GOLDEN CAGE

1150 Words
CHAPTER 4 FEROX POV Tumayo ako mula sa sofa na parang wala nang bigat ang katawan ko pero sa loob-loob ko, parang may humihila pababa sa dibdib ko. Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Bawat hakbang ay mabigat, parang bawat baitang may kasamang tanong na ayokong sagutin. “Ferox!” Napahinto ako sa huling baitang. “Wala kang magagawa sa gusto namin ng mommy mo!” sigaw ni Daddy mula sa ibaba. Malamig. Walang bahid ng awa. Parang desisyon na hindi na pwedeng baligtarin. Napapikit ako wala akong sinagot huminga lang ako nang malalim at nagpatuloy sa paglakad papasok sa kwarto ko. Pagpasok ko, sinalubong ako ng katahimikan. Ang laki ng kwarto ko malaking kama, malaking bintana, malaking closet pero pakiramdam ko, masikip. Parang wala akong hangin. “Great,” bulong ko sa sarili ko. “You live in a mansion but you feel like a prisoner.” Nagpalit lang ako ng jacket, kinuha ang susi ng Ferrari, at lumabas ulit ng bahay na parang multo. Walang paalam. Walang lingon. Ayoko nang marinig ang boses nila. Ayoko nang maramdaman na wala akong karapatan sa sarili kong buhay. Pag-ikot ng susi sa ignition, umungol ang makina, Good, at least ikaw, nakikinig sa’kin. Diretso akong nagmaneho papunta sa studio namin. Hindi ko alam kung anong oras na, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko roon. Ang alam ko lang doon lang ako humihinga. Pagdating ko, patay ang ilaw. Tahimik. Walang tao. “Perfect,” sabi ko. “Just me and the ghosts in my head.” Binuksan ko ang ilaw. Kumislap ang LED sa kisame. Nakita ko ang mga instrumento piano ko, drums ni Knox, bass ni Fritz… at gitara ni Khale na nakasandal sa stand lumapit ako roon. “Sorry, bro,” bulong ko sa gitara. “Borrow lang. Kailangan ko ng boses na hindi sumisigaw sa’kin.” Umupo ako sa gitna ng studio, sa maliit na stool. Hawak ang gitara, parang hawak ko ang huling parte ng sarili ko na hindi pa nila nasisira. Hinagod ko ang strings, isang tunog, dalawa, tatlo. At bigla na lang… bumukas ang dibdib ko hindi ko alam kung bakit, pero kusa nang lumabas ang mga salita. "I grew up in golden cages, With silver rules and broken wings, They gave me crowns instead of choices, They taught me how to kneel, not sing." “Damn…” bulong ko, pero hindi ako tumigil. “They say love is just a contract, Signed with money and last names, They call it destiny and honor, But all I hear are silent chains.” Nanlalabo na ang mata ko. “Why does it hurt like this?” tanong ko sa hangin tumugtog ulit ako, mas mabigat. “You want me cold, you want me quiet, You want me built like all your lies, But I’m a fire in a glass heart, I’m tired of wearing someone else’s disguise.” Napatawa ako nang mapait. “Even my pain sounds expensive,” sabi ko sa sarili ko. Pagdating sa chorus, hindi ko na kinaya pigilan ang boses ko. “I don’t wanna marry your future, I don’t wanna live your dream, I just wanna bleed in music, I just wanna feel something.” “If loving sound is my sin, Then I’ll burn in every song, ’Cause a life without my own voice, Is a life that feels all wrong.” Tumulo ang luha ko.. Hindi ko pinunasan hinayaan ko, mas totoo kapag basa ang mata masyadong emotional. “She wears diamonds, I wear silence, She fits perfectly in your plan, But I can’t promise her a heart, That you already hold in hand.” “Sorry, Alessandra…” bulong ko. “You don’t deserve this mess.” “They say, “Be a man, be a legacy,” “Be a name that never bends,” But I just wanna be a nobody, If nobody means I’m me in the end.” Napahinto ako sandali. Nanginginig ang kamay ko sa gitara. “Get it together, Ferox,” sabi ko sa sarili ko. “This is all you have.” At tinuloy ko. “I don’t wanna marry your future, I don’t wanna sell my soul, I just wanna scream in rhythm, I just wanna lose control.” “If freedom sounds like failure, Then I’ll fail a thousand ways, Better die as who I really am, Than live as what you say.” Pagkatapos ng huling linya, bumagsak ang ulo ko tahimik. Ang tunog lang ay ang hininga ko at ang konting echo ng kanta. “At this point,” bulong ko, “music is the only one who listens.” Hindi ko namalayang nakapikit na ako habang tinutugtog ang huling part. “Mom, I know you think you love me, Dad, I know you think you’re right, But you never asked my heartbeat, What it wants to do with life.” “So I sing to empty walls now, ’Cause they don’t tell me who to be, In this room, I’m not your heir, I’m just a boy who wants to breathe.” Nabasag ang boses ko sa huling linya. “Wants to breathe.” Doon na bumagsak ang luha ko. Hindi na pigil. Hindi na tahimik. Umiyak ako na parang batang napagod na magpanggap na matapang biglang. “OI.” Napatalon ako. “Umiiyak ang Yelo ng Grupo!” Napalingon ako, nandoon sila si Fritz, may hawak na energy drink, si Knox, naka-cross arms, si Khale, tahimik, pero diretso ang tingin sa’kin. “Pambihira,” sabi ni Khale. “Nage-emote na nga yung tao. Parang galit sa mundo.” “Bro,” tawa ni Fritz, “this is historical. First time naming makitang umiiyak ang refrigerator.” “Shut up,” sabi ko, pinunasan ang mata ko. “You weren’t supposed to hear that.” “Too late,” sabi ni Knox. “Heard everything.” Tahimik sila sandali. “Ferox,” sabi ni Khale, mas seryoso, “that song… hurts.” “Good,” sagot ko. “That means it’s real.” Lumapit si Fritz at umupo sa sahig sa harap ko. “Anong title?” Nag-isip ako saglit. “‘Golden Cage.’” Tumango si Knox. “Fits.” Huminga ako nang malalim. “You know what’s funny?” sabi ko. “I can sing in front of a thousand people… but I can’t say no to my parents without getting punched.” Tahimik sila. Si Khale ang unang nagsalita. “You’re not alone.” “Yeah,” dagdag ni Fritz. “Rich boys with feelings, remember?” Napangiti ako ng konti, kahit masakit pa rin. Sa gitna ng studio, sa gitna ng gabi, sa gitna ng mga tunog at luha… may kanta na namang nabuo. Isang awit hindi para sa crowd kundi para sa sarili kong hindi pinapakinggan. At sa unang pagkakataon sa gabing iyon hindi na ako nag-iisa sa sakit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD