IKAW SA BAWAT UMAGA

1856 Words
CHAPTER 8 FEROX POV Maraming araw ang lumipas mula noong gabing nalunod kami sa alak at galit sa mundo. Ngayon, heto na naman ako sa studio naming magbabarkada ang tanging lugar kung saan hindi ako anak ng mga taong galit sa musika, hindi ako bilyonaryo, at lalong hindi ako isang lalaking ipinagkait sa sarili ang damdamin. Dito, isa lang akong si Ferox. Isang lalaking may piano, mikropono, at mga kaibigang hindi ako iniiwan kahit paulit-ulit akong nadudurog. Maaga pa pero nandoon na sina Fritz, Knox, at Khale. Bukas ang LED lights sa kisame, malamig ang hangin dahil sa aircon, at ang mga instrumento ay parang naghihintay lang na gisingin. Umupo ako sa harap ng piano, ipinatong ang mga daliri ko sa mga tipa, at pinikit ang mata. “Concert na natin next week,” sabi ni Fritz habang inaayos ang bass strap niya. “We need something new. Yung tipong… lalong sisira ng relasyon.” “Gusto ko love song,” sabi ko nang mahina tumahimik silang tatlo. “Romantic?” tanong ni Knox tumango ako. “Super romantic.” Ngumiti si Khale. “So… about her?” Hindi ko na tinanong kung sino ang tinutukoy niya. Alam naming lahat. Ang babaeng hindi ko kilala ang pangalan, pero parang naging tahanan ng boses ko sa unang kanta naming Himig ng Gabi. Huminga ako nang malalim at pinindot ang unang key. Mabagal. Malambot. Parang unang hakbang sa buhangin. “Try this,” sabi ko. Tumugtog ako ng simpleng melody. Sumabay si Khale sa gitara mahina, parang bulong. Si Knox ay marahang tumapik sa snare, at si Fritz ay pumasok sa bass na parang t***k ng pusong nag-aalinlangan. “Parang… sunrise,” sabi ni Fritz. “After long night.” “Title?” tanong ni Knox. Napatingin ako sa kisame. "Ikaw sa Bawat Umaga.’” Tumango si Khale. “Bagay.” Kinuha ko ang notebook ko at nagsimulang magsulat habang tumutugtog. “Verse muna,” sabi ko. “Listen.” Kinanta ko ang unang linya. IKAW SA BAWAT UMAGA Sa tahimik na mundo ko, ikaw ang tunog, Sa bawat hakbang, ikaw ang unang t***k, Hindi pa kita kilala, hindi pa kita hawak, Ngunit sa bawat himig, ikaw ang hanap. “Wait,” sabat ni Fritz. “What if ganito sa second line…” Isinulat niya sa papel sa bawat paghinga, pangalan mo ang bukas. Napangiti ako. “Nice.” Inayos ko ang verse. Sa tahimik na mundo ko, ikaw ang tunog, Sa bawat paghinga, pangalan mo ang bukas, Hindi pa kita kilala, hindi pa kita hawak, Ngunit sa bawat himig, ikaw ang hanap. Sumabay si Khale sa bagong chord. Mas maliwanag ang tunog, parang umaga nga. “Pre-chorus,” sabi ni Knox. “Yung paakyat.” Isinara ko ang mata ko at kinanta. Kung sakaling dumating ka sa buhay kong malamig, Ikaw ba ang init na matagal kong panaginip? Kung sakaling marinig mo ang awit kong ‘to, Alam mo bang sa’yo ko lang ito binuo? Tumigil si Fritz sa pagtugtog. “Bro… illegal level ng lambing ‘yan.” Tumawa si Khale. “Okay, chorus na.” Tumayo ako sa piano bench at lumapit sa mic stand mas buo na ang tugtog. Ikaw sa bawat umaga, Ikaw sa bawat gabi, Sa mundo kong magulo, Ikaw ang pahinga ng damdamin, Kahit ‘di pa kita kilala, Ikaw na ang panalangin, Sa bawat nota ng puso, Ikaw ang aking awitin. Tahimik ang studio pagkatapos ng huling linya. “Bro…” sabi ni Knox. “Kung may jowa ako, maiinggit siya sa kantang ‘to.” “Second verse,” sabi ni Khale. “Mas personal.” Umupo ulit ako sa piano at tumugtog ng mas malalim na progression. Sa mga gabing ako’y nag-iisa, Sa ingay ng mundo, ako’y tahimik pa, Hanggang sa dumating ang aninong di ko kilala, At tinuruan ang sugat kong muling sumaya. “Add line,” sabi ni Fritz. “Yung about waiting.” Isinulat ko kung tadhana man ang magdala sa’yo sa akin, maghihintay ako kahit sa dulo ng awitin. Tumango si Khale. “Bridge dapat confession.” Humina ang tugtog, piano lang, walang drums, walang bass kinanta ko nang halos pabulong. Hindi ko alam ang iyong mukha, Hindi ko alam ang iyong pangalan, Ngunit sa bawat panalangin ko sa dilim, Ikaw ang sagot ng aking damdamin. Biglang pumasok ang gitara ni Khale, parang iyak na ginawang tunog. Sumabay ang bass ni Fritz, at unti-unting bumalik ang drums ni Knox. Last chorus, mas malakas, mas buo. Ikaw sa bawat umaga, Ikaw sa bawat gabi, Sa puso kong pagod na, Ikaw ang himig ng pag-ibig, Kahit anino ka pa lang ngayon, Ikaw na ang bukas ko, Sa bawat awit na aking buuin, Ikaw ang mundo ko. Nabuo ang huling nota tahimik walang nagsalita agad. Si Fritz ang unang huminga nang malalim. “Bro… this song is dangerous.” “Dangerous sa mga puso,” dagdag ni Knox. Si Khale ay tumango. “Original. Walang katulad. Sa’yo lang ‘yan.” Napaupo ako sa piano bench. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko, pero hindi ito sakit. Parang… pag-asa. “Guys,” sabi ko, “hindi ko alam kung sino siya. Pero… para sa kanya ‘to.” Ngumiti si Fritz. “Then someday, she’ll hear it.” Tumingin ako sa mic stand sa susunod na concert, kakantahin namin ito. At sa gitna ng ilaw, sigawan, at ingay ng mundo baka naroon siya at baka, sa unang pagkakataon makilala ko na ang babaeng naging awit ng puso ko. Matapos naming tapusin ang ensayo at ang bagong kanta, nanatili muna kami sa loob ng studio. Nakaupo pa rin ako sa harap ng piano, habang sina Fritz, Khale, at Knox ay nagkalat sa iba’t ibang sulok ng kwarto. May nakahiga sa sofa, may nakatayo sa tabi ng salamin, at may nakaupo sa sahig na hawak ang cellphone. Tahimik muna ang lahat, parang pagod pero busog sa damdamin. Sa isip ko, hindi pa talaga tapos ang araw na ito. Hindi lang kanta ang kailangan naming ihanda para sa concert. Kailangan din naming ihanda ang itsura namin sa entablado kung paano kami titignan ng mga tao, kung paano nila mararamdaman ang presensya namin bago pa man tumunog ang unang nota ng kanta. Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa upuan. Tiningnan ko silang tatlo. “Guys,” sabi ko, “pag-usapan na natin yung susuotin natin sa concert.” Agad namang umupo nang tuwid si Fritz. “Sa wakas! Akala ko puro kanta na lang. Kailangan talaga nating maging astig this time.” Tumawa nang mahina si Khale. “Hindi pwedeng basta t-shirt lang. Concert ‘to, hindi practice.” Si Knox naman ay dahan-dahang tumango. “Dapat may tema. Para paglabas pa lang natin sa stage, may dating na agad.” Umupo ako sa gitna nila at inilapag ko sa mesa ang ilang papel na kanina ko pa sinusulatan. Doon nakalista ang mga ideya ko kulay, estilo, at kahit mga simpleng detalye tulad ng sapatos at ilaw sa likod namin. Sa loob-loob ko, gusto kong maging espesyal ang gabing iyon. Gusto kong kapag tumingin ang mga tao sa amin, maramdaman nila na hindi lang kami basta banda. Gusto kong makita nila na bawat isa sa amin ay may kwento, may sugat, at may pangarap na dinadala sa entablado. “Anong gusto n’yo?” tanong ko sa kanila. “Gusto ko dark colors,” sabi ni Fritz. “Yung tipong paglabas natin, parang may misteryo agad.” “Pwede,” sagot ni Khale. “Pero huwag sobrang itim. Baka magmukha tayong malungkot masyado.” Napangiti ako nang bahagya. Totoo naman. Ayokong puro dilim ang makita ng mga tao. Gusto ko ring may konting liwanag parang musika namin, may sakit pero may pag-asa. “Siguro kombinasyon,” sabi ko. “Dark pero may konting light details. Parang… may sugat pero may paghilom.” Tahimik silang sandali. Nakatingin lang sila sa akin, at pakiramdam ko ay naiintindihan nila ang ibig kong sabihin kahit hindi ko sinasabi nang diretso. “Ferox,” biglang sabi ni Knox, “parang yung kanta natin ngayon. Masakit pero romantic.” Tumango ako. “Oo. Gusto kong ganun din yung itsura natin sa stage.” Lumapit si Khale sa salamin at tiningnan ang sarili niya. “So anong style? Leather? Coat? O blazer?” Napaisip ako. Sa utak ko, unti-unting nabubuo ang imahe namin sa entablado mga ilaw na tumatama sa amin, mga tao na sumisigaw, at musika na umaagos sa hangin. “Siguro simple lang pero may dating,” sabi ko. “Hindi yung sobrang engrande. Yung tipong kapag tumingin sila, mararamdaman nilang totoo tayo.” Umupo ulit ako at ipinikit sandali ang mga mata. Bigla kong naisip ang mga taong manonood sa amin mga taong may sariling kwento ng sakit at pag-ibig. Gusto kong sa isang tingin pa lang, maramdaman nila na kasama nila kami. “Pwede tayong magkapareho ng kulay,” sabi ni Fritz, “pero iba-iba ng estilo.” “Para parang iisang banda pero may kanya-kanyang personalidad,” dagdag ni Khale. “Gusto ko ‘yan,” sabi ko. “Parang tayo lang talaga.” Sa loob ng dibdib ko, may kakaibang saya. Hindi lang dahil sa concert, kundi dahil sa pakiramdam na may mga taong kasama ako sa laban. Sa mundo ko na puno ng sigawan at malamig na salita, sila ang tahimik na patunay na may mga taong naniniwala pa rin sa akin. Tahimik ulit kami saglit. Sa labas ng bintana, unti-unti nang dumidilim ang langit. Ang ilaw sa studio ay tila mas lumambot, at ang hangin ay parang may dalang pangako ng isang gabing puno ng musika. “Guys,” sabi ko, “gusto ko yung concert na ‘to… hindi lang basta performance. Gusto kong maging alaala siya.” Tumingin sila sa akin. “Alaala ng ano?” tanong ni Fritz. “Alaala na kahit pagod na tayo, kahit may problema, kaya pa rin nating tumayo sa entablado at kumanta,” sagot ko. Hindi na sila nagsalita. Pero nakita ko sa mga mata nila ang parehong damdamin parang may apoy na muling nagliyab. Muli kaming nagbalik sa usapan tungkol sa detalye: sapatos, jacket, ilaw, at kung paano kami lalabas sa stage. Habang nagsasalita sila, nakikinig lang ako at iniipon sa isip ang bawat ideya. Sa loob ko, may isang lihim na dahilan kung bakit gusto kong maging perpekto ang gabing iyon. Gusto kong sa bawat kanta, sa bawat ilaw, sa bawat galaw namin, may isang taong makaramdam ng init sa gitna ng lamig. Gusto kong may isang pusong kikilig, may isang pusong aasa, at may isang pusong masasabi: “Hindi pala ako nag-iisa.” Habang nag-uusap kami, napangiti ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa concert. Hindi ko alam kung ano ang haharapin ko pagkatapos nito. Pero sa sandaling iyon, sapat na ang kaalaman na may banda akong kasama, may musika akong sandalan, at may entabladong handang tumanggap sa amin. At sa bawat plano naming binubuo, mas lalo kong nararamdaman ang kakaibang kaba isang kaba na hindi takot, kundi pananabik. Pananabik sa gabing puno ng ilaw, musika, at damdaming hindi kayang ikulong ng katahimikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD