Astrid's POV
Sa paglalakad ko sa hallway, may ilang mga estudyante akong nakasabay na halos tumakbo na sa pagmamadali habang hawak ang kanilang mga proyekto.
Nakangisi ko silang pinagmasdan. Halos lahat ng makikita ko rito ay babae at talaga naman na magaganda ang mga ito at mukhang models.
Napailing na lang ako at tiningnan ang schedule ko. It's an ordinary day today dahil kinuha na rin si Sam sa akin at hindi ko pa nakikita ulit si Lincoln.
Since alas siyete ng umaga ang first class ko, hindi na ako pumasok, dahil malapit nang mag-alas otso. Makakakuha lang ako ng atensyon kapag pumasok pa akong late.
Nagdesisyon akong magpunta muna sa ibang lugar dito sa school. Una kong nadaanan ang pool area kaya pinasok ko ito. Nagtungo ako kaagad sa isang bench na 'di kalayuan sa pintuan at inilapag ang backpack ko roon. Nang makaupo ako, narinig ko ang mga boses ng mga babae mula sa shower room. Isa-isa itong naglabasan habang nagtatawanan, kasama ang ilang kalalakihan. Kapwa naka-swim wear ang mga ito. Two piece, na halos lumitaw na ang kanilang mga kaluluwa. Litaw na litaw ang kagandahan ng hubog ng kanilang mga katawan, pati na ang mahahaba nilang mga legs.
Hiyang-hiya naman ang height ko sa kanila.
Dumaan sila sa harapan ko na parang hindi nila ako nakita at nagsimula na silang magtulakan sa pool. Tanging tawanan at tilian lamang ang maririnig ko rito, pati na ang pagaspas ng tubig dahil sa pwersa ng pagtalon ng mga ito.
Napansin ko ang husay ng mga ito sa paglangoy ngunit hindi lamang iyon. Pansin ko rin ang paghagod ng tingin ng mga lalaki sa katawan ng mga babaeng kasamahan nila na ngayon ay lumalangoy sa tubig ng paharap na tila ba nagpapaligsahan. Kapansin-pansin ang pagngisi ng mga ito habang sinasabayan ng kanilang mga mata ang pag-indayog ng mga hinaharap ng mga babae. Mukhang enjoy na enjoy naman ang mga haliparot. Langya.
"Their faces are cute," tila kinikilig na boses ang narinig ko mula sa likuran ko. Kaagad ko itong nilingon at nakita ang isang estudyante, nakatukod ang dalawang siko sa sandalan ko, parang tangang nakahawak sa mukha habang namumula ang mukha at tenga nito, na halatang binobosohan ang mga babaeng sagana sa hinaharap. "..but they're biggy biggy." Mukha itong m******s nang sabihin niya iyon.
Wait, is he talking about-- Nag-init ang magkabilang pisngi ko at walang sabi-sabing sinampal ito. Muntik itong matumba at gulat na napatingin sa akin, tila nagising sa kanyang mahalay na imahinasyon.
"p*****t!" sigaw ko rito, dahilan para malipat ang atensyon ng lahat ng tao rito sa amin. May ibang umahon pa mula sa tubig para makiusyoso, na talaga namang proud na proud ang kanilang hinaharap. Pareho kaming namula ng estudyante nang makita sila kaya naman hinampas ko ulit siya. "Geez. I should get outta here."
Kinuha ko ang backpack ko at nagmadaling lumabas ng pool area. Rinig ko naman ang pagtawag sa akin nung m******s na lalaki.
"Miss, teka lang!"
Inis akong huminto at nilingon siya. "Ano na naman?" Natigilan ako nang makitang hindi siya yung lalaki kanina. Mas mukha itong matured at disente kaysa roon sa una. "Uh, who are you?"
Napakamot ito sa batok at huminto sa tapat ko. "Napansin kong nanonood ka kanina sa mga swimmer namin. Interesado ka ba sa sport na swimming?" Ngumiti ito sa akin at inilahad ang kamay niya. "I'm Ace Royale, president ako ng swimming club. Kung gusto mong sumali, bumalik ka lang uli sa pool area."
Ito ang unang beses ko rito at ito rin ang unang beses na nakaharap ko ang miyembro ng clubs sa school. Unang beses din ito na inaya akong sumali sa club.
Tinitigan ko lamang ito. Hindi halata sa kanya na presidente siya ng club ng mga... ng mga swimmer na iyon! Sa itsura nito at mga ngiti, mukhang hindi ito mahilig sa mga babaeng katulad ng mga swimmer na nakita ko. Masyadong mahalay ang mga kasuotan nila. Gusto ko tuloy itanong, 'may required size ba sa pagsali ng club niyo'?
But syempre, hindi ko sinabi iyon. I gave him a friendly smile and nodded. "Pag-iisipan ko." Though I'm not interested in joining his club. Ibinaba nito ang kamay na nakalahad at napakamot ng ulo.
"Thanks, uh.. what's your name pala?"
"Astrid." Ngumiti ako uli rito. "Nice meeting you, Ace." Tumingin ako sandali sa relos ko. Maaga pa naman. Ngunit para makatakas kay Ace ay nagkunwari akong nagwo-worry. "Uy, I have to go."
Napakamot ito ng batok at nahihiya akong nginitian. He's cute. "Pasensya ka na. Late ka na ba?"
Pilit akong ngumiti. "Medyo."
"Uh, hatid kita?"
Umiling ako. "No, okay lang. Uhm, una na ako, ha?" Kumaway ako sa kanya at nagmadaling umalis.
"Ingat, Astrid! Balik ka, ah?"
Nang makalayo ako roon, huminto na ako sa pagtakbo at normal na lang na naglakad. I can really be a good actress at times like this.
Paikot-ikot lang ako sa campus. Hanggang sa nakarating ako sa field. Dalawang lalaki ang nadatnan ko roon na naglalaro ng soccer. Nagtatawanan ang dalawang ito habang nag-aagawan ng bola gamit ang kanilang mga paa.
"Tangina, Nicholas, wala talaga akong kawala sa 'yo," natatawa na sabi ng isa. Ngumisi lamang ang huli lalo na nang masipa nito ang bola palayo. "Geez. Maligo na tayo, bro."
"Tara," sagot ni Nicholas habang pinupulot ang bola ng soccer. "Wala ka pa ring chance makapasok sa club namin, Royce."
Nangiti lamang si Royce. "Alam mo namang hindi ko hilig talaga ang soccer," sagot nito nang makalapit sa isang bench at kinuha ang bags nila. "Baka kapag napanood mo akong maglaro ng basketball, mapa-cheer ka riyan, pare!" Humalakhak ito sa sarili niyang biro.
Napailing na lamang si Nicholas. "Oo naman. Baka magpagawa pa ako ng tarpaulin," sarkastikong sagot niya. Kinuha niya ang bag sa kaibigan at sabay na silang naglakad palayo.
"Oo na, bro. Mas talented na si Alec sa akin," sarkastiko ring wika ni Royce na medyo natatawa-tawa rin. I flinched nang marinig ang nabanggit niyang pangalan.
Napahalakhak si Nicholas sa narinig, tila ba sang-ayon ito sa sarkastikong pahayag ng kaibigan.
Nakataas lang ang kilay ko habang pinapanood silang maglakad paalis ng field. They sure love to talk about stupid things. Naupo na lamang ako sa isang bench na nakasilong sa malaking puno. Nakaka-relax naman pala talaga rito.
Nang tuluyan nang makaalis yung dalawang lalaki, biglang may nagsilabasang babae na hindi ko alam kung saan nanggaling. May hawak silang mga camera at tila kinikilig habang pinagmamasdan ang mga kuha nila. Kapansin-pansin ang iksi ng mga skirt nila, na konting galaw na, lilitaw na ang mga undies nila.
"Hey."
Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. Nang lingunin ko ito, halos matameme ako sa ganda niya. Partida, mukha pa siyang puyat sa lagay na ito, ah. Napasimangot ako nang makitang humithit siya ng sigarilyo at bumuga sa kabilang side bago bumaling ulit sa akin at nangiti.
"What?" sa wakas ay tugon ko. Pinagmasdan ko ito mula ulo hanggang paa. Halata rito na mas matanda siya sa akin ng ilang years. Dumako ang tingin ko sa blouse niya, sobrang hapit ito kaya kitang-kita ang kurba niya. Halos mapasipol ako sa ka-sexy-han niya. Maiksi rin ang skirt niya tulad nung mga babae kanina, kaya naman exposed na exposed ang legs niya na talaga namang sobrang kinis, animo'y alagang-alaga.
"Bago ka rito?" Humithit uli siya sa hawak niyang sigarilyo sa huling pagkakataon bago niya ito itinapon sa kung saan. Matapos siyang bumuga ng usok, lumingon ulit siya sa akin. "Don't worry, hindi naman ako nangangagat."
Hindi ako makatingin sa kanya. Ipinukol ko na lang ang tingin ko sa damuhan sa harapan. Hindi nangangagat? Ibig ba niyang sabihin doon ay hindi naman siya isang lobo? Narinig ko ang mahinang pag-buntong hininga niya. "Iskolar ka ba?" tanong niya habang pinagmamasdan ako. Hindi ko magawang lumingon sa kanya. May something sa mga tingin niya na hindi ko matukoy.
"I have a goal," tipid na sagot ko, at pinilit na lumingon sa kanya. "Ikaw? Hindi ka rin naman mukhang iskolar."
Nangisi siya sa akin nang sabihin ko iyon. Ngising hindi mababakasan ng buhay. "Scholar ako rito. Wala na kaming makain sa labas ng paaralan na 'to." Humalakhak pa siya nang sabihin niya iyon, tila ba nagbibiro lang. "Anyway, I'm Lorene Reyes. Third year. Ikaw? Mukhang bata ka pa."
"Astrid," tipid na sagot ko rito.
Nagkwentuhan lang kami roon, which is weird para sa 'kin dahil hindi naman ako sanay makipagkwentuhan sa hindi ko kakilala. Kaya nga si Ingrid lang ang tanging kaibigan ko. Ngunit magaan naman kahit papaano ang loob ko sa kanya. Nag-usap kami tungkol sa school at tungkol sa sarili niya. Nakikinig lang naman ako.
Hindi ko namalayan, lagpas alas dyis na pala. Putek, hindi na naman ako makakapasok! Hinayaan ko na lang since PE lang naman ang klase kong iyon. Ilang sandali pa, mukhang nakaramdam ng gutom si Lorene at nag-aya itong mag-lunch na.
Habang naglalakad kami, ramdam ko ang mga tingin ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Ang ilan ay naglakas loob bumati na nginitian lamang ni Lorene.
"You see, I'm a little famous here," wika niya nang maupo kami sa isang table. "I think they want to be like me."
Tumango ako. "Weird."
Nangiti siya. "Weird, isn't it? I'm not the perfect girl that they know. I am just Lorene." Bumuntong-hininga siya at bumulong. "Me."
Pinagmasdan ko siya. Nakatungo siya at mukhang may iniisip. Napansin ko ang bahagya niyang pag-iling. Pag-angat niya ng mukha niya, nakangiti na ito. Hindi ko alam pero parang gusto kong kilabutan sa galing niyang magpanggap na masaya.
"Siguradong gutom ka na. Mag-order na ako ng food." Tumayo siya at naglakad papunta sa counter. Hinatid ko lang siya ng tingin.
Kapansin-pansin ang mga ngiti sa mga labi ng ilang estudyante, ang mahihinang bulungan at tawanan. Ngunit sa isang iglap, ang kaninang mga nakangiting mukha nila sa harap ni Lorene ay naging isang ngisi. What's with their smirk?
"Astrid, you okay?"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Lorene. Napakurap ako nang ilang beses nang bumungad sa akin ang mukha niya. Dali-dali niyang ibinaba ang tray na hawak niya at hinawakan ang mukha ko.
"Damn," mahinang mura ko at mabilis na umiling. Dali-dali akong tumayo. "I-I have to go."
"Astrid? Why?" Pilit niya akong hinabol ngunit mas binilisan ko ang pagtakbo ko.
Paulit-ulit kong nakikita sa utak ko ang mga nakangising mukha ng mga estudyante. Para akong masisiraan ng bait. I already saw that kind of smirk before.
"Astrif." Nanginginig ang buong katawan ko. No, Astrid. Calm down. "Astrid!" Isang pagyugyog ang gumising sa akin sa unti-unti kong pagkalunod sa takot na bumabalot sa akin.
Napatitig ako sa mukha ng lalaking hawak ang magkabilang braso ko. Nakakunot ang noo niya, pilit inaalam kung ano ang nangyayari sakin. May parte sa akin na parang gumaan ang pakiramdam nang makita si Lincoln, ngunit masyadong malakas ang pagragasa ng emosyon ko noong mga oras na iyon.
"Can you please..." nanghihina kong sabi. Napakapit ako sa kanya. Nangungunot ang kanyang noo na tila ba hinihinuga pa ang mga sinabi ko. Napahawak siya sa aking mga braso at sinalo ako nang matutumba ako. "..help me?"
"What happened to you?" Marami pa siyang sinasabi ngunit hindi ko na maintindihan. Naramdaman ko pa na niyugyog niya muli ang aking mga balikat upang gisingin ako, ngunit hindi na kaya ng katawan ko.
Ang mukha niya ay totoong nag-aalala na tila ba mamamatay na ako. Yes, it was him. The man whom I always wanted to stay by my side and protect me. Siguro nga ang selfish ko para gamitin si Lincoln upang pamprotekta sa akin laban sa kapahamakan, but I badly need him sa sitwasyon ko ngayon—at sa mga darating pa na araw.
Unti-unting lumabo ang paningin ko. Nahihilo ako, tila ba umiikot ang paligid. Hindi ko na rin namalayan ang tuluyang pagbagsak ng katawan ko sa mga bisig ni Lincoln. Hindi ko man nasaksihan ang pagtakbong ginawa ni Lincoln patungo sa clinic nang dahil sa panic, naramdaman ko naman ang mainit niyang katawan sa aking mukhang nakasubsob sa kanyang dibdib.
Lincoln was spewing things I couldn't understand. I was still half awake ngunit hindi na ako aware sa mga nangyayari. Ang alam ko lamang ay ibinuhat ako ni Lincoln na pang-bridal style at nagmadali akong itinakbo sa clinic.
"No, Astrid, I can't lose you..." narinig kong bulong niya sa aking tainga. Was I going to die?
No, of course not. Nag-overreact lang si Lincoln dahil hindi niya alam kung bakit ako nagkakaganito. Another traumatic memory was triggered, that was what happened.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi na nakayanan ng aking katawan at tuluyan na akong bumagsak.