Kabanata 30

2085 Words
Someone's POV Lumuhod sa harapan ko ang batang lalaki. Sa tantiya ko ay nasa edad na labindalawa pa lamang ito. Base sa kanyang suot na asul na uniporme, nag-aaral siya sa paaralan ng Lupin. I was preparing para sa pagpasok ko sa Lupin today, but because of this kid, I wasn't able to go there on time. Kaya I decided na tumuloy na lamang doon mamayang hapon. "Kahit magkano ibibigay ko, parang awa mo na." Sinubukan pa niyang yakapin ang mga paa ko, buti na lang ay kaagad ko itong nailayo sa kanya. "Paano mo siya nakilala?" tanong ni Ellios sa bata. Nakasandal siya sa pader at naka-krus ang kanyang mga braso habang nakangisi kaming pinanonood. "Naririnig ko ang tungkol sa kanya. A nineteen-year-old young man, no permanent address, and his name is-" "Iyan lang ba ang alam mo?" pagputol ni Ellios sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Gosh, ilang minuto na ang nasayang ko rito! "Hindi kami interesado sa offer mo. Aalis na kami-" "Alam kong mag-aaral siya sa school namin!" Natigilan ako sa sinabi niya. Paanong- Kahit na nakaluhod ay nagawa pa niyang ngisihan ako. Inilabas niya ang ilang mga larawan mula sa kanyang bulsa. Mga ebidensya na doon nga ako mag-aaral. Ang mga nasa larawan ay ang pagkikita namin ng assistant ng Principal ng school, pati na ang certificate of registration ko! "He got us," naiiling na sabi ni Ellios at naglakad papalapit sa akin. Hinablot niya ang mga litratong hawak no'ng batang lalaki at pinagmasdan ang mga iyon. Hindi ko kasi gusto na mayroong nakakaalam ng totoong identity ko. Maya-maya ay lumapit sa akin si Ellios. "Pagbigyan na kasi natin. Isang beses lang naman," bulong niya sa akin. "Oo, please. Madali lang naman ang ipapagawa ko sa inyo," desperadong sabi ng lalaki, "Papatayin ako ng tatay ko kapag-" "Fine, pag-usapan natin iyan. Pero hindi rito," inis na sabi ko, but without losing my cool, at nagsimulang maglakad palabas sa makipot na eskinita. "Usually, hindi ako tumatanggap ng estudyanteng kliyente pero-" "Kaya kong magbayad, kahit na magkano." Sumabay pa siya sa akin sa paglalakad. Nagawa na rin nitong mangiti sa akin na para bang hindi siya lumuhod-luhod kanina habang nagmamakaawa. "Ang sabi mo kanina, madali lang ang ipapagawa mo, hindi ba? Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa? At bakit kami pa ang nilapitan mo? Ano ang motibo-" Nilingon ko si Ellios na nakasunod lamang sa amin kaya natigilan siya. "Shut it, Ellios." "Fine. Ang sabi mo kasi hindi ka tumatanggap ng mga madadaling trabaho-" "Shut up." Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng eskinita. Tumambad sa amin ang tahimik at malinis na subdivision. "Hindi ako usually nagsasama ng kliyente sa bahay, but fine, you are an exception." Ilang bahay pa ang nilagpasan namin bago kami nakarating sa bahay na pansamantalang tinitirhan namin. Hindi ito kalakihan. Mayroon itong itim at mataas na gate, pero kitang-kita pa rin ang kabuuan ng bahay. Binuksan ni Ellios ang gate at pumasok kami sa loob. Ako ang may hawak ng susi kaya ako ang nagbukas ng pinto sa bahay. Nauna akong pumasok at umupo sa mahabang sofa. Ganoon din naman ang ginawa ng estudyanteng kasama namin, habang si Ellios ay nanatiling nakatayo sa pintuan. "Magkano ang kaya mong ibayad?" diretso kong tanong sa kanya. "Bawat minuto ko ay mahalaga. Ayusin mo ang pagsagot." "Nakasalalay sa 'yo ang buhay ko. Limampung libo?" Napatingin sa akin si Ellios. Malaki-laki ang bayad niya to think na madali lang ang ipinapagawa niya, ayon sa kanya. "Doblehin mo," nakangiti kong sabi. "Call?" Nag-aalangan itong tumango sa akin. Matapos no'n ay pinapirma niya ako sa ginawa niyang kontrata. Gano'n din naman ang ipinagawa ko sa kanya. Matapos niyang pirmahan ang kontratang ibinigay ko ay pinag-usapan na namin ang kanyang problema. "Malaki ang expectation sa akin ng aking ama. Kailangan kong manguna sa klase ngayong taon dahil graduating na ako." "Madali lang pala ang problema mo, eh," singit ni Ellios na itinaas pa ang kanyang hintuturo. "E 'di mag-review ka!" Tumango siya. "Balak ko nga sanang magpa-tutor sa inyo the day before our final exam sana." Napataas ang isang kilay ko. "Nabasa mo naman siguro