Kinabukasan, maagang may gumising sa akin sa pamamagitan ng paghila sa manggas ng aking suot na T-shirt. Iminulat ko ang mga mata ko at nilingon kung sino man iyon, and there I saw Sam standing up with his innocent eyes looking straight at me.
"Sam?" naibulalas ko. Umupo ako sa pagkakahiga ko at napakusot sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari ng mga oras na iyon. It took me a minute to realize what was going on. "Right. We have a class," tanging nasabi ko. Namamaos pa ang boses ko nang dahil sa sobrang antok.
Tumango si Sam at tumango. "Yes. Please take a bath now, Astrid," nakangiti niyang tugon sa akin.
Napakunot ang noo ko nang makitang nakabihis na si Sam. Naka-suot siya ng white checkered polo at maong na pants, plus puting rubber shoes. He looked really excited despite being anti-social, as what Austin said last night.
Napangiti na lamang ako. "Alright. Wait for me," sabi ko at saka na nag-ayos ng mga gagamitin ko bago pumasok sa banyo.
Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa harap ng salamin upang magsuklay. Pagkatapos iyon ay nilagyan ko na lang ng bandages ang aking wrist at daliri na mayroong sugat.
Nang makita ni Sam na tapos na akong gumayak, patakbo siyang lumapit sa akin at humawak sa aking kamay. Napangiti na lamang ako dahil sobrang excited niya.
"What makes you excited?" I asked him.
Ngumiti si Sam at lumingon sa akin. "It's because you're going to be there!" masigla niyang sagot na parang bata. I mean bata pa naman talaga siya. I'm glad na bumalik siya sa pagkabata, kahit ngayon man lang.
Lumabas na kami ng dorm na magkahawak ang aming kamay. Para lang kaming magkapatid, ngunit yung mga nadadaanan naming mga estudyante ay kung magbulungan ay parang anal ko si Sam sa pagkadalaga.
Nagtungo muna kami ni Sam sa Principal's office upang itanong kung nasaan ang klasrum para sa mga bata. Nadatnan namin siya sa meeting room, sa dulong upuan na mukhang hinihintay ako.
Halos mapatayo pa siya nang makita ako. "Good morning, Astrid and Sam," bati niya sa amin with her usual full smile. Ngumiti lamang kami sa kanya bilang tugon. "I'm glad that you're here. I heard from Austin that you wanted to volunteer to become the children's temporary teacher?" tuwang-tuwang sabi niya.
Napataas ang kilay ko at halos manlaki ang mga mata nang mapagtanto na Austin played me! He said that I volunteered? Sasagot pa lang sana ako upang depensahan ang sarili ko, ngunit nagsalita muli si Principal.
"My assistant will lead the way to the temporary classroom," nakangiting sabi niya at saka tinanguan ang kanyang assistant.
"Follow me," sabi ng assistant niya kung kaya sumunod na lang din kami sa kanya.
Naglakad lang kami sa likod ng assistant ni Principal. Hawak pa rin ni Sam ang kamay ko at mukhang hindi siya mapakali dahil sa excitement. Nagtungo kami sa parteng kakayuhan at sa bungad lamang noon ay namataan namin ang isang maliit na klasrum na gawa sa bato.
Lumingon sa amin ang assistant ni Principal. "Nandiyan na ang mga magiging estudyante mo for the day. Good luck, Astrid," aniya bago kami nilisan. Ako nama'y gustong magreklamo dahil hindi ko naman ito gusto in the first place, ngunit naging okay naman na sa 'kin dahil masaya naman si Sam.
Kumatok ako sa classroom bago binuksan ang pinto. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng maliit na klasrum at nakita ang maliliit na mga bata na nakaupo sa kani-kanilang upuan. Lahat ay mukhang tahimik dahil hindi pa nila kilala ang isa't isa. I heard na rescue lamang sila from the outside na tinipon nila. Iilan lamang sa kanila ang nakatayo, may kinakalkal sa kung saang shelf isang sulok ng silid, kumakain.
"Classmates! Nandito na si teacher!" sigaw ng isang batang babae at tumakbo papunta sa upuan niya.
I scanned the room once again. Maliliit na mga tables at chairs, mga bata, mga alphabet sa paligid..
"Good morning, teacher!" the children greeted me in unison. I was like, what the hell? Nagulat pa ako dahil doon.
Nilingon ko si Sam sa tabi ko at mahigpit na hawak ang kamay ko. Nginitian ko siya at sinenyasan na umupo na. Nag-aalangan naman siyang bumitaw sa akin at umupo sa isang upuan sa unahang row.
"Uh, as you can see, guys, estudyante rin ako rito." Ipinakita ko paang uniform at I.D ko para maniwala naman sila. Hindi ko alam kung paano makitungo sa mga bata na hindi katulad ni Sam!
Nagulat ako nang biglang may isang batang lalaking tumayo at dinuro ako. "Impostor!"
Huwat? Umiling ako nang maraming beses. "No, baby, I am your temporary teacher for today..." nagpa-panic kong tugon. Mali pala na nagsuot ako ng school uniform knowing na magtuturo ako sa mga bata.
Nag-cross arms siya. "Liar! How can a student be our teacher?"
Salbaheng bata! Pinakalma ko ang sarili ko at pilit na ngumiti. Kalma lang, Astrid, bata lang iyan!
"Biktima ako rito!" Para akong nasa korte, pleading my innocence. Naalala ko ang Austin Conor na iyon. Sinabotahe niya ako! "If you'll excuse me, kids, aalis na ako-"
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na tingin ko ay nasa late twenties. Nakasalamin man ito, pero lutang pa rin ang beauty nito! Ang tangkad pa at ang sexy!
"Good morning po!" bati ko rito. Paano na? Ngiting-ngiti pa rin ako kahit na alam kong patay ako later! At patay rin sa akin ang Austin na iyon. Well... as if naman!
"Ikaw ba ang ipinadala ni Principal na estudyante para magturo sa mga bata?"
"Uh... opo."
Tumingin ito sa wristwatch niya. "That's good. I'll give you incentives. I'll tell your teachers to give you a special treatment."
What did she just say? "No! Uh, I mean, you don't need to give me special treatment." I smiled. Pilit na smile! "Don't worry about these kids, ako na ang bahala. Just tell me kung ano ang ituturo ko sa kanila."
Lumapit siya sa akin at bumulong, "Libangin mo lang sila. Dalawang oras lang naman ang klase nila. After that, pwede ka nang magpahinga at hindi na pumasok ng klase mo." Lumayo siya sa akin at nginitian ako. "Daanan mo rin ako sa office ko sa baba. Sabay tayong mag-lunch." Sabay kindat niya sa akin.
Napayakap na lang ako sa sarili ko. Lesbian ba siya? Just kidding. Hanggang sa umalis na siya ay nakatunganga lang ako. Kaya naman nabulyawan na naman ako ng isang salbaheng bata!
"Hey, hindi ka pa ba aalis? Nasaan na ang teacher namin?" sabi ng isang bulinggit na katabi ng salbaheng batang tinarayan ako kanina. These kids!
Kinunutan ko silang dalawa ng noo habang naglalakad papunta sa teacher's table. "Don't hey me because I'll be your teacher for today. And listen, kids, I'm not a kind teacher, so, shut up y'all!"
Natahimik sila, eh. Tsk, tsk. Pilit na lang akong tumawa sa kanila para maalis na ang tensyon sa loob ng classroom. Leche, paano ba ako napadpad sa sitwasyon na ito? That Austin! Nakita kong napangiti sa akin si Sam dahil hindi naman talaga gano'n ang ugali ko.
"Just kidding. I may be your teacher for today, but I want you to just call me Ate Astrid. Is that okay with you, kids?"
"Yes, ate Astrid!" sabay-sabay nilang sagot sa akin. Tiningnan ko yung dalawang batang mag-tropa na salbahe sa akin. Masama ang tingin nila sa akin habang naka-crossed arms.
Binasa ko ang mga name tags nila. "Stephen and Gil, is that okay with you?" pang-asar ko sa mga ito. Namula si Gil at napayuko sabay bulong ng, okay. Habang si Stephen naman ay umiwas ng tingin sa akin at hindi ako pinansin. "Stephen?"
"S-Sure, Astrid!" padabog pa rin nitong sabi, at hindi talaga ako nito tinitingnan! Ang guwapo sana nito, kaso salbahe siya sa 'kin. Sarap kurutin sa pisngi.
Hinayaan ko na lang si Stephen dahil mukhang hindi ko na ito mapipilit. "Since hindi ako sinabihan kung anong ipapagawa sa inyo, er, ano'ng gusto niyong gawin natin?"
Bigla namang parang napunta ako sa palengke dahil sa ingay. Kanya-kanyang suggestions ang mga bata.
"Ate Astrid, maglaro tayo!"
"Drawing na lang po!"
Ang nakaagaw ng pansin ko ay ang pagtaas ng kamay ni Stephen. Napangiti ako at tinawag siya. Mabilis naman siyang tumayo.
"Just read us a story, Astrid," excited na sabi nito. "I don't usually suggest this. Be honored."
Nabigla ako dahil doon. Ganito na ba talaga umasta ang mga bata ngayon? Kung si Sam ay tahimik, ito naman batang salbahe na may matandang isip.
"Wow, I am really honored," sarkastiko kong sabi rito. Apat na taong gulang palang ba talaga itong si Stephen? Hinarap ko na ang buong klase. "Okay, who want games?" May ilang nagtaas ng kamay. "What about drawing?" Halos lahat nagtaas ng kamay. "How about storytelling?" Si Stephen lang ang nagtaas ng kamay.
At dahil ang kyut niya. "Okay, let's go for storytelling," bigla ba namang napatayo si Stephen habang nakataas ang isang kamay sabay sigaw ng yes! Halos lahat naman ay napa-aww.
Napapailing na lang ako sa mga reaksyon ng mga bata. Just how did I end up here?
"Okay, ganito na lang. I'll give you thirty minutes para mag-drawing tapos let's proceed to storytelling na after? Kung may natitira pang time, mag-games tayo, okay ba?"
"Yes, ate Astrid!" masiglang sagot nilang lahat sa akin.
So nagsimula na nga silang mag-drawing. Ang theme na ibinigay ko ay family. Wala namang tumutol sa kanila. Lahat nga sila ay seryosong-seryoso sa pagguhit, lalo na si Sam na sobrang abala sa pagguhit. These lovely angels...
Napataas ang kilay ko nang lumapit sa table ko si Sam. Hawak niya ang papel niya at ipinakita sa akin. May drawing doon na isang lalaki na sa tingin ko ay Dad niya at isang bata na sa palagay ko ay siya iyon.
"Why? Ipa-pass mo na?"
Umiling siya. "I don't know what to draw here." Sabay turo niya sa space sa tabi ng batang lalaki sa drawing niya.
"Uh, your mother?" alangan kong tanong sa kanya. May nanay siya, hindi ba?
Umiling siya nang maraming beses. "This is Lincoln right here. He helped me a lot growing up," aniya na tila ba grown-up man na talaga siya. "Ah! Now I have you. I'll draw you on the other side."
Napangiti na lang ako. "Come here," tawag ko sa kanya. Lumapit naman siya na parang isang maamong tuta. Kinandong ko siya at inilapag ang papel niya sa table. Kinuha ko ang pencil na hawak niya at nagsimulang gumuhit. Hinayaan lang niya ako kaya nagpatuloy ako sa pag-drawing. After ng mga limang minuto, ipinakita ko sa kanya ang kabuuan ng drawing ko. Itinabi ko ito sa batang lalaki na drawing niya. "Wow! This is amazing!"
Umalis siya sa kandungan ko at nagpunta sa harapan ko habang pinagmamasdan pa rin ang drawing ko.
"Ano, bilib ka na sa 'kin?" biro ko rito. Natutuwa ako na makita siyang ganito. Kumikislap ang mga mata niya sa sobrang tuwa.
"Wait," sambit niya at kumunot ang noo. "She looks familiar." Nginitian ko lang siya. Hinarap niya sa akin ang bond paper niya. "Is this you, Astrif?"
"Uh-huh," mabilis na sagot ko. Kinurot ko ang pisngi niya. "Are you happy?"
Ilang segundo bago siya tumango at bigla akong niyakap nang sobrang higpit.
"Thank you, Astrid." Whoa. Nakakatuwa talaga ang batang ito.
Isa-isa kong chineck ang mga drawings ng mga bata at sinabi kong iuwi nila iyon at ipakita sa parents nila.
Huling nagpasa sa akin si Stephen na mayroon lamang ginuhit na isang bata at isang hayop sa tabi nito. Gusto ko mang mag-usisa pa, pero mabilis siyang bumalik sa upuan niya.
"Sorry, kids. Hindi ko na kayo makukwentuhan. Ubos na ang oras natin. Paano, next time na lang?" Wala naman akong narinig na reklamo dahil tuwang-tuwa sila sa mga stars na natanggap nila mula sakin. "Goodbye, kids! Don't forget to tell your parents that you love them, okay?"
Bago sila umalis, humalik muna sila isa-isa sa akin. Ang sweet nila! Hanggang sa naiwan na lang kami nina Stephen, Gil, at Sam dito sa classroom.
"Wala pa ba ang mga sundo ninyo?" tanong ko sa mga ito. Imbes na sumagot, lumapit sa akin si Stephen.
"Promise me na kukwentuhan mo kami next meeting!" Sabay lahad niya ng pinky finger niya. Naintindihan ko naman ang ibig niya sabihin kaya nakipag-pinky swear ako sa kanya.
"Promise." Tapos ay sinabay ko na silang dalawa ni Gil sa paglabas namin ni Sam ng classroom matapos naming patayin ang ilaw at aircon. Isang lalaki naman ang lumapit sa amin kaya nagpaalam na ako sa dalawa. "See you soon, Stephen and Gil! Ingat sa pag-uwi."
"Wow. Hindi niyo naman sinabing chicks ang teacher niyo rito, Gil!" sabi ng boses ng isang lalaki. Nang lingunin ko iyon, napaawang ang mga labi ko nang makitang si Nicholas iyon.
"I didn't know either," sagt ni ni Gil saka na nagpaalam sa akin at nauna nang bumaba ng hagdan.
I waved at them while smiling. Feel na feel ko ang pagiging teacher, ano!
"See you around, Teacher!" Kumindat pa si Nicholas at sinundan na ang dalawa pababa ng stairs. How are these three related to each other?
Naramdaman ko na lamang na humawak na muli si Sam sa aking kamay habang nakangiti siyang nakatitig sa kapirasong papel na hawak niya na mayroong drawing naming tatlo—Lincoln, Sam, and me—at limang stars na naka-tatak doon.