"We can skip library for now," rinig kong sabi ni Sam habang naglalakad kami palayo sa tatlo—Reven, Tamara, and Thania.
Is this boy really a kid? Parang kaedaran ko na siya kung makaramdam sa 'kin at kung paano niya i-consider ang nararamdaman ko. Siguro napansin niya na I looked a little pale, still shocked on the revelations. On top of that, gulo-gulo rin ang buhok ko at halatang sinabunutan ako ng lintek na Thania na yun.
Ngumiti ako kay Sam pero hindi na nagsalita. Dumiretso na kami sa dorm dahil malapit na ring magdilim. Lincoln was still nowhere to be found, though. I wonder kung saan siya idinala ni Austin at kung ano ang ginawa niya sa kanya. Usually, siya ang dumarating kapag may nangyayaring masama sa akin... but another man showed up. It wasn't him, but he is a f*****g Conor.
Pagdating sa room namin ni Ingrid, nag-prepare kaagad ako ng dinner namin. Sam was sitting on my bed, holding a book that he probably found on the side table. He was really quiet. Nakabibingi ang katahimikan sa apat na sulok ng silid.
Lumingon ako sandali sa kanya habang naghihiwa ako ng sibuyas. Abalang-abala pa rin siya sa librong binabasa kaya ibinalik ko na ang tingin ko sa hinihiwa ko.
"Reven is your brother?" tanong ko sa kanya nang hindi na siya nilingon pang muli.
"Yes," mabilis na tugon niya. Sa tingin ko ay hindi man lang siya nag-abalang lumingon o huminto sa kanyang pagbabasa ng sagutin ang tanong ko.
Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko. "I didn't know him. It's my first time meeting him today," wika ko. Narinig ko ang paglipat ni Sam ng pahina ng libro, tahimik na nakikinig sa akin. Siguro ay naiinis na rin siya dahil kinakausap ko siya habang kasalukuyan niyang nagbabasa. "I am not supposed to say this to a kid, but your brother harmed Lincoln. That is why he couldn't come over."
Narinig ko ang may kalakasang pagsara ni Sam ng librong hawak niya kaya kaagad akong napalingon sa kanya. He was looking at me, surprised.
"That is why everyone dislikes him. He just wouldn't change," tugon niya sa 'kin. He was worried for his brother, though. Kita ko sa mga mata niya na masakit para sa kanya na gawin iyon sa kapatid.
Ako nama'y hindi pa rin makapaniwala sa maturity ng batang ito. May matandang tao kaya sa loob ng batang katawan na ito? This is just unbelievable in so many levels!
"Sam, you know that I'm fully aware about your family's true identity, right?" panimula kong sabi kay Sam. Huminto ako sandali sa paghiwa ng sibuyas at saka humarap sa kanya. Sumandal ako sa lababo habang nakatingin nang diretso sa bata. Tumango naman siya sa 'kin bilang tugon. "Why did Lincoln tell me that your brother's in another pack?"
Hindi naman nabigla si Sam sa sinabi ko. Bagkus ay mabilis pa siyang tumugon. "Because he really belongs to another pack. He abandoned our pack when he was still a kid. I heard the story often from our mother."
Nangunot ang noo ko. Reven abandoned his pack when we was a kid? Oh... that makes sense, actually. I didn't know that things like that could happen.
"What happened?" usisa ko pa. I was a really terrible adult dahil ipinakwento ko talaga sa bata ang tungkol sa terrible truth ng kanilang pamilya, especially his brother's.
"Reven always envied Lincoln for being chosen as the next Alpha of our pack, even though he was the youngest that time," paliwanag ni Sam. Can you believe that a child is telling me a werewolf story, and not the other way around?
I'm pretty sure Sam couldn't turn into a werewolf just yet dahil sa edad niya. Sa pagkakaalam ko, may certain na edad sila para makapagpalit into a werewolf form.
"They were picking one at a young age? What is an Alpha, by the way?" The term is a bit familiar. I think it meant being in a higher position or something, kaya naiingit si Reven.
"Yes. It is already decided then," tugon ni Sam. "An Alpha is the leader of the pack. It is the highest position, as far as I know. The next one is Beta—it's Kuya Austin, the Alpha's older brother."
"What? Posible bang mas mataas ang posisyon ni Lincoln sa Kuya niya?" naibulalas ko. Mukhang wala namang inggit si Austin sa kanyang kapatid.
Tumango si Sam. "Kuya Austin and Kuya Easton didn't want to become an Alpha. Everyone knows that, so Lincoln was chosen by the elders instead of Reven who was a year older. Hence, his hatred towards the entire pack."
Saka ko lamang naintindihan kahit papaano ang tungkol sa werewolves. So they have rankings and hierarchy pala na sinusunod. And Lincoln is his pack's current Alpha? That means he has absolute power towards the whole pack.
I remember na ipinatawag niya ang ilang werewolves dito sa paaralan na kabilang sa kanyang pack. Kaya pala everyone complied, and they also protected him from Reven. Although they were a little late, they still defended Lincoln with their own bodies. I see that he is a really important person in his pack.
What was he going to tell them then, kung hindi lamang nanggulo si Reven? I don't know. He hasn't said a thing about it.
Muli na akong humarap sa kusina at nagpatuloy na sa paghihiwa ng sibuyas, ngunit sa kalilipad ng isip ko about sa mga rebelasyon patungkol sa pamilyang Conor, ang hintuturo ko na ang nahiwa ko. Doon lamang ako bumalik sa reyalidad at saka mabilis na nabitawan ang kutsilyo. Hinawakan ko ang daliri ko na nagsimula nang dumugo at saka ko isinubo iyon.
Narinig ko na napatalon si Sam mula sa kama ko at saka lumapit sa akin. "Astrid, did you hurt yourself?" nag-aalalang tanong niya sa 'kin.
Lumingon ako sa kanya at bahagyang nangiti. Iniluwa ko na ang nasugat na hintuturo at saka ipinunas sa suot kong apron. "I'm fine, Sam. It's just a small wound."
Nang akala ko'y aalis na siya ulit, saka ko naramdaman na hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako hinila papunta sa kama. Napasama na lang tuloy ako. Pinaupo niya ako sa bed ko at saka niya tiningnan ang hintuturo ko na dumudugo pa rin. May kahabaan kasi ang pagkahiwa ng balat ko.
Pinanood ko lamang si Sam na kumuha ng bandage sa first aid kit na nakalagay sa drawer ng side table. Kinuha niya ang kamay ko at dahan-dahang ibinalot ang aking daliri ng bandage. Namangha na naman ako sa kanya. How could a kid act like he's an adult? Gusto ko sanang sabihin sa kanya na huwag siyang magmadaling tumanda at enjoy-in muna niya ang pagkabata niya, pero mukhang mas ako pa ang papangaralan niya, eh.
"Lincoln used to do this on my wounds," ani Sam bago tinapik nang marahan yung bandage sa sugat ko para mas dumikit iyon. Pagkatapos ay tumingin siya sa 'kin. "He is that type of Alpha."
Napakurap ako nang maraming beses nang dahil sa sinabi niya, saka na siya umupo sa kama ni Ingrid. Ako naman, kahit nabibigla pa rin sa mga inaasta ng batang ito, ay nagpatuloy na magluto sa kusina. Kumain kami kaagad pagkatapos.
Habang naghuhugas ako ng plato, dumating si Austin na mayroong dalang mga damit na pambata. Pinapasok ko siya at hinayaan na asikasuhin si Sam sa pagligo at pagbihis ng bata. Hinayaan ko lamang sila dahil siya naman dapat ang gumagawa no'n.
Matapos iyon ay inihiga na ni Austin si Sam sa kama ni Ingrid at pumorma nang aalis. Umupo lang ako sa upuan ng lamesa sa kusina noon at pinanood siyang lumabas. Nabigla pa ako nang lumingon siya sa 'kin at ngumiti. Pagkatapos ay lumapit siya sa table at umupo sa tapat kong upuan.
"W-What is it?" nauutal ko pang tanong. Ano ba'ng trip niya?
"May nakalimutan akong sabihin sa 'yo... at mukhang may gusto ka ring itanong sa 'kin," nangingiti niyang sinabi. Hindi ako umimik pero nanatili akong nakatingin sa kanya, nakikinig. "First, of course, thank you for looking after Sam. I'll make sure na may tutuluyan na siya bukas."
Napakunot ang noo ko. "I thought he will also leave by tomorrow?"
Natigilan siya at napatingin sa akin bago tumango. "That was the plan. Kaya nga nandito ako, para sabihin sa 'yo kung ano na ang mangyayari."
So there was a change of plan? Ano'ng gagawin nila sa bata? Hindi rin ako sigurado kung tama bang nandito siya sa loob ng paaralan, eh, pero I think wala namang masama kung dito nga siya mag-stay.
"Sam's mother decided to let Sam, and other kids, stay inside the school dahil mas safe dito kaysa sa labas. Alam mo naman kung ano na ang nangyayari sa labas ngayon," paliwanag ni Austin na tinanguan ko lang. Ngunit pinoproseso pa ng utak ko ang iba pa niyang mga sinabi. Sam and other kids will stay here? Tama naman na mas safe sila rito dahil walang gulo sa loob. Sang-ayon ako roon.
"It's a good thing," komento ko.
Tumango si Austin. "Magtatayo sila ng hiwalay na classroom para sa mga bata. Dito muna sila sa campus pansamantala papasok upang mag-aral."
Tumango-tango ako. "Good idea. So?"
"Well... they are still searching for a teacher. Mahirap kasi na magpapasok nang basta rito sa loob, baka ikapahamak pa ng lahat..." pabitin na sabi niya. Well... as far as I know, ang werewolves lang naman ang threat sa aming lahat dito, and they are werewolves themselves, so ano ang kinatatakot nila? Wait—may iba pang threat?
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang dahil sa na-realize kong iyon. Parang nanlambot din ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang ay nakaupo ako.
"Humans are much bigger threat," bulong niya na nadinig ko naman. I kind of agreed sa sinabi niya. So may mga tao pa na kailangan naming iwasan para sa kaligtasan namin? "By the way, kailangan ng isang guro ng mga bata..."
Tumango na lamang ako sa kanya kahit na ang daming gumugulo sa isip ko ngayon dahil sa bago na namang kaalaman at katatakutan.
"Yeah... but why are you telling me this?" nagtataka kong tanong kasi I have nothing to do with that naman. Kanina ko pa napapansin na he's talking about things na wala naman akong koneksyon.
Tumitig pa siya sa mga mata ko na ikinakaba ko. Seryoso ang kanyang mukha na parang may sasabihing hindi maganda, ngunit bigla siyang nangiti sa akin na parang pinagtitripan ako. "Well... I referred you to the Principal."
Hindi pa ako kaagad nakabawi sa sinabi niya, pero nang ma-realize ko iyon ay halos malaglag ang panga ko sa pagkabigla. Namilog ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "W-What did you just say?" hindi makapaniwala kong tanong.
Si Austin naman ay nakangiti pa rin sa akin. Ngiting nakakaloko. He referred me? Why did he do that? Hindi ko alam kung ano ang intensyon niya sa ginawa niyang iyon, pero mukhang trip niya lang talagang gawin iyon sa 'kin! He looked like he was having a lot of fun nang dahil sa ginawa niya at sa reaksyon ko.
"I-I can't do that. Hindi ako mahilig sa bata," kinakabahan kong sinabi sa kanya. Bakit ako? Sa dami ng pwede niyang ituro, bakit ako pa?
"Naisip ko lang na baka kailanganin ka ni Sam. He is actually anti-social, very quiet. Wala siyang kinakausap na kaklase niya at guro, so I thought you could be of any help to him kahit bukas lang..." paliwanag sa akin ni Austin.
Para namang dinurog ang puso ko nang sabihin iyon. Sam is anti-social and he might need someone na magpapa-feel sa kanya na he is never alone.
"Besides, wala ka nang magagawa. The Principal will summon you tomorrow morning para ipadala sa classroom ng mga bulilit," saad pa ni Austin nang hindi ako makapagsalita. "May dala rin akong damit ni Sam para bukas. Isama mo na siya para sabay na kayong pumasok sa klase."
Austin has this smug face that makes want to punch him. Nakakainis kasi mukhang satisfied siya sa ginawa niyang pagmamanipula sa 'kin.
Pinigilan ko na lamang ang inis ko at hindi na umimik sa kanya. Tulad ng sinabi niya, wala naman na akong magagawa pa dahil nag-decide na rin si Principal. Isang Conor ba naman ang mag-refer, siguradong napa-oo na lang din bigla 'yon.
Nang mapansin kong hindi pa rin umaalis si Austin sa upuan sa tapat ko, hindi na ako nakatiis at kinausap ko na siya. "Are you waiting for something?" tanong ko dahil mukhang wala pa siyang balak na umupo.
Napatingin siya sa 'kin at ngumiti. "I thought there is something that you want to ask. Fire away," mapang-asar niyang sinabi. Pati ang mga mata niya ay tila kinakantiyawan ako.
Umiling ako sa kanya, although alam ko rin sa sarili ko na meron. How's Lincoln? But of course I didn't ask that. "Wala. Please lock the door when you leave."
Natawa siya nang mahina sa hindi ko malamang kadahilanan at tumayo na. Ngunit bago siya naglakad palabas ng pinto, nanatili pa siyang tumingin sa akin at sinabing, "He wanted to come but I forbade him. Lincoln will see you tomorrow."
And yes, biglang nagsiakyatan ang dugo ko sa aking mukha nang dahil sa sobrang hiya. Nakakabasa ba talaga sila ng isip?
Narinig ko na lamang ang pagsara ng pinto nang makalabas na si Austin.