ang nasa kontrata?" Tumango siya bilang tugon. "Sosolusyunan ko ang problema mo, but I'll do it my way." Natulala siya dahilan para mapangisi si Ellios. "Nagsisisi ka na ba na siya ang nilapitan mo?" Umupo sa tabi niya si Ellios at inakbayan pa ang bata. "Hindi ka ba aware sa maduming takti-" Binatukan ko si Ellios bago pa niya maituloy ang sasabihin niya. Para namang nagdadalawang-isip ang batang lalaki ngunit wala na siyang magagawa. Nakapirma na kaming dalawa sa pareho naming kontrata. Ngumiti ako sa kanya. "Lalagyan ko lang ng kaunting kulay ang plano. Hindi kasi ako mahilig sa plain lang." Tumayo na ako at naglakad paakyat sa ilang palapag lamang na hagdan. "Relax ka lang. Walang sabit 'to." "Boss, ano'ng binabalak mo?" tanong sa akin ni Ellios habang inaayos ko ang mga laman ng aking backpack. "Ngayong araw ang final exam ni Kevin," pagtukoy ko sa estudyante naming kliyente. "Kevin Safira. Laging pangalawa sa klase mula grade school. Si Timo I-don't-know-where-he-came-from ang laging nangunguna sa klase nila, hanggang sa magkasakit ito at ilang araw na hindi nakapasok. Fifty-fifty ang chance ni Kevin na maging valedictorian, dahil once na ma-perfect ni Timothy ang exams, siguradong laglag si Kevin." "Saan mo naman nakalap ang balitang iyan?" kunot-noong tanong pa ni Ellios. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Research. Dahil lockdown ang Lupin ngayon, pumuslit lamang si Kevin to see me outside kaya sumunod ako sa kanya papasok sa school, at iyon ang nalaman ko." Yes, I literally came to his school hindi para pumasok na, kundi para magtanong-tanong about him. Hindi kasi ako nagtatrabaho nang hindi ko kilala ang aking kliyente, unless malayo sa kanya ang pinapagawa niya. Strangely, maayos naman sa loob ng paaralan at mukhang hindi sila aware na they are currently under lockdown. "Naks!" nakangising sabi niya. "Ano'ng plano mo?" "Seriously, El? Wala kang naiisip na plano?" "Nope. May bagong kliyente kasi tayo at balak ko, ako na muna ang hahawak habang busy ka pa." Nagkibit-balikat ako. "Whatever. Basta bigyan mo ako ng porsiyento. Pangalan ko ang gamit mo," nakangisi na sabi ko rito habang isinara na ng tuluyan ang aking backpack. "Papasok na ako ng Lupin school mamaya. There is no turning back until I accomplished my mission with our VIP." Paglabas ko ng silid, nakita kong nakaupo na naman sa sala si Kevin. Nangunot ang noo ko nang dahil doon. Lumabas na naman siya? Just how low was the security of that Lupin school? "What are you doing here?" singhal ko sa kanya. "Balita ko papasok na si Timothy mamaya. Kung hindi, mahihirapan siyang kumuha ng special exams na magiging dahilan ng pagbaba ng grado niya," nagwo-worry na sabi niya. Tumango lang ako. "Nag-review ka na ba?" "Yep! Pero hindi ako sigurado na makakakuha ako ng perfect score," may bahid ng kalungkutan niya sabi. "Hindi ako naiinggit kay Timo. Matalino kasi talaga siya. A hundred percent sure na kaya niyang i-perfect ang exam, kahit na hindi mag-review." "I see." Napalingon siya sa akin. "Ano ba'ng plano mo? Nabanggit sa akin ng kaibigan ko ang madumi mong taktik-" Sinamaan ko nga siya ng tingin dahilan upang matigilan siya. "Sabihin mo na sa 'kin. Ayos lang naman. Nanakawin mo ba yung answer key?" pabulong na tanong niya sa akin na tila ba kinakabahan na naiintriga. Napangisi ako sa kanya. Planado na ang lahat, although hindi na ako mismo ang gumawa. Minabuti ko talaga na hindi madudumian ang kamay ko nang dahil lamang sa napakababaw na dahilan ng batang si Kevin. Isa pa, although mas mayroong simpleng paraan upang gawin ang task tulad ng suhestiyon niya na nakawin ang answer key, hindi ko iyon gagawin. Mas prefer ko lang talagang gawin ang mas komplikadong plano dahil mayroong thrill sa kung ano ang magiging resulta, although my results are always good. "Okay rin yun, pero mas sure ball yung plano ko," pagmamayabang ko at napansin ko ang pagkamangha sa kanyang mukha. Dahil bata pa siya, sigurado ako na sobrang cool na ang tingin niya sa 'kin. "Hindi mo ba sasabihin sa 'kin?" pangungulit pa niya. Nakakarindi pero inintindi ko na lang na atat siyang malaman ang plano at magiging resulta niyon. "Para alam ko yung gagawin ko." Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabing espasyo sa sofa. Umakbay ako sa kanya ngunit hindi ko siya nililingon. Nanatili akong nakatingin sa harapan namin na tila ba may tinitingnan doon. "Relax ka lang, Kevin, dahil ikaw na ang tataguriang Valedictorian sa klase ninyo." Tinapik ko ang braso niya. "Bumalik ka na sa campus bago pa nila mahalatang lumabas ka." Nakita kong napangiti na rin si Kevin dahil sa sinabi ko. Madali lang talagang utuin at paikutin ang mga bata. "Gusto kong magpasalamat," napapakamot sa batok na sabi niya. "Salamat sa pagtulong sa akin." Pilit akong nangiti. Napaka-baduy naman kasing makatanggap nang ganoon. Unang-una, hindi ko ginagawa iyon dahil gusto ko siyang tulungan. I will do the dirty work for the dirtiest thing—money. Isa pa, hindi talaga bukal sa loob ko ang pagtanggap sa kanya. "You're welcome, Kevin. Now, go back at mag-review ka para sa exam mo mamaya." "Thanks, Br-" "Boss," pagtatama ko sa kanya bago pa niya makumpleto ang pangalan ko. Ayoko na may tumatawag sa pangalan ko, lalo na kung kliyente ko pa sa ganitong klaseng trabaho. "Tawagin mo akong Boss, stupid." Bago pa siya makasagot ay tumayo na ako at pumasok na sa kwarto upang magpahinga. Mukhang wala na akong magiging pahinga pagpasok ko sa Lupin school. May importanteng bagay akong kailangang ayusin sa loob niyon, bukod sa problema nitong si Kevin. Ang pagtanggap ko sa kanyang misyon ay pawang katuwaan lamang. It is a piece of cake, I'm telling you. I'll rip this kid's old man off by doing a simple task. Mula sa loob ng silid ay naririnig ko ang pag-uusap nina Ellios at Kevin. "Kaano-ano mo ba yung lalaking 'yon?" tanong ni Kevin na pinatutungkulan ako. I scoffed nang marinig ang hint of disrespect sa boses niya. Nakakatawa lang na ganyan pala niya ako pagsalitaan kapag nakatalikod ako. "Magkapatid ba kayo?" "Nope. We're cousins," pagsisinungaling ni Ellios dahil walang kahit na sino ang dapat na makaalam sa tunay naming pagkatao. Magtatanong pa sana ang huli ngunit narinig kong pinabalik na siya ni Ellios sa campus. Hulaan niyo na lang kung sumunod ba si Kevin sa kanya. Well, yes. Pero bumalik din siya kinahapunan upang balitaan kami sa mga nangyari sa kanya. As if I care. Mas may mga importanteng bagay akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa riyan sa napakaliit niyang problema. Sumandal ako sa upuan na aking inuupuan at tamad na tamad na pinagmasdan si Ellios at Kevin na ngayo'y nakaupo sa tapat ko. Nagkukwentuhan ang dalawa tungkol sa nangyaring final exam ng isa. "Ninerbyos ako kanina, muntik pa akong ma-mental block. Ang tagal kasi bago sumipot ni Timo," feel na feel niya ang kanyang pagkwento. "Biruin mo, halos kalahati sa mga nireview ko ay nakalimutan ko!" "So? Laglag ka na?" pigil ang tawa na tanong ni Ellios. "Ano na lang ang sasabihin ng tatay mo?" Naghikab ako. Nakakabagot! Ano ba naman kasing trip ni Ellios at nag-aya siya na dumaan dito sa coffee shop bago ako pumasok sa Lupin school? "Sira ka ba? Syempre doon pumasok ang plano ni Boss! Hindi naman ako magbabayad ng gano'n kalaki kung mapupunta lang ang lahat sa wala." "Tanggap mo na ba ang maduming–" Nagkibit-balikat siya. "Hindi na rin masama. Naisip ko na tama lang yun para sa mayabang na Timothy na yun." "Timothy?" Nangunot ang noo ni Ellios at binigyan ako ng isang mapang-asar na tingin. Inirapan ko lamang ito. Napahalakhak ito habang ipinagkrus ang kanyang mga braso. "Kaya siguro ginanahan itong si Br—ouch!" Matapos kong batukan ito ay hinarap ko si Kevin. "What happened to your final exam? Sumipot ba si Timo para makapag-take ng exam?" Mabilis siya na umiling. Kaagad namang napabaling ang tingin sa akin ni Grae. "Ano bang ginawa mo?" sabay na tanong ng dalawa. Nginisihan ko muna sila bago sinagot ang dalawa na takam na takam sa sagot. "I hired someone to kidnap him," walang pag-aalinlangan na sagot ko bago inabot ang kape at ininom ito. Gano'n na lamang ang pagkagulat ng dalawa. Ibinaba ko ang cup na hawak ko at pinagmasdan ang nakasimangot na mukha ng dalawa. "So rest assured that we won't be able to take his exams this quarter."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD