MIDNIGHT REVERIE

2119 Words
CHAPTER 1 THIRD PERSON POV Si Raffaele Ignazio “Ferox” Lombardi ay tatlumpung taong gulang isang sikat ngunit lihim na mang-aawit na mas pinipiling magtago sa anino kaysa sa spotlight. Sa mata ng mundo, isa siyang malamig at untouchable na bilyonaryo. Pero sa loob ng studio, isa lang siyang lalaking may hawak na mikropono, may pusong marunong masaktan, at may mga kaibigang mas malalakas pa mang-asar kaysa sa volume ng amplifier. Anim na talampakan at limang pulgada ang tangkad niya, matangkad, broad-shouldered, at may presensiyang kayang patahimikin ang buong silid sa isang tingin lang. Ang buhok niya’y bahagyang magulo, parang laging kakagising lang kahit ilang oras na silang nagre-record. Cold ang aura niya pero kapag ngumiti, parang may ilaw na biglang sisindi sa madilim na kuwarto. Kasama niya sa loob ng kanilang private studio ang banda niyang tinatawag na Midnight Reverie. Si Fritz “Aaron” Sager ang bassist anim na talampakan at dalawang pulgada, matikas ang pangangatawan, tahimik sa umpisa pero certified chick magnet. Check boy ang galawan, laging may pa-side glance sa salamin tuwing tumutugtog, parang sinasabing “Oo na, gwapo na ako.” Si Knox Ruin “Knox” Verex naman ang drummer silent type, observer, at halos palaging may hawak na drum stick kahit walang drum sa harap niya. Kahit nakaupo lang sa sofa, parang ready siyang mag-solo anumang oras. At si Khale Lorenzo “Khale” Valdez, ang guitarist half German, six-two rin ang height, tahimik, kalmado, at may natural na mysterious vibe. Siya ang tipo ng lalaking hindi nagsasalita ng marami, pero kapag tumingin, parang may tinatagong buong nobela sa mga mata. Sa gitna ng malawak at high-tech nilang studio na may LED lights sa kisame, glass walls, at mamahaling instruments na parang exhibit sa museum nakaupo si Ferox sa gitna, hawak ang lyric notebook niya. “Okay, boys,” malamig pero malambing ang boses niya, “we need a song for the next gig. Something… kilig. Something na magpapasigaw sa crowd.” Ngumisi si Fritz habang ina-adjust ang strap ng gitara. “Kilig? Ikaw ang magaling sa ganyan, Ferox. Ikaw ‘yung tipong kahit huminga lang sa mic, nagkaka-boyfriend issues na ‘yung audience.” Tumawa si Khale ng mahina. “True. Last time, may nag-propose sa gitna ng crowd dahil sa kanta mo.” Si Knox, na kanina pa nagta-tap ng drum stick sa tuhod niya, tumingin kay Ferox. “Love song?” Saglit na natahimik ang studio. Si Ferox ay napatingin sa salamin ng recording booth. Sa repleksyon niya, mukhang kalmado siya. Pero sa loob-loob niya, may kung anong kumirot. “Yeah,” sagot niya. “But not just love. Gusto ko… ‘yung tipong kahit hindi mo pa nakikita ‘yung tao, mahal mo na.” Napataas ang kilay ni Khale. “Wow. Deep. Sino na naman inspiration mo?” “Wala,” mabilis na sagot ni Ferox, sabay tayo mula sa swivel chair. “Imagination lang.” “Liar,” sabay-sabay na sabi nina Khale at Fritz. Ngumiti lang si Ferox at lumapit sa piano sa gilid ng studio. Umupo siya, pinindot ang unang key isang malambot, mabagal na tunog na parang simula ng isang kuwento. “Try this,” sabi niya, sabay tugtog ng simpleng melody. Sumabay si Khale sa bass, mabagal, steady. Si Knox ay tumayo at lumapit sa drum set, tinapik ang cymbals nang marahan. Si Fritz naman ay naglagay ng soft guitar riff na parang bulong ng gabi. Unti-unting napuno ng musika ang studio. “Okay,” sabi ni Khale, “this feels like… walking alone at midnight, tapos biglang may nakita kang ilaw sa bintana.” “Or someone,” dagdag ni Fritz. Napangiti si Ferox. “Exactly.” Lumapit siya sa mic stand at pumikit sandali bago kumanta. “In the dark where my heartbeat hides, I found your light, my only guide, Sa gitna ng gabi, ikaw ang himig ng buhay.” Biglang napatigil si Knox sa pagtugtog. “Bro,” seryoso niyang sabi, “kung hindi ma-in love ang audience diyan, ewan ko na.” Tumawa si Fritz. “Title? Ano title?” Nag-isip sandali si Ferox, saka marahang nagsalita: “Himig ng Gabi.” “Aww,” sabi ni Fritz, sabay hawak sa dibdib niya. “Kilig. Nakakasuka. I love it.” “Arte mo,” sagot ni Khale. “Pero oo, ang ganda.” Nagpatuloy sila sa pagbuo ng kanta. May mga pagkakataong biglang titigil si Khale para sawayin si Fritz. “Wait, wait. What if sa chorus, bigla akong gagawa ng dramatic pose?” Tumayo siya sa gitna ng studio at nagkunwaring model pose habang hawak ang gitara. “Get out,” sabi ni Knox ang burido sa grupo. Tumawa si Ferox. “Focus, Fritz.” “Focus naman ako,” sagot nito. “Focused sa pagiging pogi.” Habang nagtatawanan sila, hindi napansin ni Ferox na unti-unting gumagaan ang dibdib niya. Sa tuwing tumutugtog sila nang sabay-sabay, parang nawawala ang bigat ng mundo. Dito lang siya hindi kailangang maging bilyonaryo, hindi kailangang maging malamig na Ferox Lombardi. Dito, isa lang siyang lalaki na may banda… at may pangarap na iparinig ang puso niya sa mundo. Nag-break sila sandali. Umupo silang apat sa sofa, may hawak na bottled water at energy drink. “Imagine,” sabi ni Khale, “sa next gig, lights off, tapos ikaw lang sa gitna, Ferox. Then biglang tutunog ‘to.” “Tapos sisigaw ‘yung crowd,” dagdag ni Fritz, “‘FEROOOOX!’” Napailing si Ferox, may ngiting pilit itinatago. “You guys are crazy.” “But rich and crazy,” sabat ni Knox. “Perfect combo.” Tahimik sandali ang studio. Tanging hum ng aircon at faint echo ng music ang maririnig. Tumingin si Ferox sa tatlo “Thanks,” bigla niyang sabi. “Para saan?” tanong ni Khale. “Sa pagiging… ganito. Midnight Reverie.” Sandali siyang huminga nang malalim. “Kayo ang dahilan kung bakit hindi ako tuluyang nagyeyelo.” Hindi na nagbiro si Fritz. Si Knox ay ngumiti. Si Khale ay tumango lang, pero mas mariin kaysa dati. “Corny,” sabi ni Fritz pagkatapos ng ilang segundo. “Pero okay, bro. Love you too.” “Ew,” sabay-sabay na sagot nina Khale at Knox tumawa si Ferox isang tawang bihira marinig ng mundo. At sa gitna ng mamahaling studio, sa gitna ng gabi, sa ilalim ng ilaw na parang mga bituin… nabuo ang isang kanta. Isang awit na hindi pa alam ng mundo, pero handa nang magpa-kilig sa libo-libong puso. Midnight Reverie isang banda ng mayayamang lalaking may pusong marunong magmahal… at isang boses na kayang gawing musika ang kahit anong sakit. Pagkatapos ng maikling break, bumalik sila sa kani-kanilang pwesto na parang walang nangyaring pahinga. Si Khale ay agad kinuha ang gitara niya, si Knox ay umupo sa drum set na parang hari sa trono, si Fritz ay inayos ang bass strap sa balikat, at si Ferox ay bumalik sa piano, hawak pa rin ang lyric notebook na parang sagradong aklat. “Okay,” sabi ni Ferox habang iniikot ang swivel chair paharap sa kanila, “from the top. Gusto ko mas… romantic. Yung tipong kapag narinig ng tao, maiisip nila ‘yung taong gusto nilang yakapin sa dilim.” “Or ‘yung taong gusto nilang i-stalk sa i********:,” dagdag ni Fritz. “Fritz,” babala ni Knox. “Joke lang, bro. Inspiration din ‘yun.” Tumugtog si Ferox ng bagong progression. Mas mabagal, mas malambot. Parang alon na dahan-dahang humahaplos sa dalampasigan. Sumabay si Fritz sa bass, habang si Knox ay nagdagdag ng soft beat na parang t***k ng puso lumapit si Ferox sa mic stand at bahagyang pumikit. “Sa dilim ng gabi, pangalan mo ang dasal, Every breath I take, ikaw ang dahilan, I don’t even know you, but I feel you near.” Napatigil si Fritz sa pagtugtog. “Wait, wait, wait. Bro… that’s illegal. Bawal ganyan ka-kilig.” “Continue,” sabi ni Khale na seryoso, parang nanonood ng pelikula. Huminga nang malalim si Ferox at naglakad pabalik sa piano. “Verse one pa lang ‘yan,” sabi niya. “We need pre-chorus.” Naglakad si Fritz palapit sa kanya, sabay upo sa gilid ng piano bench. “Try this line.” “Parang multo ka sa panaginip ko, Hindi ko makita, pero ramdam ko, Sa bawat nota, ikaw ang tono.” Napanganga si Knox. “Okay. Bakit parang mas may lovelife ka pa sa amin?” “Wala akong lovelife,” sagot ni Fritz. “Imagination lang. Mayaman naman ako, pwede na ‘yon.” Tumawa si Khale habang inaayos ang Guitar strap. “Rich and delusional. Nice combo.” Pinagsama ni Ferox ang melody at lyrics. Tumugtog ulit sila, mas buo, mas malinaw. Unti-unting nabubuo ang kanta na parang puzzle na kusang nagkakabit-kabit. “Sa dilim ng gabi, pangalan mo ang dasal, Every breath I take, ikaw ang dahilan, Parang multo ka sa panaginip ko.” Natigilan si Ferox at napangiti. “Chorus na.” Lumapit siya sa mic, this time diretso ang likod, parang nasa stage na. “Himig ng gabi, ikaw ang awit, Sa bawat t***k, ikaw ang sakit, I don’t need your face, I just need your name.” “BRO,” sigaw ni Fritz. “Kung may jowa lang ako, break na kami ngayon kasi mas mahal ko ‘tong kanta.” “Drama king,” sabi ni Knox, pero tumatawa rin. Nagpatuloy sila. Si Fritz ay nagdagdag ng mas emotional bass line. Si Knox ay nagpalit ng beat, mas buo, mas cinematic. Si Khale ay nag-slide sa strings ng gitara, parang iyak na ginawang tunog. “Sa mundo kong malamig at tahimik, Ikaw ang init na di ko hiningi, Yet you found me in the dark.” Napahinto si Ferox at napatingin sa kanila. “Guys… this is actually good.” “Actually?” tanong ni Fritz. “Excuse me, sir billionaire. This is masterpiece.” “Mayaman ka rin,” sagot ni Khale. “Mas mayaman siya,” sabat ni Knox. “Mayaman sa feelings.” Nagtaasan ng kilay ang lahat bago sabay-sabay tumawa. Naglakad si Ferox pabalik sa gitna ng studio. Tiningnan niya ang LED lights sa kisame na parang mga bituin. “Bridge,” sabi niya. “We need a bridge. Yung tipong… confession.” Saglit na natahimik ang lahat. Si Fritz ang unang nagsalita. “What if… parang letter?” Tumango si Ferox. “Sige.” “Kung sakaling marinig mo ‘to, Alam mong ikaw ang tinutukoy ko, Sa kanta, sa gabi, sa bawat hinga.” Napahawak si Fritz sa dibdib niya. “Aray. Nasaktan ako kahit walang ex.” “Ewan ko sa inyo,” sabi ni Knox, “pero parang gusto kong umamin sa imaginary girlfriend ko.” Nagpatuloy ang tugtugan. Mas lalong lumalim ang tunog, mas lalong nagiging emosyonal. “I’ve been alone with my own sound, Until your silence pulled me down, Now every note is you.” Tahimik ang studio pagkatapos ng huling nota. Parang ayaw nilang magsalita agad. Si Ferox ang unang huminga nang malalim. “Last chorus. Full power.” Sabay-sabay silang tumugtog, parang iisang katawan. “Himig ng gabi, ikaw ang awit, Sa bawat t***k, ikaw ang sakit, Even in shadows, I choose your light.” Tumayo si Fritz at nagkunwaring nasa concert. “THANK YOU, MANILA!” “Umupo ka,” sabi ni Knox. “Ayoko. Rock star ako.” Tumawa si Ferox habang isinusulat ang final lines sa notebook. “Sa dilim ng gabi, doon kita mahal, Hindi sa liwanag, kundi sa dasal, Himig ng gabi, ikaw ang wakas ibinaba ni Ferox ang ballpen.” “Complete,” sabi niya tahimik silang apat ng ilang segundo, tapos biglang… “GROUP HUG!” sigaw ni Fritz sabay yakap sa kanilang tatlo. “Get off,” reklamo ni Khale. “Pawis ka,” sabi ni Knox pero hindi rin sila umiwas. Sa gitna ng mamahaling studio, sa gitna ng instruments na kayang bumili ng isang maliit na baryo, apat na lalaking may pera, talento, at puso ang nakatayo nagkatabi, nagkatawan, nagkatawa si Ferox ay tumingin sa kanila, may ngiting bihira niyang ipakita sa mundo. “Midnight Reverie,” sabi niya, “this song… it’s ours.” “Rich boys with feelings,” sagot ni Khale. “Dangerous combo,” dagdag ni Fritz tumango si Knox. “And lethal to hearts.” At sa gabing iyon, hindi muna sila bilyonaryo hindi muna sila misteryosong banda, hindi muna sila mga lalaking tinatakasan ng spotlight. Sila ay apat na kaibigan na gumawa ng isang awit para sa isang taong hindi pa nila kilala pero siguradong hihiyaw sa kilig kapag narinig ang Himig ng Gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD