HIMIG NG GABI

1214 Words
CHAPTER 2 FEROX POV Dalawang araw mula nang mabuo namin ang Himig ng Gabi… at ngayon, heto na kami. Nasa likod kami ng maliit pero sosyal na resto bar sa gitna ng siyudad Luna Vibe Lounge ang pangalan. Isang lugar na kilala sa live acoustic nights at… sa dami ng babaeng pumupunta hindi para sa pagkain, kundi para sa mga lalaking nasa stage. Nakaupo ako sa sofa sa backstage, hawak ang mikropono ko, pinapaikot sa daliri na parang rosaryo. “Bro,” sabi ni Fritz habang inaayos ang bass niya sa harap ng salamin, “ready ka na bang sirain ang mga relasyon ng bayan?” “Arte,” sagot ko, pero hindi ko mapigilang ngumiti. “Gig lang ‘to.” “Gig lang?” tumawa si Knox habang iniikot ang drumstick niya. “This is first live performance ng Himig ng Gabi. Historical moment.” Tahimik lang si Khale sa gilid, nakasandal sa pader, hawak ang gitara. Naka-black shirt siya na fitted, buhok niyang bahagyang basa dahil kakahugas lang ng mukha. Mukha siyang karakter sa indie film na sure na iiyak ang audience kapag nag-solo. Lumapit siya sa akin. “Nerbyoso ka?” “Konti,” sagot ko. “Okay… marami kasing tao.” Ngumiti siya ng bahagya. “Good. Ibig sabihin, may pakialam ka.” Huminga ako nang malalim. Sa labas, rinig na rinig ko ang ingay ng crowd tawanan, sigawan, clinking ng baso, at mga boses na may halong alak at excitement. “Midnight Reverie!” sigaw ng isang staff mula sa pinto. “Five minutes!” Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Tumayo si Fritz at itinaas ang kamao. “Okay boys. Rich boys with feelings. Let’s go break some hearts.” “Cringe,” sabi ni Knox. “Accurate,” sagot ni Khale. Naglakad kami palabas ng backstage papunta sa stage. Pagbukas ng kurtina, sinalubong kami ng ilaw warm yellow lights, parang buwan sa loob ng bar. Punong-puno ang lugar. Halos wala nang maupuan. At karamihan babae. Maraming babae at halos lahat, nakatingin na sa amin. Pag-upo ko sa piano sa gitna ng stage, ramdam ko agad ang bigat ng mga tingin. Parang may invisible spotlight na nakatutok sa mukha ko. “Good evening,” sabi ko sa mic. Tahimik bigla ang crowd. “We are Midnight Reverie.” “Aaaahhhh!” sabay-sabay na sigaw ng mga babae napapikit ako saglit. Diyos ko. “Grabe,” bulong ni Fritz sa mic niya. “Parang may free buffet.” “Focus,” sabi ni Knox. Tumugtog kami ng dalawang kanta muna mga lumang paborito ng crowd. Ramdam ko na agad ang energy nila. Palakpak. Sigaw. May mga nagvi-video. May mga kumakanta kasama namin pero alam ko… hinihintay nila ang bago. Tumigil ako sa pagtugtog at tumingin sa kanila. “We have a new song,” sabi ko. “We wrote it… two nights ago.” “NEW SONG?!” sigaw ng isang babae sa harap. “Yes,” sagot ko. “It’s called… Himig ng Gabi.” May collective gasp. Parang eksena sa drama. Tumango ako kina Khale, Fritz, at Knox. Unang tumunog ang piano malambot, mabagal. Sumabay ang bass ni Fritz. Tapos ang soft beat ni Knox. At ang guitar ni Khale… parang umiiyak na bituin lumapit ako sa mic. “In the dark where my heartbeat hides, I found your light, my only guide…” Tahimik ang bar. Literal na tahimik. Kahit ang mga waiter, tumigil sa paglalakad. “Sa dilim ng gabi, pangalan mo ang dasal, Every breath I take, ikaw ang dahilan…” May nakita akong babaeng napahawak sa dibdib niya. May isa pang napa-cover ng bibig. Naramdaman ko ang init sa lalamunan ko habang kumakanta. Hindi ko alam kung bakit… pero parang may isang taong hinahanap ng boses ko. “I don’t even know you, but I feel you near…” Pagdating sa chorus, mas lumakas ang tugtog. “Himig ng gabi, ikaw ang awit, Sa bawat t***k, ikaw ang sakit, I don’t need your face, I just need your name…” “Aaahhh!” sigawan ang crowd. “BRO!” sigaw ni Fritz habang tumutugtog. “PATAY TAYO DITO!” Hindi ako tumingin sa kanila. Diretso lang sa crowd ang tingin ko. “Sa mundo kong malamig at tahimik, Ikaw ang init na di ko hiningi…” Parang may nagbuhos ng emosyon sa buong bar. May mga umiiyak. May mga magkayakap. May dalawang babae na sumigaw: “FEROOOXXX! ANAKAN MO AKO!!!” Napaubo ako sa gitna ng kanta. KHALE! AKIN KA NALANG!! “HA?!” sigaw ni Khale, muntik mabitawan ang gitara. Tumawa ang buong crowd pagdating sa bridge, humina ulit ang tunog. “Kung sakaling marinig mo ‘to, Alam mong ikaw ang tinutukoy ko…” Sa puntong ‘yon… may nakita akong babae sa bandang gilid ng bar. Naka-puting dress. Mahaba ang buhok. Hindi siya sumisigaw. Hindi rin nagvi-video. Nakatingin lang siya sa akin… parang ako lang ang tao sa loob ng lugar. Hindi ko alam kung bakit… pero doon napunta ang boses ko. “Sa kanta, sa gabi, sa bawat hinga.” tumama ang mata namin sa isa’t isa parang may humila sa dibdib ko. “I’ve been alone with my own sound, Until your silence pulled me down…” Hindi ko na namalayang mas emosyonal na ang pagkanta ko. Pagdating sa last chorus, sabay-sabay kaming tumodo. “Himig ng gabi, ikaw ang awit, Sa bawat t***k, ikaw ang sakit, Even in shadows, I choose your light…” Sigawan. Palakpakan. May mga tumayo. May sumipol. May nagtaas ng placard na hindi ko alam kung saan galing. “KNOX, PAKASAL NA TAYO.” Bumagsak ang huling nota tahimik ng dalawang segundo tapos. “AAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!” Parang gumuho ang bar sa sigawan tumayo si Fritz at sumigaw, “THANK YOU, LUNA VIBE!” “Encore! Encore!” sigaw ng crowd. Napatingin ako kina Khale at Knox. Pareho silang nakangiti. Lumapit si Khale sa mic. “Relax, breathe. One more song.” Nagpatugtog kami ulit ng mas masaya, pero ramdam ko… iba na ang pakiramdam ko. Habang kumakanta ako, hindi ko maiwasang hanapin sa crowd ang babaeng naka-puting dress. Nandoon pa rin siya nakatingin pa rin. Parang may sinasabi ang mga mata niya… pero hindi ko maintindihan. Pagkatapos ng set, bumalik kami sa backstage, pawis, hingalin, at… high sa adrenaline. “BROOO!” sigaw ni Fritz sabay yakap sa akin. “NAGING BABY MAKER KA SA STAGE!” “Kadiri ka,” sabi ni Knox pero tumatawa rin. Umupo ako sa sofa, humihinga nang malalim. “Guys…” sabi ko. “Narinig niyo ba ‘yung sigaw kanina?” “Yung anakan daw si Khale?” tanong ni Fritz. “Oo,” sagot ko. “Pero… may isang babae…” Tahimik silang tatlo. “May tinamaan ka?” tanong ni Khale hindi ako sumagot agad. “Hindi ko siya kilala,” sabi ko sa huli. “Pero… parang para sa kanya ‘yung kanta.” Ngumiti si Khale. “Told you. Even if you don’t see her… mahal mo na.” Sa labas, patuloy pa rin ang sigawan ng crowd. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon parang gusto kong malaman kung sino ang babaeng iyon. At kung bakit, sa gitna ng ingay ng mundo, siya lang ang narinig ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD