PARAISO

1241 Words
CHAPTER 12 FEROX POV Sakay ako ng isang yate galing sa port na pinuntahan ko. Pag karating ko dun may isang yate na naghihintay sa akin patungo sa Isla Milagrosa. Napakaganda ng yate at mukhang eksklusibo lang para sa mga naayayahan sa lugar na 'yun. Malaking palaisapan talaga sa akin kong anong klaseng lugar ang pupuntahan ko. Bukod pa doon gusto ko malaman kong ano ang naging kaugnayan ni Lolo sa lugar na'yon. Bakit tila sa lugar na 'yun maaring marami akong matuklasan ng hindi ko alam. Nang makaalis sa port ang yate hinatid ako ng isang staff para makapag pahinga sa isang cabin. Habang nakahiga ako maraming pumapasok sa isipan ko. Ang kaba sa dibdib ko ay hindi maalis, kong bakit ako kinakabahan at hindi mapakali. Dala nadin siguro ng tumatakbo sa isipan ko at hang over ko sa nag daang gabi na inuman namin magkakaibigan ay nakatulog ako. Isang boses mula sa speaker ang nagpagising sa akin. Sinabi na malapit na kami dumaong sa Isla Milagrosa. Mabilis kong inayos ang bitbit kong maleta at ang gitara na tanging dala ko sa lahat ng lakad ko. Pagkarating ko sa upper deck ng yate ganoon nalang ang lamig na sumuot sa aking balat. Namangha ako sa ganda ng dagat at amoy na amoy ang sariwang hangin. "This is Paradise" mahinang bulong ko sa sarili. Nang huminto na ang yate sa pangpang ng isla. Mabilis na bumaba ang mga sakay nito. Inihanda nila nag kanilang imbistasyon mula sa isla, ganoon din ang aking ginawa. “Enjoy your stay, Sir,” nakangiting sambit ng lalaking kapitan ng yateng sinasakyan ko kanina. Isang ngiti lang ang itinugon ko sa kanya. Pinanood ko itong lumayo sa kinatatayuan ko, saka umikot sa nasabing isla. Pagtapak palang ng paa ko sa buhangin ramdam ko agad ang kakaibang excitement sa pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. "Ang isla milagrosa. Ano nga bang misteryosong nababalot sayo at ganito mo nalang pukawin ang atensyon ko." mahina kong sambit sa sarili. For a moment, the outside world disappeared. The island rose like a fortress, mountains circling it, their peaks shrouded in mist. At himahampas ng malamig at malakas na hangin ang dahon ng mga punong kahoy sa paligid. “Akala ko ay sa mga magazines at portraits lang makikita ang ganitong klase ng isla…” pabulong kong komento, at muling pinagmasdan ang paligid. Sa harapan ko, at natanaw ko ang mga cabin, at sa likuran nito ay nakatayo ang limang gusali ng beach house. at hindi lang ‘yun. Dahil sa rooftop nito ay may mga maliliit na swimming pool, at kasalukuyang may mga taong naliligo. Then, a narrow 20-meter pathway ran along the shoreline, ending in a small staircase carved into its edge, leading straight into the sea. At kahit dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang mga coral reefs at mga maliliit na isda sa ilalim ng dagat, dahil sa malinaw at malinis na tubig. May maliit din silang bar, at para iyong imbitasyon na bumubulong sa akin. May mga musika, may umaawit at may mga naghahalong halakhakan ng mga tao na sinasabayan ng ingay ng babasaging baso. And as I walked further, the island seemed to embrace me, calm yet alive, watchful, as if it knew my intentions. Maya-maya pa ay napansin ko ang isang lalaki, nakangiti ito habang naglalakad papalapit sa akin. At kung titingnan ko ang suot niya ay masasabi kong isa siya sa nga staff ng tao rito dahil gano'n din ang suot ng isa sa mga tao na nakita ko kanina sa yate habang bumibyahe ako patungo rito. “Welcome to, Isla Milagrosa Mr. Rafaelle Ignacio Lambordi.” bati nito. Hindi ako kaagad nakasagot, nang matanaw ko ang iba niyang kasama.. at pawang nakangiti ang mga ito sa akin. animo'y inaasahan na nila ang aking pagdating. "Yes, paano ninyo ako nakilala?" tanong ko sakanila. Napansin ko ang isang staff na nakangiti at tinuro ang ang sobreng hawak ko. "Lahat ng nakakuha ng imbetasyon sa isla ay may kanya kanyang kulay na pagkakakilanlan. Kaya nalaman po namin ang pangalan niyo." nakangiting sabi ng staff. Ibinigay ko ang sobre na hawak ko. Mabilis na kinuha ng isang staff ang mga gamit ko para ihatid sa aking silid. Ngunit bago ako makapag react isang malamig na buko ang inabot sa akin ng babae. Pa welcome daw nila sa bawat dumarating sa isla. "Welcome to Isla Milagrosa Sir." sabay sabay na bati sa akin ng mga staff ng tutuluyan ko. Pagkatapos nila akong batiin ay inabutan nila ako ng papel na nag lalaman ng impormasyon tungkol sa isla. Sinabi nila sa akin na kapag may kailangan ako ay magsabi lamang ako sa kanila. Dahil sila pala ang mga naka assign mag asikaso sa akin. Maganda ang isla pati ang accomodations nila. Asikaso agad nila ang mga taong dumarating, bukod pa dun ay masaya nilang sinasalubong. Sinisigurado nila na wala ng hahanapin at kulang sa mga kailangan ng mga bakasyunista. Tiningnan ko ang nilalaman ng impormasyon tungkol sa Isla. Tutal andoon naman ang mga gamit ko sa kwarto. Napag desisyunan ko nalang na mag ikot ikot muna para maging pamilyar sa akin ang lugar ng isla. Binasa ko ang mga papel na binigay nila sa akin. ISLA MILAGROSA: Ang Isla Milagrosa ay hindi nagpapakita sa mga sadyang naghahanap dito. Hindi ito matatagpuan sa mga mapa, at hindi rin nakikita ng mga karaniwang mata. Para sa marami, tanging walang hanggang asul na dagat lamang ang naroon. Ngunit para sa mga pinili, ang abot-tanaw ay nayayanig na parang bubog at mula sa hamog, ang isla ay dahan-dahang lumilitaw na tila umaahon mula sa ibang mundo. Mula sa itaas, ang Isla Milagrosa ay nakakaantig ng puso; ang mga puting bato na nakahanay sa baybayin nito ay tila mga sinaunang bantay, kumikinang sa ilalim ng araw at malambot na nagliliwanag sa dapit-hapon. Ang tubig na nakapalibot dito ay napakalinaw, isang malalim na asul na nagiging kulay turquoise, at ang mga alon ay dumarating nang marahan, tila mga bulong sa halip na hampas. Sa gitna nito ay matatagpuan ang mga luntiang puno na sumasayaw sa malamig at mabangong hangin na may dalang ginhawa at misteryo. Ang hangin ay tila sagrado, puno ng mga kuwentong tumatangging isalaysay ng isla. Walang sinuman ang nakakarating sa Isla Milagrosa nang hindi sinasadya. Tanging ang mga makakatanggap lamang ng misteryosong liham na may selyo ng sagisag ng isla... ang pinahihintulutang makapasok. Kapag nandoon na, anumang mangyari sa isla ay mananatili sa isla. May ilang dumarating para maghanap ng pag-ibig at kapayapaan, at kapwa nila ito nahanap. May ilang tumatakas mula sa magulong mundo at sa wakas ay natutong magpahinga. May ilang dumarating para maghanap ng mga kaibigan, ngunit pamilya at pag-ibig ang kanilang natagpuan. Ang isla ay nagpapagaling... ngunit naglalantad din ito ng katotohanan. Binubuo nito ang mga durog na puso, subalit ginigising ang mga nakabaon na sikreto. Nagbibigay ito ng mga himala, ngunit nagtatago ng isang bahagi ng bawat kaluluwang nadaraanan nito. Dahil ang Isla Milagrosa ay hindi lamang tumatanggap ng mga bisita. Pinipili niya sila. At tinatandaan niya sila. "Hmmm. Sounds interesting and mystery." Ano nga kayang kaugnayan ni Lolo sa Islang ito? Bakit ako ang napili para magpunta sa napakagandang lugar na ito. Mukhang marami akong matutuklasan sa Isla na 'to. Hindi kaya may kinalaman ang babae sa larawan na kasama ni Lolo? Sino nga ba talaga siya? At ang awitin na putol sinadya ba 'yun o may karugtong? " mga katanungan ko sa sarili....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD