INUMAN NG MAG KAKAIBIGAN

1301 Words
CHAPTER 5 THIRD PERSON POV Nahulaan agad nina Fritz, Knox, at Khale kung ano ang problema ni Ferox hindi na kailangan ng paliwanag. Kita pa lang sa mukha nito, sa paraan ng paghawak niya sa jacket at sa bigat ng buntong-hininga niya, alam na nila galing na naman siya sa giyera laban sa sarili niyang pamilya. “Kailangan mo ng alak,” diretsong sabi ni Fritz. “Not water. Not juice. Alcohol. Yung legal na magpapatahimik sa isip mo.” “Therapy in a glass,” dagdag ni Knox. Hindi na tumutol si Ferox wala na rin siyang lakas para tumanggi kaya ilang minuto lang ang lumipas, sakay na silang apat sa kotse, patungo sa isang sikat at mamahaling bar sa gitna ng siyudad isang lugar na puno ng ilaw, usok, musika, at mga taong gustong kalimutan ang buhay kahit ilang oras lang. Pagbukas pa lang ng pinto ng bar, sinalubong sila ng malakas na tugtog at halakhakan ng mga tao. Amoy alak, pabango, at init ng gabi ang hangin. “Welcome to temporary happiness,” sabi ni Khale. At parang eksena sa pelikula, pagpasok pa lang nila. “Oh my God it's them.!” “Ferox!” “MIDNIGHT REVERIE!” May mga babaeng biglang napasigaw. May naglabas agad ng cellphone. May kumaway. May nagpadala ng drinks kahit hindi pa sila nakalapit at syempre… Si Fritz hindi pa man sila nakakarating sa table, may babae na agad na humila sa braso nito. “Hi,” sabi ng babae, ngumiti nang sobrang lapad. “You look lonely.” “Ako?” turo ni Fritz sa sarili niya. “Impossible.” Nagkandarapa ang ibang babae sa kanya na parang may libreng raffle sabi ni Khale na nakasimangot. “Pambihira,” sabi ni Knox. “Parang may buy one take one promo sa kanya.” “Playboy talaga,” dagdag ni Khale, umiling. Si Ferox naman ay tahimik lang, naglalakad sa likod nila, parang anino. Hindi niya pinapansin ang mga titig at ngiti. Diretso siyang umupo sa VIP table na nakalaan sa kanila malaking sofa, may maliit na mesa sa gitna, at ilaw na parang laging may moonlight tumawag si Knox ng waiter. “Excuse me,” sabi nito. “We want your strongest drink. Yung pinakamatapang. And… limited edition.” Nagtaas ng kilay ang waiter. “Sir, are you sure? That one is” “Yes,” sabay-sabay nilang sagot. Maya-maya, dumating ang tray na may mga baso na parang ginto ang kulay ng laman. Mabagal ang usok na umaangat mula sa ibabaw ng alak, parang may sariling buhay. “Looks illegal,” sabi ni Fritz, kakawala lang sa dalawang babae at umupo sa tabi nila. “Cheers,” sabi ni Khale nagbanggaan ang mga baso. “Sa sakit,” sabi ni Knox. “Sa freedom,” dagdag ni Fritz. Tahimik na itinaas ni Ferox ang baso. “Sa pagkalimot,” mahina niyang sabi uminom sila at agad… “s**t,” mura ni Fritz. “Parang sinuntok ako ng apoy.” “Why is it burning my soul?” reklamo ni Knox. Ngumiti si Ferox ng konti. “Good. Mas masakit, mas mabilis makalimot.” Sunod-sunod ang order. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Unti-unting lumalambot ang mundo ang ilaw ay nagiging mas maliwanag. Ang musika ay parang mas malapit sa dibdib. Ang tawa ay mas malakas. “Alam niyo,” sabi ni Fritz habang nakasandal sa sofa, may baso sa kamay, “kung hindi ako bassist, siguro professional flirt ako.” “Alam namin,” sagot ni Khale tumawa sila. Si Ferox ay tahimik sa una, nakatingin lang sa baso niya. Pero habang dumadami ang laman ng alak sa katawan niya, bumibigat din ang dila niya. “Do you know what’s funny?” bigla niyang sabi tatlong ulo ang lumingon sa kanya. “Ano?” tanong ni Knox. “Bilyonaryo ako,” sabi ni Ferox, tumawa nang mapait. “Pero hindi ko kayang bilhin ang sarili kong buhay.” Tahimik sila. “Bro…” sabi ni Fritz, medyo lasing na rin ang tono, “you sound like a sad poem.” “A sad poem with money,” dagdag ni Knox. Umiling si Ferox. “They want me to marry someone I don’t love. They want me to be someone I’m not.” Uminom ulit siya. “I hate my parents.” Diretso, walang filter parang may pumutok sa mesa. “Whoa,” sabi ni Fritz. “That escalated quickly.” “Totoo naman,” sabi ni Ferox, medyo nanginginig na ang boses. “They don’t listen. They don’t care. They just want control.” Tumawa siya, pero may luha sa gilid ng mata. “They think music is useless. They think I’m useless if I don’t follow them.” Tahimik sandali. Si Khale ang unang nagsalita. “You’re not useless.” “Yeah,” dagdag ni Knox. “You’re dramatic, but not useless.” “Thank you,” sagot ni Ferox, sarcastic. Nag-order ulit si Fritz ng drinks. “Ito na ‘yung part na mag-eemote ka, tapos iiyak, tapos yayakapin ka namin,” sabi niya. “Classic.” “Shut up,” sabi ni Ferox, pero tumatawa na rin uminom ulit sila at doon na nagsimula ang tunay na kalasingan. Si Knox ay nakatayo na sa sofa, may hawak na baso. “I DECLARE,” sigaw niya, “THAT THIS TABLE IS A SAFE SPACE!” “Umupo ka,” sabi ni Khale. “NO,” sagot ni Knox. “THIS IS MY STAGE.” Si Fritz ay nakikipagkwentuhan na naman sa dalawang babae sa kabilang mesa. “Guys,” sigaw niya pabalik, “I think I just found my fourth ex-wife.” “Hindi ka pa nga kasal,” sabi ni Khale. Si Ferox ay nakasandal na sa likod ng sofa, tingin sa kisame. “Do you ever feel,” mabagal niyang sabi, “na kahit maraming tao sa paligid mo… mag-isa ka pa rin?” “Deep,” sabi ni Fritz. “Too deep for this alcohol.” Tumawa si Knox pero si Khale ay tahimik. “Yeah,” sabi niya. “Sometimes.” Tahimik silang apat sandali sa paligid nila, may sumasayaw, may humahalik, may nagtatawanan. Ang bar ay parang ibang mundo isang lugar na walang problema, walang magulang, walang obligasyon. “Can we just… stay here?” sabi ni Ferox. “Just drink. Just forget.” “Temporarily,” sagot ni Knox. “Kasi bukas, babalik pa rin ang reality.” “Don’t say that,” sabi ni Fritz. “Let him be drunk in peace.” Tumawa sila si Ferox ay biglang tumayo, bahagyang natutumba. “Guys,” sabi niya, medyo bulol na ang salita, “if I disappear one day… just know…” “Here we go,” sabi ni Knox. “That I choose music over blood.” Tahimik ulit si Khale tumayo at hinila si Ferox pabalik sa upuan. “Sit down,” sabi niya. “You’re not disappearing. You’re just drunk.” “Same thing,” sagot ni Ferox. Tumawa sila ulit at habang patuloy silang umiinom, mas lumalalim ang gabi, mas lumalabo ang mundo, mas lumalakas ang mga salita si Fritz ay may hawak nang dalawang baso, si Knox ay sumasabay na sa tugtog ng DJ gamit ang baso niya. Si Khale ay tahimik pero hindi umaalis sa tabi ni Ferox at si Ferox… lasing, pagod, at sugatan ang puso, ay patuloy na umiinom para hindi maramdaman ang bigat ng buhay. Sa gitna ng ilaw ng bar, sa gitna ng ingay at alak, apat na lalaking tumatakas sa kani-kanilang problema ang magkasamang nalulunod hindi sa tubig, kundi sa gabi. At sa isip ni Ferox, paulit-ulit lang ang isang linya I hate my parents hindi dahil wala siyang puso. Kundi dahil pagod na pagod na ang puso niyang lumaban... TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD