyang tumayo upang magtungo sa loob ng conference room. Napanganga ako nang pagpasok ko roon ay tumambad sa’kin ang mga taong halos kahawig ni Sandro. Para silang isang pamilya na nag-reunion lamang dito sa loob ng conference room. “Come here, Angela!” malambing na tawag sa’kin ni Sandro. Tahimik na humakbang ako palapit sa kaniyang kinauupuan habang pailalim na tumingin sa mga taong naroon. Puno ng paghanga ang mga tingin nila sa’kin na ‘di ko kakikitaan ng anumang malisya. “Gosh! Kamukhang-kamukha ni Sandro ang babae sa kaliwang bahagi niya,” natitilihang usal ko sa isipan. Sinalubong ako ni Sandro ng may dalawang hakbang na lamang ang layo ko mula sa kaniya. “Ang ganda niya!” puri sa’kin ng pinakabata sa kanilang lahat tingnan. “Para siyang si Ate Nena sa taglay niyang kagandahan,” segunda naman ng isang babae na katabi ng kamukha ni Sandro. Sabay-sabay kaming napatingin sa istriktong lalaki na tumikhim at ngayo’y matamang nakatingin sa aming dalawa ni Sandro. “Huwag mong takutin, Kuya!” natatawang sabi ni Sandro. Muntik nang malalaglag ang suot kong panty nang ngumiti ang istriktong lalaki. “Gosh, ang gwapo niya!” “Guys, let me introduce to you my future wife, Angela Montez!” Biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko nang marinig ang pagpapakilala sa’kin ni Sandro sa mga taong naroon. Susmaryosep! Ano raw?! Asawa? Saan naman niya kaya napulot ang ideyang magiging asawa niya ako? Baliw na talaga siya! “Kung makapagdeklara kang future wife akala mo naman talaga niligawan mo na siya,” naiiling na wika ng istriktong lalaki na siyang dahilan ng muntik na sanang pagkalaglag ng suot kong panty. “My God, Sandro!” Nabaling ang tingin ako sa gawi ng babaeng kahawig niya na tumayo pa mula sa pagkakaupo saka lumapit sa kinaroroonan naming dalawa ni Sandro. “Bakit ba nakakontra na naman kayo?” nakaingos na tanong ni Sandro. “Hindi kami kumokontra, but look at her…” Masuyong hinawakan ako sa braso ng babaeng kahawig ni Sandro. “Hi! My name is Sandra, twin sister ako ni Sandro.” Pagpapakilala ng babae sa kaniyang sarili. “H-hi!” kandautal kong tugon. Hindi ko alam kung ba’t parang nalulon ko na yata ang dila ko sa pagsagot sa babaeng nagpakilalang kakambal ni Sandro. Hindi naman iyon imposibleng mangyari dahil magkahawig silang dalawa. “Pagpasensiyahan mo na sana ang kakambal ko, minsan talaga may saltik iyan sa ulo,” natatawang ani ni Sandra. “Sandra!” saway ni Sandro sa kaniyang kakambal. “Siya si Kuya Seb, ang panganay sa aming magkakapatid. Kami ni Sandro ang sumunod sa kaniya.” Marahang hinila ako ni Sandra palapit sa istriktong lalaki. “Welcome to our family, Angela!” nakangiting sabi ni Seb. Kiming ngumiti lamang ako dahil bigla akong nailang at nahiya sa lalaki. “May asawa na iyan si Kuya Seb, si Ate Nena,” bulong pa sa’kin ni Sandra. Bigla akong napangiwi nang marinig ang sinabing iyon ni Sandra. Asawa pala niya ang babaeng ikinukumpara sa’kin kanina ng pinakabatang lalaki. “Sila naman ang mga kapatid namin na sina Sonny, Sanji, Sanjo, Cristel, Carmi at Carmela. Marami pa kami kaya sa susunod ko na lamang sila ipapakilala sa’yo.” Isa-isang itinuro ni Sandra ang mga taong ipinakilala niya sa’kin. Akala ko’y mataray si Sandra kaya medyo nailang pa akong lumapit sa kaniya, pero napalitan ng kakaibang saya ang aking nadarama habang kinakausap niya na ako. “Pasensiya ka na kung medyo magulo ang mga kapatid ko,” hinging paumanhin sa’kin ni Sandra. “Huwag kang humingi ng dispensa. Ayos lang naman, nakakatuwa nga kayong pagmasdan,” tugon ko sa dalaga. “Ganiyan talaga kami kapag magkakasama, magulo at makukulit. Pero kahit ganiyan kami minsan, hindi kami basta-basta nag-aaway,” kwento pa ni Sandra. “Mabuti naman kung gano’n. Nakakatuwa nga kayong pagmasdan sa totoo lang,” bukal sa kalooban ko ang mga salitang binitiwan. “Ganiyan kasi kami pinalaki ng mga magulang namin. Ayaw nilang nagtatalo-talo kami at higit lalong ayaw nila na may naaagrabyado kaming mga tao.” Unti-unting nawala ang ngiti sa’king labi nang marinig ang mga salitang iyon ni Sandra. “Babaero si Sandro pero sigurado akong wala siyang inagrabyadong babae. Kung meron man, tiyak na kahit labag sa kaniyang kalooban, kinakailangan niya iyong paninindigan.” Bigla kong naisip ang pinakamamahal na bunsong kapatid at kung paano siya inagrabyado ni Sandro. “Ikaw na sana ang bahalang umunawa sa kakambal ko. Mahirap man sigurong paniwalaan pero ikaw lang ang babaeng ipinakilala niya sa‘min. Kaya alam kong seryoso siya sa‘yo,” madamdaming pahayag ni Sandra. “Masyado namang seryoso iyang pinag-uusapan ninyong dalawa. Huwag mong takutin si Angela, uy!” sabad ni Sandro sa pag-uusap naming dalawa ng kaniyang kakambal. “Hindi ko siya tinatakot. Sinasabi ko lang kay Angela na pag-isipang maigi kung dapat ba siyang maniwala sa’yo, dahil magaling kang mambola.” “Sandra!” asik ni Sandro sa kaniyang kakambal na tumawa lamang ng malakas. Namalayan ko na lamang ang sarili kong nakikingiti sa kanilang magkapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD