CHAPTER 10
FEROX POV
Pagkatapos ng sigawan at mabibigat na salitang ibinato sa akin sa sala, hindi na ako lumingon pa. Diretso akong umakyat sa kwarto ko, dala ang bigat na parang may nakapatong na bato sa dibdib ko. Sa bawat hakbang ko sa hagdan, ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pagod pagod na pagod na akong ipaglaban ang sarili ko sa lugar na dapat sana’y tahanan.
Pagpasok ko sa kwarto, isinara ko agad ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Napapikit ako saglit, pinilit pigilan ang pagluha. Ayokong marinig nila ang paghikbi ko. Ayokong ipakita na nasasaktan pa rin ako.
Lumapit ako sa aparador at binuksan ito. Isa-isa kong hinugot ang mga damit ilang t-shirt, jacket, pantalon at inilagay sa maleta. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta alam ko lang na hindi na ako pwedeng manatili roon. Mas masakit manatili kaysa umalis.
Habang nag-iimpake ako, may nahagilap ang kamay ko sa bandang dingding, malapit sa hawakan ng aparador. Isang maliit na umbok, parang may nakausling bakal. Napakunot-noo ako.
“Ano ‘to?” bulong ko sa sarili ko.
Hinaplos ko iyon, at biglang may narinig akong mahinang klik. Napaatras ako ng bahagya nang may bumukas na bahagi ng dingding isang makitid na pinto, halos hindi mapapansin kung hindi mo hahanapin.
Nanlaki ang mata ko. “Secret room?”
Hindi ko alam kung bakit, pero nanaig ang kuryosidad ko kaysa takot. Dahan-dahan kong binuksan ang maliit na pinto at pumasok. Bumungad sa akin ang isang makitid na silid na puno ng alikabok at lumang kahon. May mga frame ng litrato sa dingding, may mga lumang kasangkapan, at may amoy ng kahoy na matagal nang hindi nabubuksan.
Lumapit ako sa mga litrato at doon ko siya nakita ang yumaong lolo ko si Don Grandivale “Reale” Lombardi ama ng daddy ko.
Nakasuot siya ng puting polo, nakangiti, at hawak ang gitara. Sa tabi niya, may babaeng nakahiga sa kanyang hita, nakapikit, tila payapang natutulog. Ang likod nila ay dagat malawak, asul, at tahimik napasinghap ako.
“Hindi… si Lola ‘to,” bulong ko.
Kilalang-kilala ko ang mukha ng Lola ko. Hindi iyon ang babaeng nasa litrato. Iba ang ngiti. Iba ang mga mata.
Lumapit pa ako at mas pinagmasdan ang larawan. Sa gilid nito, may sulat-kamay.
Hindi pangalan kundi… mga linya ng kanta binasa ko nang marahan, halos pabulong.
"Hold me where the stars grow old,
Where no goodbye is ever told.
In your eyes I softly stay,
Love remains when night turns gray."
Parang may kumurot sa dibdib ko.
"Mga liham kong di naipadala sa hangin,
Bawat titik ay pangakong ayaw nang bawiin.
Sa bawat pintig ng pusong sugatan,
Pangalan mo ang tanging aking tahanan."
Lumunok ako. Biglang uminit ang lalamunan ko.
"Kung bukas ay wala na ang ating kahapon,
Ako’y mananatili sa iyong panahon."
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Even time will bow to us,
When hearts decide to trust.
If forever fades away,
I will love you just the same."
At ang huling linya…
"Sa lilim ng ilaw, ikaw ang aking awit,
Pag-ibig na tahimik, ngunit walang kapalit...."
Napatigil ako sa pagbabasa. Parang may huminto sa paghinga ko.
“Kanta…” bulong ko. “Lyrics ito.”
Hindi ito basta sulat. Hindi ito simpleng tula. Kanta ito. Kanta ng lolo ko. Para sa babaeng hindi ko kilala. Babaeng hindi niya napangasawa.
Umupo ako sa sahig ng secret room, hawak ang litrato. Sa isip ko, biglang nagdugtong-dugtong ang mga tanong na matagal ko nang hindi naiisip.
Kung ang lolo ko ay marunong sumulat ng ganitong kanta…
Kung marunong siyang magmahal nang ganito kalalim…
Bakit parang galit sa musika ang anak niya?
Bakit ang daddy ko, na anak ng isang lalaking marunong magmahal sa pamamagitan ng kanta, ay galit na galit sa musika?
Napatawa ako nang mapait. “Irony, huh…”
Hinaplos ko ang mukha ni Lolo sa litrato. Parang ngayon ko lang siya tunay na nakilala. Hindi bilang matapang na negosyante. Hindi bilang Lombardi. Kundi bilang lalaking umibig.
“Lolo…” bulong ko, “pareho pala tayo.”
Pareho kaming may pusong mas madaling magsalita sa pamamagitan ng himig kaysa salita. Pareho kaming nakatagpo ng pag-ibig sa katahimikan. At marahil, pareho kaming nawalan.
Kinuha ko ang litrato at tinitigan ito nang matagal. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, may iniwang mensahe ang lolo ko sa akin. Hindi direkta. Hindi malinaw. Pero naroon sa pagitan ng mga linya ng kanta.
Na kahit hindi ka piliin ng mundo…
Pwede ka pa ring magmahal.
At pwede ka pa ring kumanta.
Dahan-dahan kong itinupi ang litrato at isinilid sa bulsa ng jacket ko.
“Salamat, Lolo,” mahina kong sabi. “Dadalin ko ‘to.”
Lumabas ako ng secret room at isinara ulit ang maliit na pinto sa dingding. Bumalik ako sa pag-iimpake, pero iba na ang pakiramdam ko ngayon. Kanina, galit at lungkot lang ang dala ko. Ngayon, may halong hiwaga at lakas.
Habang inilalagay ko ang huling damit sa maleta, napatingin ako sa salamin. Kita ko roon ang sarili kong mapula ang mata, may sugat pa ang labi, pero may kakaibang liwanag sa tingin.
“Hindi pala ako nag-iisa,” bulong ko. “May nauna na sa landas na ‘to.”
Kinuha ko ang bag ko at hinila ang zipper. Handa na akong umalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Pero alam ko, dala ko ang musika ng lolo ko… at ang sarili kong himig.
Bago ako lumabas ng kwarto, saglit akong tumingin sa paligid. Sa kwarto kung saan ako lumaki, pero hindi kailanman naging akin.
“Goodbye,” bulong ko.
At habang naglalakad ako palabas, may iisang bagay na paulit-ulit sa isip ko na balang araw, gagawa ako ng kantang kasing tapat ng kantang iniwan ng lolo ko isang kantang hindi kailangang tanggapin ng mundo basta tanggap ito ng puso ko.
Lumabas ako ng mansion na walang lingon-lingon, tahimik ang paligid, parang wala lang nangyaring gulo sa loob ng bahay na ‘yon. Sumakay ako sa Lamborghini ko at agad pinaandar ang makina. Sa bawat apak ko sa silinyador, pakiramdam ko ay palayo ako nang palayo hindi lang sa bahay… kundi sa pamilyang matagal ko nang tinatawag na akin pero kailanman ay hindi ako inangkin.
Diretso ang biyahe ko patungong Tagaytay may sarili akong bahay doon. Lihim. Walang nakakaalam hindi ang pamilya ko, hindi ang banda ko, walang sinuman. Doon ko tinatago ang sarili ko kapag gusto kong mawala sa mundo kahit sandali.
Habang binabaybay ko ang mahabang kalsada, dumaan sa isip ko ang mukha ng lolo ko. Ang litrato. Ang lyrics. Ang babaeng hindi ko kilala.
“Lolo… sana marunong din akong tumakas gaya mo,” bulong ko habang nakatitig sa madilim na kalsada.
Pagdating ko sa bahay sa Tagaytay, huminto ako sa harap ng gate. Tahimik. Walang ilaw sa loob. Parang hinihintay lang akong dumating. Pagbaba ko ng sasakyan, napansin ko agad ang mailbox.
May laman isang sobre kinuha ko iyon at tinitigan sandali. Wala akong nakitang pangalan. Wala ring tatak kung kanino galing. Para lang itong iniwan doon, tahimik na naghihintay.
Hindi ko binuksan hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi ko pa kayang malaman kung ano ang laman nito. Para bang may takot akong baka may sagot doon sa mga tanong na ayaw ko pang harapin.
Pumasok ako sa bahay at isinara ang pinto. Diretso ako sa kwarto at nagbihis ng simpleng damit. Isinilid ko ang sobre sa ibabaw ng mesa at saka kinuha ang cellphone ko binuksan ko ang group chat namin.
Ferox: Guys. Drink tonight. My treat.
Wala pang isang minuto, sunod-sunod ang reply.
Fritz: BROOOO SAY NO MORE.
Khale: Location?
Knox: I’m in.
Napangiti ako nang mapait. Kahit paano hindi ako nag-iisa. Lumabas ulit ako at pumunta sa tambayan naming bar. Doon kami madalas uminom kapag gusto naming takasan ang mundo.
Madilim ang ilaw, maingay ang tugtog, at mabigat ang amoy ng alak sa hangin. Pagdating ko roon, nakita ko na silang tatlo sa isang mesa sa sulok.
“Brooo!” sigaw ni Fritz habang nakataas ang baso. “AYAN NA ANG ICE KING!”
Umupo ako at agad kumuha ng bote.
“Drink,” sabi ko lang.
“Drink!” sabay-sabay nilang sagot.
Sunod-sunod ang tagay. Hindi na namin namalayan kung ilang bote ang naubos. Umiinit ang ulo ko, umiikot ang paningin ko, pero ayoko pang tumigil.
“Ferox…” bulol na sabi ni Fritz, nakasandal na sa balikat ni Khale. “Why… why sad face ka na naman?”
Napabuntong-hininga ako at tumingin sa baso ko.
“Mga bro…” bulol ko rin. “Wag sana n’yo masamain…”
Tahimik silang tatlo.
“Gusto ko muna… umalis sa group natin.”
Biglang tumigil ang ingay sa mesa namin.
“Ano?” tanong ni Knox, medyo lasing na rin. “Umalis… saan?”
“Hindi ko alam,” sagot ko. “Basta… I need to fix things. Family problem. Personal problem. Buong buhay problem.”
Sumandal si Khale sa upuan niya at tiningnan ako nang seryoso kahit malabo na ang mata niya. “Ferox… pamilya ka namin. Pero kung kailangan mo ng space… we get it.”
“Oo,” singit ni Fritz sabay hampas sa mesa. “May problema din ako! Broken hearted ako sa imaginary girlfriend ko!”
Napangiti ako nang kaunti.
“Ewan ko sa’yo,” sabi ni Knox. “Pero kung aalis ka… babalik ka, ha?”
Tumango ako. “Babalik ako. Promise.”
Tahimik sandali tapos biglang humikbi si Fritz.
“Wag ka umalis, broooo…” bulol niyang sabi habang umiiyak. “Ikaw ang kumakanta sa puso ko…”
“Gago ka,” sabi ni Khale pero nangingilid din ang mata. “Lasing ka lang.”
“Lasing pero totoo,” sagot ni Fritz sabay yakap sa akin. “We’re rich boys with feelings, remember?” Napatawa ako kahit masakit ang dibdib ko.
Nagpatuloy pa kami sa pag-inom. Kung anu-anong sinasabi namin.
“Ferox… mahal kita,” sabi ni Knox sabay turo sa bote.
“Pero mas mahal ko ‘to,” sabi pa niya sabay turo sa alak.
“Cheater,” sabi ni Khale.
“Pare-pareho tayong broken,” sagot ni Fritz.
Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Hatinggabi na pala. Isa-isa na kaming tumayo, halos hindi na makalakad nang tuwid.
“Uuwi na ako,” sabi ko.
“Drive safe,” sabi ni Khale.
“Text me kapag buhay ka pa,” dagdag ni Knox.
“Wag ka mamatay, bro,” iyak ni Fritz.
Ngumiti ako. “Night, guys.”
Pag-uwi ko sa bahay sa Tagaytay, diretso ako sa kama. Hindi ko na binuksan ang ilaw. Hindi ko na rin tinignan ang sobre sa mesa, bago ako pumikit, isang bagay lang ang pumasok sa isip ko…
Na kahit may banda ako, kahit may musika ako may mga laban pa rin akong kailangang harapin mag-isa at sa gabing iyon, natulog akong may tanong sa puso…
At isang liham sa mesa na hindi ko pa kayang basahin bukas na lang paggising ko.