CHAPTER 11
THIRD PERSON POV
Kinabukasan, maagang nagising si Ferox sa malamig na simoy ng hangin mula sa bintana. Tahimik ang buong bahay sa Tagaytay walang sigaw, walang sermon, walang ingay ng galit na matagal na niyang kinagisnan sa mansion.
Tanging tunog lang ng mga dahon sa labas at mahinang ugong ng hangin ang kasama niya, umupo siya sa kama at napabuntong-hininga.
“Another day… another question,” bulong niya sa sarili.
Tumayo siya at tumingin sa lampshade sa tabi ng kama. Medyo nasisilaw pa ang mata niya sa liwanag ng umaga kaya mahina niyang sinabi, “Sire, off the lampshade.”
Agad na namatay ang ilaw, tahimik ulit ang kwarto, parang simbahan, parang libingan ng kahapon.
Pumasok siya sa banyo, tinapakan ang malamig na tiles, at humarap sa salamin. Nakita niya roon ang sarili maputla, may bakas ng pagod sa mata, at may mga aninong hindi kayang itago ng kahit gaano kagandang mukha.
“Turn on the shower,” utos niya.
Biglang bumuhos ang tubig, malamig sa una, saka unti-unting umiinit. Pumikit si Ferox habang dumadaloy ang tubig sa ulo niya, tila hinuhugasan hindi lang ang katawan niya kundi pati ang bigat ng gabing lumipas.
Bumalik sa isip niya ang nangyari kagabi ang pag-aaway nila ng mga magulang niya, ang pag-alis niya sa mansion, ang mga salitang mas masakit pa sa suntok.
Kung ayaw mo pakasalan si Alessandra, lumayas ka rito. Wala kaming anak na bobo at ungrateful kumuyom ang kamay niya sa ilalim ng agos ng tubig.
“Why does love always feel like a contract?” tanong niya sa sarili, halos hindi marinig sa ingay ng shower.
Pagkatapos maligo, nagbihis siya ng simpleng white shirt at itim na pants. Walang alahas, walang fancy parang gusto niyang maging normal kahit isang araw lang.
Paglabas niya ng kwarto, napansin niya agad ang sobre sa ibabaw ng mesa. Nandoon pa rin tahimik walang pangalan, walang marka.
Parang isang mata na nakatitig sa kanya huminto siya sa paglalakad at ilang segundo lang na tinitigan iyon. Kagabi pa iyon naroon, pero ngayon lang niya naramdaman ang bigat nito.
“Later,” bulong niya.
Bumaba siya sa kusina at nagluto ng simpleng almusal tinapay, itlog, at kape. Habang nag-iinit ang kawali, tumingin siya sa bintana kung saan tanaw ang ulap na bumabalot sa mga puno.
Sa mansion, hindi siya kailanman nagluto para sa sarili. Laging may kasambahay, laging may utos, laging may nagdidikta. Dito, siya lang. At sa katahimikan na iyon, may kakaibang lungkot at kakaibang ginhawa.
Umupo siya sa mesa at kumain nang dahan-dahan. Walang cellphone, walang musika. Parang gusto niyang pakinggan ang sarili niyang paghinga.
Matapos kumain, saka lang niya kinuha ang sobre. Dahan-dahan niyang binuksan ito. Walang pangalan ng sender, walang logo, walang kahit anong palatandaan kung sino ang nagpadala.
Isang makapal na papel lang ang laman nakasulat doon, malinaw at elegante ang font:
ANONYMOUS INVITATION
FROM: ISLA MILAGROSA
Nanlaki ang mata ni Ferox.
“Isla… Milagrosa?” ulit niya.
Nagpatuloy siya sa pagbabasa.
You have been chosen.
Not because of your fame.
Not because of your wealth.
But because of the blood that runs in you.
Napaupo siya nang mas maayos.
“Blood?” bulong niya.
The Island does not accept visitors.
It only accepts those who were invited.
Your presence is required.
Lumamig ang pakiramdam niya hindi niya alam kung bakit, pero parang may humila sa dibdib niya. Parang may lihim na biglang kumalabit sa puso niya, sa ilalim ng papel, may nakasulat na petsa.
Three days from now.
At sa loob ng sobre, may isa pang laman isang maliit na papel na nakatiklop binuksan niya iyon isang mapa.
Hindi ordinaryong mapa. Hindi ito tulad ng nakikita sa Google Maps. Guhit-kamay ito, may mga simbolo, may mga linyang paikot-ikot sa dagat, at sa gitna, isang isla na may nakasulat:
ISLA MILAGROSA
Sa gilid ng mapa, may maliit na note:
You can only reach the island through the marked route.
Any other way will lead you nowhere.
Napahawak si Ferox sa sentido.
“Where in the world is this place?” tanong niya sa sarili.
Hindi niya kailanman narinig ang Isla Milagrosa. Wala sa mga tour packages. Wala sa mga kwento ng kaibigan niya. Kahit sa music industry, wala siyang nabalitaan na ganitong lugar.
Muling bumalik ang mga linya sa sulat:
Not because of your fame… Not because of your wealth… But because of the blood that runs in you.
Napaisip siya.
“Lolo…” bulong niya.
Biglang pumasok sa isip niya ang lolo niyang hindi niya halos nakilala ang lalaking iniwan ang pamilya, ang lalaking iniugnay sa lihim, sa awitin, at sa babaeng hindi niya kilala.
Parang may koneksyon parang may pinto na unti-unting bumubukas. Huminga siya nang malalim at tumayo. Lumapit siya sa laptop at sinubukang hanapin sa internet ang Isla Milagrosa.
Wala.
Kahit anong spelling ang gamitin niya walang lumabas. Parang hindi ito umiiral sa mundo, O baka… sinadya talagang itago.
Bumalik siya sa mesa at muling tinitigan ang mapa. May nakaguhit na maliit na anchor symbol sa isang bahagi ng dagat sa ibaba, may note ulit:
Only those with invitations can pass the waters.
Nanlamig ang batok niya.
“Parang fairy tale,” sabi niya sa sarili. “Or trap.”
Hindi niya alam kung matatakot siya o matutuwa. Parte niya ang gustong sunugin ang invitation at kalimutan ito. Pero may mas malakas na bahagi sa kanya na gustong sumunod.
Dahil sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam na may tumatawag sa kanya na hindi utos… kundi paanyaya.
Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana, hawak ang sulat at mapa.
“Kung prank ito… ang effort n’yo,” bulong niya.
“Kung totoo ito…” huminto siya sandali.
“Then maybe… this is where my answers are.”
Sa labas, biglang dumaan ang hangin na mas malamig kaysa kanina. Kumalabog nang bahagya ang mga bintana. Parang may bumubulong sa paligid ng bahay.
Hindi niya alam kung galing iyon sa isip niya o sa hangin. Muling bumalik ang tanong sa utak niya.
Sino ang nagpadala nito? Paano nila nalaman kung nasaan siya? At bakit siya ang napili?
Pinagmasdan niya ang maliit na isla sa mapa. Mukha itong payapa… pero parang may lihim na nakatago sa gitna nito isang lihim na maaaring magbago ng lahat.
Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, may bago siyang naramdaman hindi galit, hindi lungkot, kundi… pananabik na may halong takot.
Tinupi niya ang sulat at inilagay sa bulsa.
“Tingnan natin,” mahina niyang sabi.
“Isla Milagrosa… ano ba talaga ang itinatago mo?”
Sa katahimikan ng bahay, isang bagay ang malinaw. Hindi aksidente ang invitation na iyon.
At hindi basta-basta ang isla na iyon.
At sa paghawak niya sa mapa, hindi niya alam na ang simpleng paanyayang iyon ang magdadala sa kanya sa isang lugar kung saan ang nakaraan, ang dugo, at ang kapalaran niya… ay magtatagpo.
Hindi mapalagay si Ferox mula nang mabasa niya ang invitation. Kahit anong gawin niya uminom ng kape, maglakad sa paligid ng bahay, magbukas ng TV bumabalik at bumabalik sa isip niya ang salitang iyon.
Isla Milagrosa.
Parang may humihila sa kanya roon, isang hindi nakikitang pwersa na paulit-ulit bumubulong sa isip niya: Pumunta ka. Alamin mo.
Huminto siya sa sala at napatingin sa bintana. Makulimlim ang langit, parang may paparating na bagyo. Tahimik ang buong paligid, pero sa loob ng dibdib niya, parang may lindol.
“Okay… enough,” mahina niyang sabi sa sarili. “If this is a sign, I’m not gonna ignore it.”
Umakyat siya sa kwarto at binuksan ang malaking maleta sa ibabaw ng kama. Isa-isang inilabas ang mga damit sa cabinet mga simpleng T-shirt, jacket, jeans, at ilang piraso ng itim na long sleeves. Hindi niya alam kung anong klase ng lugar ang Isla Milagrosa, kung mainit ba roon o malamig, kung civilized ba o parang liblib na isla sa gitna ng dagat.
Habang nag-iimpake, napatingin siya sa sulok ng kwarto kung saan nakasandal ang gitara niya.
Ang gitara na laging kasama niya sa bawat gig. Ang gitara na saksi sa bawat kanta niyang isinulat sa sakit at galit.
Ang gitara na parang kausap niya kapag wala na siyang makausap. Lumapit siya roon at marahang hinawakan ang neck nito.
“I can’t leave you,” bulong niya. “You’re coming with me.”
Inilagay niya ang gitara sa case at maingat na isinama sa tabi ng maleta. Pagkatapos, kinuha niya ang ilang importanteng gamit wallet, passport, ID, phone charger, power bank, notebook na puno ng lyrics, at siyempre… ang sobre at mapa. Ilang sandali niyang tinitigan muli ang invitation.
Only those with invitations can enter.
Napangiti siya nang bahagya, pero hindi iyon masayang ngiti. Isang ngiting puno ng tanong.
“Parang cult, ah,” biro niya sa sarili. “Pero bakit parang… may kilala na sila sa’kin?”
Isinara niya ang maleta at umupo sa kama. Tahimik ang kwarto, pero sa loob ng ulo niya, parang may mga tinig.
Bumalik sa isip niya ang litrato ng lolo niya na nakita sa secret room. Ang lalaking may gitara sa dalampasigan. Ang babaeng hindi niya kilala.
“Lolo… may kinalaman ka ba rito?” mahina niyang tanong sa hangin.
Parang sagot sa tanong niya, biglang nag-vibrate ang phone niya isang message mula sa group chat nila.
Fritz:
Bro, buhay ka pa ba?
Khale:
Uy Ferox, okay ka lang ba? You left like a ghost last night.
Knox:
We’re worried, man. Family problem again?
Napatingin si Ferox sa screen. Gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam kung anong sasabihin.
Guys, may mysterious island na nag-invite sa’kin anonymously Sabi isip nito? Mukhang joke, Mukhang baliw nag-type siya.
Ferox:
I’m okay. Just… need time. May inaayos lang.
Fritz:
Time? Bro, huwag ka namang mawawala ng bigla.
Khale:
Oo nga. The band needs you.
Knox:
And we need you.
Huminga siya nang malalim bago muling nag-type.
Ferox:
I’ll be back promise trust me on this.
May ilang segundo ng katahimikan sa chat.
Fritz:
…Okay but don’t disappear forever, ha?
Napangiti si Ferox, pero sandali lang.
“I wish I could promise more than that,” bulong niya.
Isinilid niya ang phone sa bulsa at tumayo. Bumaba siya sa sala at kinuha ang susi ng kotse. Bago siya lumabas ng bahay, huminto siya sa pintuan at tumingin sa paligid.
Ito ang unang bahay na binili niya gamit ang sariling pera.
Ito ang unang lugar na naging tunay niyang “kanlungan.”
At ngayon, iiwanan niya ito para sa isang isla na hindi niya alam kung totoo ba o panaginip lang.
“Guess this is how adventures start,” sabi niya sa sarili.
Sumakay siya sa kotse at pinaandar ang makina. Habang umaandar siya palabas ng driveway, tumingin siya sa rearview mirror parang may iniiwan siyang parte ng sarili niya roon.
Sa daan, muli niyang inilabas ang mapa at sinipat habang nakahinto sa isang traffic light. May nakamarkang pantalan sa gilid ng papel sa ilalim nito, may nakasulat na.
Port of No Return nanlaki ang mata niya.
“Port of… No Return?” ulit niya.
Parang may malamig na kamay na humawak sa batok niya.
“Ang dramatic naman nito,” bulong niya. “Parang movie.”
Pero sa kabila ng takot, mas nangingibabaw ang curiosity. Parang mas takot siya sa hindi pagpunta kaysa sa mismong pupuntahan.
Habang bumibiyahe siya pauwi sa bahay para kumuha ng ilang dagdag na gamit, napansin niyang may itim na SUV na tila sumusunod sa kanya mula pa kanina. Sa una, inisip niyang coincidence lang. Pero nang tatlong beses siyang lumiko at sumunod pa rin ito, kinabahan siya.
“Okay… that’s not normal,” sabi niya sa sarili.
Pinabilis niya ang takbo ng kotse. Sumunod pa rin ang SUV kumunot ang noo niya.
“Don’t tell me… part ito ng invitation,” bulong niya.
Biglang nag-overtake ang itim na SUV at huminto sa harap niya. Napapreno siya bigla.
Bumukas ang pinto ng SUV at may bumabang lalaking naka-itim na coat at naka-shades kahit maulap ang panahon. Lumapit ito sa bintana ni Ferox. Dahan-dahan niyang binaba ang bintana.
“Mr. Lombardi,” malamig na sabi ng lalaki.
Nanlaki ang mata ni Ferox.
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
Ngumiti ang lalaki, pero walang init ang ngiti.
“We know a lot about you. And about your grandfather.”
Nanlamig ang buong katawan ni Ferox.
“Who are you?” tanong niya.
The man leaned closer.
“Just a messenger.”
Inabot nito ang isang maliit na kahon na kulay pilak.
“For your journey,” sabi nito. “You’ll need this when the sea starts lying.”
“Sea… lying?” ulit ni Ferox.
Hindi na sumagot ang lalaki. Bumalik ito sa SUV at umalis na parang multo sa kalsada.
Naiwan si Ferox na hawak ang maliit na kahon, nanginginig ang kamay.
Dahan-dahan niyang binuksan iyon.
Sa loob, may isang lumang compass… at sa ilalim nito, isang pirasong papel na may nakasulat.
“Welcome home, grandson.”
Parang binagsakan ng kidlat ang dibdib niya.
“Home?” bulong niya. “How can an island be my home?”
Sa sandaling iyon, isang bagay ang malinaw hindi basta trip ang pagpunta niya sa Isla Milagrosa hindi ito bakasyon, hindi ito pagtakas.