Nakabalik na kami sa Lupin campus. Mas lalong naghigpit sa akin si Lincoln at parati siyang nakadikit sa akin. Maging si Ingrid ay nabi-bwisit na dahil kahit sa pagtulog ay nananatili siya sa kusina upang doon umidlip. As if naman pupuslit ako ng madaling araw, saan naman ako pupunta? Ngunit nakatulong din 'yon sa akin dahil maya't maya ay napapanaginipan ko ang mga masasamang kaganapan sa buhay ko, lalo na ang insidente sa mansyon ng mga Wardolf. Magigising na lang ako sa yugyog ni Lincoln sa aking mga balikat. Pinagpapawisan ako nang malagkit habang hinihingal na mapapabangon. Then he would hug me and tuck me in so I could go back to sleep. Hahawakan ko ang kanyang mga kamay at hindi siya paaalisin sa tabi ko. In the end, magkatabi na lang kaming natutulog which was great dahil nawala l

