PAG-TATALO

1322 Words
CHAPTER 3 THIRD PERSON POV Pagkatapos ng gig sa Luna Vibe, tahimik ang biyahe pauwi ni Raffaele Ignazio “Ferox” Lombardi. Ang Ferrari na matagal niyang minahal ay dumapa sa driveway ng kanyang mansion, ngunit hindi na niya pinansin ang kilabot ng makina, ang lamig ng leather seat, o ang night lights ng siyudad. Ang isip niya ay puno pa rin ng Himig ng Gabi, ng crowd, at… ng isang babae na hindi niya kilala pero ramdam niyang para sa kanya ang kanta. Ngunit paglabas niya sa kotse at pagbukas ng main door, parang bumagsak ang lahat ng ilaw sa mundo. “FEROX!” galit na galit ang tinig ng ama niya, si Don Leonardo Lombardi, na nakatayo sa gilid ng grand hallway, kamay nakataas, parang gustong hampasin. Kasunod ang matikas ngunit malamig na figura ng ina niya, si Doña Isabella Lombardi, nakatiklop ang kamay, bibig na nakalinya at mga mata na puno ng galit at disappointment. Sa isang iglap, nakita ni Ferox ang lumilipad na kamao ng ama niya, papunta sa kanya. Tumalikod siya, huminga ng malalim, at umupo sa sofa ng living room, ramdam ang bigat ng gabi sa balikat. “Hindi ko mawari,” simula ni Don Leonardo, halatang galit na galit, “bakit puro music at kanta lang ang alam mong gawin? Ipinanganak ka para patakbuhin ang kumpanya, Ferox! Not to… play piano and sing!” Tahimik lang si Ferox, ang lamig ng kanyang mga mata ang tanging sagot. Hindi siya umatras, hindi rin siya sumagot sa init ng galit nila. Ngunit sa loob, parang may tinig na humahagulgol sa bawat dibdib niya ang boses ng pagkadismaya, ang lungkot ng pinipilit na maging iba. “Mom, Dad…” simula niya, mabagal at malamig, “I don’t love her. I don’t love Alessandra Valez. Bakit ba ninyo pinipilit na pakasalan ko siya?” Si Doña Isabella ay lumapit, halatang humihingal sa galit. “Ferox! She is your future! Ang babaeng iyan ay perfect partner mo! Para sa company, para sa pangalan natin, para sa lahat!” “Para sa company nyo? Para lang yumaman kayo?” boses ni Ferox ay mababa, pero matalas. “At isa pa, ayoko! Ayoko patakbuhin ang kumpanya ninyo. Hindi ako robot! Hindi ako ginawa para lang sumunod sa plano nyo!” Tumigil ang hangin sa kwarto, ramdam ang tensyon sa bawat sulok. Si Don Leonardo ay pulang pula sa galit. “You are Ungrateful!” sigaw niya sa English, tumayo, at lumapit sa sofa, nanginginig sa galit. “Everything we built, everything we sacrificed for you, you throw it all away for… what? Music? Singing? Playing for… girls in a bar?” “Yeah… music!” malamig na sagot ni Ferox, halos nagbabalisa ang tinig pero matatag. “I love music! I don’t need your money. I don’t need Alessandra. And I don’t need your approval! I am done being your puppet!” Si Doña Isabella ay tumakbo sa tabi ng sofa, mukha niya punô ng galit at luha. “Ferox, you are acting like a child! A spoiled child who thinks the world owes him everything!” “Mom… stop.” Malamig ngunit mabigat ang boses ni Ferox. “I’m not a child. I’m thirty years old. I know exactly what I want. And I don’t want Alessandra.” “Don’t you dare talk to me like that!” sigaw ni Don Leonardo, ramdam ang bawat salita na parang suntok sa dibdib ni Ferox. “She is the girl we chose for you. She is the one to be your partner in life! Not this… nonsense!” “Nonsense?” tanong ni Ferox, halata ang galit at sakit sa boses. “You mean the only thing that makes me feel alive? That only thing that makes me… human?” Si Doña Isabella ay napabuntong-hininga, ang mga kamay niya’y nanginginig. “You are wasting your life! Music will never feed you. Music will never give you power, status, respect. Alessandra… Alessandra will give you all that. AND you will marry her whether you like it or not!” “Hindi!” sigaw ni Ferox, tumayo sa sofa, mga mata nagliliyab, puso na parang babagsak sa dibdib. “I will not! I don’t care about the company! I don’t care about Alessandra! I don’t care about your wealth! I care about… me! I care about music! I care about my freedom! I care about feelings!” “Feelings?!” tawa ni Don Leonardo, punô ng pang-aalipusta. “Feeling won’t put food on your table, Ferox. Feeling won’t put clothes on your back. Feeling won’t build an empire. Feeling… will get you nothing!” “I’d rather have nothing than live your fake life!” sagot ni Ferox, halatang may luha na tumatawid sa gilid ng kanyang mata. “I’d rather feel pain than be dead inside! I’d rather sing in a small bar for strangers than marry someone I don’t love! Is that clear?” Tahimik na tumitig ang mga magulang niya. Ang lamig ng kanilang mga mata ay parang yelo. Si Doña Isabella ay naglakad palayo, nanginginig ang mga kamay. Si Don Leonardo ay huminga nang malalim, subalit ramdam ni Ferox ang bigat ng galit na nanatili. “Then don’t come crying to us when you realize your life is ruined,” boses ni Don Leonardo, malamig at puno ng pananakot. “Because my life… is mine. Not yours,” malamig na sagot ni Ferox, halos bumagsak sa emosyon, ngunit tinatanggal ang bawat luha sa mukha niya. Tahimik. Dalawang minuto na parang nagtagal ng isang siglo. “Alessandra…” bulong ni Ferox, halatang nasasaktan sa ideya ng babaeng pinipilit ng pamilya. “She doesn’t deserve this… being used as a pawn for your selfish greed.” Si Doña Isabella ay napalingon, halatang nagulat sa lamig at tapang ng boses ni Ferox. “You… you are heartless!” “Heartless?” sabat ni Ferox, dahan-dahang lumapit sa bintana, tumingin sa night sky, ang ilaw ng mansion ay parang bituin. “No… I am human. At least I feel. At least I fight. You… you only want control. You… you only take. You never give.” Napahinto ang mga magulang niya, ramdam ang bigat ng salita. Ngunit hindi bumitiw si Ferox. Ang bawat salita niya ay parang espada, matalim, at puno ng damdaming hindi nila mauunawaan. Si Doña Isabella ay tumayo, halos umiyak na pero pilit pinipigilan. “I can’t believe… my son… you have no respect, no gratitude…” “Respect and gratitude?” halos bumulwak ang tinig ni Ferox sa galit at sakit. “I have respect for my own heart. I have gratitude for life. And I have love… love for music. Something that you never understand. Something you will never understand.” Doon, para sa unang pagkakataon, ang lamig sa kanyang puso ay napalitan ng init ng luha. Ngunit hindi siya umiyak. Hindi pa. Pinipilit niyang manatiling matatag kahit ramdam niya ang panghihina ng katawan at kaluluwa. Sa tabi niya, ang imahen ni Alessandra, nakangiti, elegant, flawless, at hindi niya kilala, ay parang lumutang sa isip niya. Hindi niya gusto na maging bahagi ng ganitong plano. Hindi niya gusto maging dahilan ng sakit para sa kanya. “Dad… Mom… this is it. I won’t bend. I won’t bow. I will never marry Alessandra Valez. And I will never live a life that is not mine.” Si Don Leonardo ay tumingin sa kanya, halatang galit ngunit may kaunting respeto sa tapang ng anak. Si Doña Isabella ay bumalik sa sofa, hindi makapaniwala. Si Ferox ay umupo sa sofa, nakatingin sa bintana, huminga nang malalim, at sa kabila ng lamig, galit, at pang-aalipusta… naramdaman niya ang kakaibang lakas sa loob. Ang lakas ng tao na pinipilit ipaglaban ang sarili, kahit gaano man kalupit ang mundo sa paligid niya. At doon, sa gitna ng mansion, sa ilalim ng malamig na ilaw, si Ferox ay nanatiling malamig, matatag, at hindi sumuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD